NAGPALIPAS ng isang linggo si Ethan bago muling nagpasiyang puntahan ang dalaga sa mansion ng mga Donasco matapos itong magalit sa kaniya dahil sa pagkakatuklas nito ng katauhan ng lalaking nakamaskara.
Patuloy siyang umasa na kauusapin na ng dalaga ng maayos katulad na lamang ngayon muli niya itong dinalaw rito sa mansion mismo, ngunit hindi nangyari. Naging bingi ito ng tuluyan pagdating sa mga paliwanag niya. Ginawa na niya ang alam niyang tama pero hindi pa rin pala sapat iyon sa dalaga.
Nililigawan na niya ito na umabot na ng halos dalawang buwan na dahil iyon ang tamang dapat gawin niya muna. Hiningi niya ang pahintulot ni Ricardo na maligawan ang anak nito at hindi naman ito tumutol lalo at may nangyari na nga sa kanila ng anak nito.
Oo, alam ni Ricardo ang bagay na iyon sapagkat noong araw na ipakilala sila sa isa't isa nito sa opisina nito sa Westrade ay sinabi niya ang nangyari sa kanila ni Danna-ann sa mask bar kung saan miyembro din si Ricardo. Sinabi niya rin na handa naman niya itong panagutan.
Kaya nga rin malayang ibinilin ni Ricardo sa kaniya ang dalaga sapagkat naniniwala ito na kailangan muna na makilala siya ng husto ni Danna-ann. Pero nang dahil sa isang halik na nangyari sa pagitan nila sa kaniyang restaurant mismo at sa pagiging pursigido nito na tuklasin ang mask bar maging sa misteryosong lalaking naka maskara na gusto nitong hanapin, hindi niya lubos na maisip na iyon pala ang magpapabago ng pakikitungo ng dalaga sa kaniya.
Sa bawat pagtatangka niyang ipadama ang kaniyang sinsiridad at magandang intensyon sa pamamagitan ng panliligaw rito sa halos dalawang buwan na ay puro pangbabaliwala ang isinusukli nito sa kaniya. Pinapamukha rin nito na ginagawa lamang daw niya iyon dahil inuusig ito ng konsensiya.
Sinabi pa nitong mas mabuti pang itigil na lamang niya ang ginagawa niyang panunuyo rito sapagkat nag-aaksaya lamang daw siya ng panahon. Ngunit hindi siya madaling sumuko kahit laging ganoon ang senaryo sa tuwing pupuntahan niya ito sa mansion para dalawin.
Pero ang mga iyon ay tiniis niyang marinig sa dalaga lalo at walang katotohanan ang paniniwala nito. Mabilis man ang mga pangyayari sa pagitan nila, isa lang ang tanging sigurado niya at naniniwala siya sa love at first sight na siyang naramdaman niya rito noong makita niya ito sa Westrade sa papasarang elevator.
Mabilis dumaloy sa isipan ni Ethan ang unang beses na nasilayan niya si Danna-ann kung saan sa unang pagkakataon naramdaman niya ang pagtibok ng puso nang ganoon kabilis para sa isang babae na hindi niya pa kilala ng lubusan.
Halos takbuhin ni Ethan ang elevator para lang mahabol ang papasarang pinto nito. Ngayon ang meeting niya sa CEO ng kompanyang ito para sa isang deal at pakikipag-share na rin.
Pero bigla siyang natigilan ng makita ang isang batang babae na abala sa hawak nitong cellphone. Oo, batang babae ang deskripsyon niya rito dahil matanda naman na kasi siya.
Tila nabato balani siya sa taglay nitong ganda. At kakaiba ang naging in fact nito sa kaniya na talaga naman ngayon lang niya naramdaman. Tila pa nga nag-slow motion ang papasarang elevator sa paningin niya kaya malaya niyang pinagmasdan ang mukha nito ang hindi nito napansin man lang..
May ilang segundo rin siyang natulala at nahimasmasan lang ng muling bumukas ang elevator at may lumabas na mga sakay mula roon. Bago pa iyong tuluyan sumara ulit ay pumasok na siya sa loob agad.
Nang marating niya ang sadyang opisina ng CEO sa ikalimang palapag ng gusali ng Westrade ay lumapit siya sa table ng isang matandang babae na hindi naman nalalayo ang edad sa kaniya. Napag-alaman niyang ito ang personal secretary nito.
“Wait for a while here Mr. Fernandez. Kausap lang saglit ni Sir Donasco ang anak niya.
Tumango lang siya rito at naupo nga sa pinaka waiting area. Habang naghihintay ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga business magazine na mga naroroon.
Mayamaya napa-angat ang ulo niya buhat sa pagkakayuko dahil bumukas ang pintuan ng opisina ni Mr. Donasco at inukluwa niyon ang batang babae na nakita niya sa elevator. Sa hindi niya malamang dahilan ay tinakpan niya ang buong mukha ng magazine na binabasa para malaya niyang mapagmasdan ito habang kausap ang secretary ni Mr. Donasco.
