Magkaharap kami ni Reign ngayon at kinuwento ko sa kanya ang gustong mangyari ni Lucky. Kahit na siya mismo ay gulat na gulat din sa naging desisyon ng lalaking iyon. Kanina pa nagtetext sa akin si Lucky at tinatanong kung anong oras niya akong susunduin pero hindi ko siya nireplayan. "Baka malakas na talaga ang tama sa'yo ni Lucky kaya naisipan na patirahin ka sa bahay niya. Paano mo 'yan sasabihin kina Ben ay sa mga kapatid mo? Hindi papayag si Ben, Ellie!" seryosong tugon ni Reign. Napahilamos naman ako ng kamay sa mukha at tumingin sa kawalan. "Hindi ko nga rin alam kung paano ako magpapaalam sa kanila. Alam mo naman si Ben talagang mag-uusisa iyon!" sabi ko naman at napabuntong hininga. Hindi na sumagot si Reign at tila nag-iisip kung ano ang magandang sulosyon sa problemang pinasu

