DAHAN-DAHAN ang ginawang pagdilat ni Danna-ann sa kaniyang mga mata at madilim na paligid ng isang silid ang sumalubong sa kaniya.
Nagising siyang may yakap-yakap. Inakala niyang ang kaniyang yakap ay ang lalaking ilang beses na nagparanas sa kaniya ng ligaya papuntang ikapitong langit.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya pagkatapos na ilang ulit na may maganap sa kanila ng lalaking nakamaskara na kilala niya bilang Code Zero.
Pagkadismaya ang kaniyang nadama sapagkat isang malaki at malambot na unan na lamang pala ang yakap niya. Sa makulimlim na liwanag sa paligid ay ipinaling niya ang paningin sa kabilang parte ng kama, nagbabakasakali, naroon si Zero.
Pero bakanti iyon at ni walang palatandaan na may naging katabi siya sa pagtulog. Tila naulit lag ulit ang nangyari noong una. Nagising siyang wala ng kasama.
Nagpasiya siyang bumangon at buksan ang ilaw mula sa lampshade na naroon lamang nakapatong malapit sa kama. Wala siyang kahit na isang saplot sa katawan.
Napangiti siya ng makita ang dress na suot kagabi na maayos na nakatupi at nakapatong sa tabi ng lampshade. Naroon din ang kaniyang maliit na shoulder bag na pinaglalagyan ng kaniyang personal belonging.
May panghihinayang siyang naramdaman dahil hindi na naman niya naabutan si Code Zero sa kaniyang paggising, mas lalong hindi niya nakita ang mukha nito.
Pero sa isipin baka na sa labas lang ito at nakihalubilong muli sa mga guest ng Mask bar ay nabuhayan siya ng loob.
Napagpasiyahan niyang lumabas para hanapin ito ulit. Nangako itong ipapakita na ang mukha nito sa kaniya pagkatapos. Bigla na naman siyang na-excite dahil sa isipin iyon.
Hindi siya pintaserang tao at ayos lang sa kaniya kung hindi ito magandang lalaki kung iyon ang itinatago nito at ipinag-aalala na malaman niya. Hindi mahalaga sa kaniya ang panglabas. Mahalaga pa rin sa kaniya ang taglay na katangian nito pangloob.
Baka hindi pa tapos ang kasiyahan at makita niya ito roon na nasa paligid lamang. Matapos magbihis ay lumabas siya ng silid kung saan siya naroroon.
Sa paglabas niya ay pamilyar na kapaligiran ang bumungad sa kaniyang paningin. Nagpalinga-linga siya. Ganitong-ganito ang labas ng silid na pinanggalingan niya noong unang may maganap sa kanila ng lalaking naka maskara.
Bigla ang atake ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Kaya nagpasiya siyang lumakad pa. Malalaman niya ang sagot kapag nakarating siya sa ibaba. Ang alam niya kasi ay ikalawang palapag ito na may mga silid na iba pa.
Bago makarating sa ibaba ay may mga madadaanan muna siyang mga iba pang mga silid. Nasa dulong bahagi kasi ang silid na kinaroroonan niya. Ngunit natawag ang pansin niya sa isang pinto na madadaanan niyang bahagyang nakabukas. Marahil nakalimutan lang iyon isara mabuti ng tao mula sa loob.
Lalagpasan na lamang sana niya ang silid na iyon pero biglang may nahagip ang mata niya na pamilyar na tao mula sa loob niyon na may kausap.
‘Teka si Skite iyon, ah!’ aniya sa isipan. ‘Anong ginagawa niya dito?’
Bunsod ng kuryosidad ay dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Hindi niya maintindihan pero tila may nagtutulak sa kaniya na lumapit doon. Isama pa ang biglang pagkabog ng dibdib niya.
Ang lakas ng t***k ng puso niya. May kausap si Skite na isang lalaki rin at sa tingin niya ay seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito kung mukha ni Skite ang kaniyang pagbabasehan. Nakapaskil rin ang inis rito.
Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng iba dahil hindi tama ang ganoon gawi, pero iba talaga ang kutob niya. Tila may matutuklasan siya sa mga ito lalo at si Skite ang naiisip niyang hingian ng personal na impormasyon tungkol sa lalaking nakamaskara.
Itinago niya ang sarili sa gilid ng pintuan para makinig sa mga ito.
“Huwag mong pangunahan ang desisyon ko, naiintindihan mo? Dahil alam ko ang ginagawa ko!”
Biglang nakuha ang buong atensiyon niya ng marinig iyon mula sa kausap ni Skite. So, tama nga siya. Mas pinag-igi niya ang pakikinig sa mga ito. But wait, ang boses na iyon ay pamilyar sa kaniya.
Ang lakas ng t***k ng puso niya ay tila dumoble at ang tunog ng kabog niyon ay naririnig na niya. Hindi maaari! Marahil kapareho lang ito ng boses ng taong nasa isip niya. Marami naman ang ganoon, iyong magkakapareho ang boses. Pagbibigay pakunswelo pa niya sa sarili sa naisip mismo.