Kung ganoon ay anak pala ito ng CEO. Sa isiping anak ito ng CEO ay mas dapat niyang makuha ang deal at partnership ng kumpanyang ito para mas mapalapit sa dalaga.
Halos tumalon siya sa tuwa ng tagumpay naman niyang nakuha ang sadya. Kaya simula noon, naging madalas ang pagpunta niya sa Westrade at bilang isa may malaking invest na pera sa kumpanyang ito ay nagkaroon din siya ng sariling opisna na madalang naman niyang paglagian.
At mula nga noon’y malaya niyang nakikita ang dalaga sa tuwing dinadalaw nito ang ama. Ngunit kahit isang beses lamg ay hindi sila nagkakilala ng personal. Nakuntento siyang tanaw-tanawin na lamang ito muna mula sa malayo.
Bumalik ang kaniyang isipan buhat sa pagbabalik-tanaw sa kasalukuyan. Kung hindi pa niya marahil nakita ang dalaga sa Mask bar at may mangyari nga sa kanila ay hindi pa magkakaroon ng tiyansa na magkakilala sila ng personal sa tulong na rin ng ama nito.
Nakita niya si Ricardo na papalapit sa kaniya sa malawak na sala ng mga ito. Hindi siya agad umalis kahit tapos na siyang pakiharapan ni Danna-ann na mukhang napipiltan na lang dahil sumusunod sa ama na pakiharapan siya. Saglit lang siya nitong hinarap at nagsabing may lakad ito ngayong gabi kasama ang mga barkada.
“Halika, Ethan at tayo’y mag-shot na muna.”
Sumunod naman ang binata rito. Kailangan din niya ang presensya ng alak upang kahit paano ay mawaglit ang panibagong pagkabigo niya sa gabing ito sa dalaga.
Humantong sila sa pinaka minibar ng mansion.
Inabutan siya ni Ricardo ng basong may laman ng imported na brandy na ito na mismo ang nagsalin. Inamoy-amoy niya muna ang aroma noon bago nagpasiyang uminom ng kaunti lamang.
“Natatandaan mo ba noong minsan sinabi ko sa iyo na gusto na kitang ipakilala sa aking unica hija, ngunit mahigpit mong tinanggihan?” wika ni Ricardo sa binata.
Tumango si Ethan. Natatandaan niya nga na sinabi nito na ipakikila siya sa anak nito. Dahil hindi siya handa pa at umaatake sa kaniya ang hiya sa hindi niya malamang dahilan ay tumanggi siya.
Hindi lang niya alam kung bakit naitanong ito sa kaniya ni Ricardo ngayon.
“Noon pa man alam ko nang may lihim kang pagtangi sa anak ko. Hindi mo man sabihin pero bilang lalaki alam ko ang ganyan pakiramdam. Hindi lang kita isang beses nahuling nakatingin sa kaniya buhat sa malayo kapag nartito si Danna.
Ang mga mata mong kulang na lang kumutitap sa bawat pagtingin sa anak ko. Ang mga tingin mo pa lang nagpapahiwatig ng gusto mo siya. Nasabi ko pa sa sarili ko, marahil siguro ay nahihiya ka sa akin o kaya sapagkat malaki ang agwat ng edad ninyo sa isa't-isa at natatakot kang ma-reject ng babae lalo at mas higit na bata ito sa iyo. Kaya nakuntento ka sa ligaw tingin.”
Uminom ito ng kaunti sa alak bago muling nagsalita. “Walang masama na ipakita mong gusto mo ang isang babae kahit pa anong agwat ng edad mo rito basta alam mo naman sa sarili mo na malinis ang intensyon mo sa kaniya.”
“Malinis ang intensyon ko sa anak ninyo matagal na, kaya nga kahit ilang rejection na ang ginawa niya sa akin ngayon patuloy ko siyang sinusuyo makuha ko lang ang tiwala niyang nasira ko dahil kay Code Zero,” malungkot na aniya sa ama ng dalaga.
“Alam ko naman iyan. Kaya nga noong sinabi mo sa akin na nakita mo siya roon at hindi mo sinasadyang napainom siya ng espesyal na alak ng Mask bar at humantong ka sa desisyon na kailangan mo nga iyong gawin dahil hinihingi nga ng pagkakataon. Naiintindihan kita sa part na iyon. Nagpapasalamat ako na ikaw na ang gumawa kaysa sa iba niya iyon hanapin at basta kung sino na lang ang hablutin niya roon. Mairaos lang ang init ng katawan sanghi ng nainom niya. Sa pangyayari pa lang na iyon hinahangaan ko na ang katapatan mo sa akin, na kung tutuusin dapat magalit ako sa iyo, hindi ba? Pero hindi ko naramdaman.
