Habang nakikita ko na gumagaling ang hika ni Wyn ay sobrang saya ang nararamdaman ko. Mabuti nalang at nabilhan ko siya ng gamot kasama ang ibang pangangailangan niya. Hindi ko na kailangan pang magsisi na nagawa kong ibenta ang sarili ko dahil para iyon sa kanya, para iyon sa mga kapatid ko na umaasa sa akin. Kung nandito lang sana ang mga magulang ko ay hindi ako hahantong sa ganitong sitwasyon. Kung matatakbuhan ko lang sana ang kamag-anak ko ay hindi ko sisikmurahin na magpapasex para lang magkaroon ng pera. Lahat naman ng pangangailangan ko na hinihingi ko kay Lucky ay ibinibigay niya. Iyon ang kasunduan namin, bawat gamit niya sa akin ay nagkakahalaga ng 50thousand pesos at pumayag naman siya doon. Nakita ko si Ben na nakatingin sa akin kaya naman pinilit kong ngumiti sa kanya. Aya