“Alam ko na ako ang kukulitin niya ng tungkol sa iyo sa mga darating na araw, lalo at alam niya na isa rin ako sa official member ng Mask bar. Inumpisahan na niya ang pagtatanong sa akin, alam mo ba iyon?”
Narinig niyang sinabi ni Skite sa kausap. Hinintay niya ang pagtugon ng kausap ni Skite sa sinabi nito dahil hindi ito agad sumagot. Sa wari niya ay pinag-iisipan mabuti ang bibitawang mga salita.
May hinihintay siyang marinig mula rito na magpapaklaro ng lahat sa kaniya na tama ang hinala niya kung sino ito.
Pinipigilan niya ang bugso ng emosyon na nag-uumpisa nang lumukob ngayon sa kaniyang isipan, kaya ilang beses siyang kumurap-kurap at lumunok. Umaasang mali siya ng taong nasa isip.
“Don't worry Skite, I can handle this okay. Katulad ng sinabi ko kanina, alam ko kung ano ang ginagawa ko. At may sarili akong desisyon”
“Kilala ko si Danna-ann. Mabait na tao iyon, sobrang lowkey, sobrang galing makisama at walang tinitingnan na estado sa buhay iyon pagdating sa pakikipagkapwa tao mapa pulubi pa iyan sa o hindi. Hindi niya deserve ang ginagawa mo, Tito Ethan. Tell her the truth na habang maaga pa!”
Sa narinig na pangalan na tinawag ni Skite rito ay tuluyang nasagot ang hinalang kanina pa tumatakbo sa isip ni Danna-ann. Tila pa nga nag-echo ng paulit-ulit ang pangalan nito sa kaniyang tainga.
Nang marinig niya ang boses ng lalaki nang magsalita kanina, umaasa siyang mali siya ng hinala kaya nga mas pinili niya ang patuloy na makinig sa usapan ng mga ito.
“I will tell her the truth, but not now and my decision is final!”
Sa narinig ni Danna-ann mula rito ay biglang umahon ang galit niya, kaya hindi na niya napigil pa ang sarili at biglang binuksan ang pinto ng silid na iyon para tuluyang makuha ang atensyon ng mga ito.
“At kailan mo sasabihin sa akin ang katotohanan na ikaw si Code Zero sa likod ng maskara mo sa Mask bar, huh?! Kapag ba nahulog na ako ng husto sa bitag mo bilang Code Zero!”
Ang nagulat na si Skite at Ethan ay parehong agad hindi nakapiyok sa biglaang pagsulpot niya.
Unang nakabawi si Skite buhat sa pagkabigla may ilang sandali ang lumipas.
“Danna-ann! Kanina ka pa ba riyan?”
“Hindi na mahalaga kung kanina pa ko rito o hindi. Malinaw sa akin na niloko niyo ako pareho!” aniya sa mga ito. “At malinaw na malinaw rin sa isip ko na ginawa ninyo akong tanga, mas lalo ka na!” galit na tiningnan niya si Ethan.
Tsaka mabilis niyang tinalikuran ang mga ito para lisanin na ang lugar na kinaroroonan niya. Pinigilan niya ang bumagsak ang luha sa harap ng mga ito.
Naiinis siya sa sarili niya sapagkat nakuha siyang gawin tanga ni Ethan. Nagagalit siya rito sapagkat sinamantala nito ang mga pagkakataon.
Kaya pala nang lumabas siya ng silid kung saan buong puso niyang ipinaubaya sa pangalawang pagkakataon ang katawan kay Code Zero na si Ethan naman pala talaga ay ganoon na lang ang pagka-pamilyar niya sa paligid.
Kaya ba mas pinili nito na piringan ang kaniyang mga mata sa buong pagtatalik nila para malaya itong makapagpasasa sa katawan niya at magawa ang kahit anong gusto nito sa kaniya. Lahat ng iyon bago sa kaniyang karanasan.
Kulang na lang tumakbo siya nang mabilis para makaalis agad sa lugar na kinaroroonan niya ngayon pero nanlalabo ang paningin niya dahil sa patuloy na pagbagsak ng sariling mga luha sa mata.
Nang biglang may pumigil sa braso niya sanghi para mapaharap siya rito.
“Danna-ann, let's talk. Hayaan mong makapag-paliwanag ako iyo, please listen to me first sa mga narinig mo kanina sa amin ni Skite,” pagsusumamo ng binata sa dalaga.
Hinaltak niya ang brasong hawak ni Ethan at tsaka hilam pa rin sa luhang hinarap ito.
“Paliwanag?” turan niya sa binata. “Ngayon mo iniisip na magpaliwanag dahil natuklasan ko na ang katotohanan.” Puno ng pagka-sakasmo ang boses niya. “Paliwanag na sana noong una pa lang tayong nagkakilala ginawa mo na. May pagkakataon ka na noon hindi ba? Kasi nasolo mo naman na ako roon sa restaurant mo, pero hindi mo nga ginawa agad.” Napatango-tango pa siya. “Ngayon ko napagtanto na kaya pala ganoon na lang ang pagtanggi mo na may kinalaman ang restaurant mo sa Mask bar na hinahanap ko kasi nakaplano na sa iyo ang lahat ng ito! Ang gawin akong tanga!”
