The party was so amazing. Kakaunti lang ang tao pero napakaraming handaan. Biglang kumulo ang tiyan ko ng makita ko ang letchon na buo pa rin sa itaas ng mesa. Ang ibang mga bisita ay nag-iinuman na habang nagkukwetohan. "I am sorry kung kinumpara kita kay Hope," sabi ni Lucky sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at pinilit na ngumiti. "Okay lang," tipid ko lang na sagot. Tanggap ko naman talaga ang mga sinabi niya sa akin dahil tama naman siya. "Lucky, gusto kong kumain!" pabulong na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya dali-dali akong kumuha ng plato at pinuno iyon ng nga masasarap na pagkain. Nakatingin pa sa akin ang ibang tao na narito pero wala akong pakialam sa kanila. Minsan lang ako makatimim nito kaya susulitin ko na. "Whose that girl? Mukhang patay gutom!"