‘Bakit nga ba?’ Isa rin iyon sa malaking naging katanungan ni Ethan noon na ipinag sa walang bahala na lang niya. Mahalaga kasi sa kaniya nasabi niya ang totoo. Aaminin niyang pinaghandaan niya ang galit ni Ricardo noong ipagtapat niyang nagalaw niya ang anak nito. Ayos lamang na magalit ito sa kaniya sapagkat normal lamang iyong sa isang ama na tulad nito ngunit hindi nga nangyari.
Ngayon alam na niya ang sagot sa tanong na iyon. Matagal na pala nitong alam na may lihim siyang pagtangi sa anak nito. Kaya pala noon sinabi rin niya kay Ricardo na handa niyang panagutan ang ginawa niya sa dalaga ay ni wala siyang narinig na pagtutol din rito.
Ngunit hiniling nito na hayaan muna siyang makilala ng anak sa isang magandang paraan at unti-untiin niya ang pagsasabi rito ng katotohanan sa katauhan niya bilang si Zero na magandang edea naman talaga kung tutuusin at mas tamang gawin niya.
Isa rin sa suhestiyon nito sa kaniya ang iwan sa pangangalaga niya ang dalaga sapagkat may out of town travel ito kasama si Julie. Umaasa ito na maiaayos niya sa tama ang lahat ngunit hindi nga nangyari, bagkus galit ang inani niya sa dalaga sapagkat aksidente nitong nalaman ang katotohanan sa pagkatao ng lalaking nakauna dito at talagang hindi niya iyon napaghandaan.
Sa kabila ng mga ipinakita ng dalagang pagbabalewala sa kaniya ngayon kahit anong suyo niya, hindi iyon ang magiging dahilan para sumuko siya bagkus, mas lalo niya itong susuyuin pa maipakita lang ang maganda niyang intesiyon dito talaga.
“Alam kong hindi ka madaling sumuko Ethan, katulad na lang ng hindi mo pagsuko sa mga bagay na gusto mong mag-success ka gaya na lang pagdating sa pagnenegosyo. Napakahusay mo sa bagay na iyan. Ngunit pagdating sa pagkuha ng tiwala muli ng anak ko ay talagang nahihirapan ka. Talagang nakakalungkot isipin, kaya sa pagkakataong ito hihingi ako ng isang pabor sa iyo?"
Napakunotnoo si Ethan sa sinabi nito. Bakit siya biglang kinabahan? At hindi basta-basta kaba iyon. Iba ang kutob niya sa nais nito.
Uminom muna siya ng alak bago may tatag ang boses na nagtanong at diretso niyang sinalubong ang tingin nito sa kaniya. Tiniyak rin niyang hindi iyon kababakasan ng kahit kaunting kaba na ikahahalata nito.
“Anong pabor iyan, Ricardo?”
“Tigilan mo na ang panunuyo sa anak ko.”
“Ano?! Gulat at hindi makapaniwala niyang tanong.
“Panahon na marahil na tigilan mo na siya.”
“Paano mo nasasabi sa akin ang ganiyan? Mahal ko si Danna-ann, mahal ko ang anak mo at alam mo iyan, Ricardo! Hindi ako magiging ganito kapursigido na makuhang muli ang tiwala niya bilang ako si Ethan Fernandez at hindi bilang si Code Zero.”
“Alam ko, pero sapat na ang mga naipakita mo sa kaniya na hindi naman niya binibigyan ng halaga sa tuwing nariyan ka. Kaya mas mabuting huwag mo nang ipilit muna ang sarili mo sa kaniya sa ngayon?” saad ni Ricardo sa binata.
Muling kumunot ang noo ng binata sa huling tinuran nito. Ano ang ibig nitong sabihin na sa ngayon?”
Tumikhim naman si Ricardo dahil nakikita niya sa binatang si Ethan ang pagkalito sa mga sinasabi niya pilit man itago nito iyon sa kaniya.
Ang mga mata nitong mababanaag rin ang sakit at pagtutol sa nais niya ay kitang-kita niya. Pero bilang ama ni Danna-ann na may mabuting intensyon para sa mga ito ay dapat niyang pangatawanan ang nais niyang hilingin sa binata na gawin nito.
Dinampot ni Ethan ang bote ng alak na pinagsaluhan nila ni Ricardo. Nagsalin siya sa sariling baso at agad nilagok iyon. Hindi niya magawang sumagot ng pagpayag sa nais nito sapagkat sobrang nasasaktan siya.
Muli siyang nagsalin ng alak para inumin iyon, hangang ang isa ay nasundan pa nang nasundan. Ang pagpayag sa kagustuhan ni Ricardo ay nangangahulugan ng pagsuko para sa nararamdaman niya sa dalaga.
Umasa siya na makukuha din niya ang loob nito. Binata naman siya malaki nga lang ang agwat ng edad niya rito pero naniniwala siya na mamahalin din siya nito Ang tanong lang ay kailan dahil hindi siya pabata.