“Mali ka ng iniisip, Danna-ann. Plano ko naman talaga na magsabi rin sa iyo pero nilayo mo ang sarili mo agad sa akin sa hindi ko malaman dahilan. Hanggan sa hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na masabi sa iyo ang totoo dahil sa pag-iwas mo nga sa akin ng tuluyan.” paliwanag ng binata.
“Tumigil ka!” Bulyaw ng dalaga. “Ang sabihin mo mas pinili mong panindigan na huwag ipaalam sa akin kung sino ka para madali mong magawa ang mga gusto mong gawin sa akin bilang sa katauhan mo na si Code Zero. Understanding naman akong tao. At alam nila Skite iyan bilang kaibigan ko. Ayoko sa lahat iyong pinagmumukha akong tanga ng mga taong nasa paligid ko.”
“Pero Danna-ann pakiusap, hayaan mong masabi ko ang lahat sa iyo ngayon. Ibigay mo lang sa akin ang pagkakataon na ito at pagkatapos hahayaan na kita kung iyan ang gusto mo, basta pagpaliwanagin mo lang ako,” wika ni Ethan rito.
Sa isip ng binata. Kailangan maibigay niya ang panig sa dalaga dahil nararamdaman niya ang labis na hinanakit nito sa kaniya. Ngunit sadyang matigas pala ito at ikinababahala niya iyon dahil baka tuluyan na itong lumayo sa kaniya. Halos ikabagsak ng balikat niya ang isiping iyon.
Aaminin niyang matapos na may maganap sa kanila sa katauhan ng lalaking nakamaskara nang gabing iyon ay malaki ang naging in fact nito sa pagkatao niya. Basta na-realize lang niya na matapos niya itong iwan sa silid na iyon noong unang beses nila, kailangan na niyang mas mapalapit dito dahil isa lang ang sigurado niya na may karapatan na siya rito ngayon. Marahil naging mali lang ang pinili niyang desisyon kung paano mapalapit dito.
Halos bumagsak ang balikat niya sa muling tinuran ng dalaga.
“Huwag na, sapagkat hindi na kailangan, Manong Ethan. Sapat na iyon malaman ko na ikaw si Code Zero. Okay na. Iyon lang naman talaga ang gusto kong malaman kaya pinilit kong makapunta pa rin sa MB sa kabila ng ginawa mo sa passes card ko. Nasagot na ang lahat ng tanong ko na may kinalaman sa lalaking nakamaskara kaya huwag ka nang mag-aksaya pa ng laway mo,” punong-puno ng hinanakit ang kalooban na wika ni danna-ann.
Muli niyang tinalikuran ito para iwan na pero muli lang siyang pinigilan ng binata sa pamamagitan ng pagharang ng katawan naman nito sa daraanan niya.
“Please, let me explain more,” may pagmamakaawa ng nakabahid sa mga boses at mata nito.
Natatakot si Ethan na tuluyan lumayo si Danna-ann sa kaniya lalo at alam na nito ang katotohanan sa likod ng kaniyang maskarang suot. Hindi niya gusto ang edea na baka tuluyan na siyang layuan nito.
“Para ano? Para saan pa?” tanong ng dalaga rito. “Para ba ipamukha sa akin na tagumpay kang nakuha ang katawan ko. Kaya ba mas pinili mo na gamitin ang katauhan ng lalaking nakamaskara kasi alam mo sa sarili mo na hindi ko ibibigay ito sa iyo kaya ginamit mo siya!”
Nagulat man si Ethan sa mga iniisip ni Danna-ann sa kaniya, hindi naman niya ito masisise.
“Nagkakamali ka. Hindi iyan totoo, little girl.’
“Stop calling me little girl, because I'm not your little and not your little girl anymore!”
Hindi nagpaawat ang binata. “Nagkakamali ka nga kasi kung iniisip mong ginamit ko ang katauhan ko bilang si Code Zero para lang doon!” Hindi na napigilan ni Ethan na magtaas na rin ito ng boses.
Ayaw man niyang ipadama sa dalaga na palak ang edad niya rito kaya dapat marunong itong rumespeto sa mga katulad niya. Parang ang tingin niya kasi nagiging childish na ito. Sapat naman na ang gulang nito pero bakit ayaw intindihin ang sinasabi niya. Handa naman siyang harapin ang consequences kung mayroon man, basta ang gusto lang niya masabi ang lahat dito at kung ano pa ang mga ibang dahilan niya.
“Duhh. . . Tell that to the marine, manong!” Sabay talikod rito para tuluyan ng iwan ang binata.
Hindi na tinangka ni Ethan na sundan ito. Tiningnan na lamang niya ang papalayong dalaga at kahit halos bagsak ang balikat dahil sa nangyari, naisip niyang tsaka na muna humarap sa dalaga ulit.