15- FIFTEEN

2085 Words
PANAY ang tingin ni Danna-ann sa orasan. It's almost eight o'clock in the evening at wala pa rin tumatawag sa kaniyang katulong nila dito sa kaniyang silid para ipaalam na may bisita siya. Halos isang linggo nang hindi dumadalaw sa kaniya si Ethan. Noong unang beses na hindi ito dumalaw sa kaniya para umakyat ng ligaw ay hindi naman niya masyadong pinag-tuunan ng pansin. Naisip niya pang baka hindi na naisingit ng hectic na schedule nito. Hanggang ang isang beses na hindi nito pa pag-akyat ng ligaw sa kaniya para suyuin siya ay naging dalawa, tatlo, apat, limang araw hanggang sa umabot na ngang maging isang linggo. Maging sa opisina nito sa Westrade, hindi na nagpupunta ang binata matagal na. Hindi na ito naglalagi roon at ang alam niya ang huling punta nito ng opisina nito roon ay iyong araw na ibinalik niya rito ang bulaklak at um-attend ito ng meeting ng mga board at shareholder. Matapos iyon ay hindi na nasundan ang pagdalo nito. Hindi naman nakapagtataka kung hindi na ito maglagi sa Westrade, may mga iba pa kasi itong negosyo. Marahil ay mas tinututukan ng atensiyon nito ngayon. Kahit siya naman mismo ay nagulat sa panibagong pakiramdam na lumulukob ulit sa kaniya para kay Ethan. Nasanay na kasi siya sa presensya nito na hindi natatapos ang gabi na hindi ito pumapasyal sa kaniya, iyong sinusuyo siya. Nasasabik na siya na muling makita ang presensiya nito. ‘Ano na kayang nangyari doon?’ naisip niya. Nahihiya naman siyang magtanong sa daddy niya dahil kahit ito mismo alam ang ginagawa niyang pagbabalewala sa binata kapag narito. Pinagsasabihan lang siya nito na harapin pa rin si Ethan kahit saglit lang at kahit mukhang napipilitan siya. Basta mahalaga humaharap siya sa binata. Kahit hindi niya pinakikiharapan si Ethan ng maayos at laging pinagmumukhang tanga'y hindi niya ito nakitaan ng pagkainis man lang sa ginagawa niya rito. Ramdam niyang inuunawa siya nito ngunit binabaliwala lang niya. Kahit pa nga halos ipangalandakan niya rin sa mukha nito na hindi na siya nito muling mauuto, na alam niyang hindi na lang nito pinapansin. Tinungo niya ang balkonahe ng kaniyang silid. Binuksan niya ang sliding door na nag-uugnay rito at sa silid niya. Tumayo siya buhat roon habang nakatanaw sa liwanag ng buwan at mga nagkikislapang bituin. Huminga siya nang malalim para lumanghap ng sariwang hangin. Nami-miss na niya si Ethan iyon talaga ang totoo, kaya wala na siyang ginawa kung hindi bantayan ang oras sa pagdating nito. Mapa-umaga, hapon at mas lalong sa gabi. Tinanggihan niya ang mga pag-aaya ni Shenna sa kaniya na mag nightlife nitong mga nakalipas na araw. Umaasa kasi siya na any time darating si Ethan. Ang pagsasama-sama niya rito kung minsan ginagawa na lang niya iyong dahilan para kunwari makaiwas kay Ethan. Naikwento na rin niya kay Shenna ang pagiging iisa ni Ethan at Code Zero. Wala siyang inilihim rito. Isang bukas na libro sa kaibigan ang tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Ethan. Si Skite naman ay hindi pa sila nagkakausap ulit. Isa pa itong may kasalanan sa kaniya eh kaya inis din siya rito pero hindi naman siya galit dito. Sa hindi na pagpapakita ni Ethan sa kaniya ng ilang araw ngayon niya nari-realized ang kahalagahan nito sa kaniya. ‘Gaga ka naman kasi!’ aniya mismo sa sarili. Pero hindi ba iyon naman talaga ang gusto niya, ang tigilan na siya nito. So, ngayon nangyayari na, bakit imbis na matuwa ay nalulungkot pa siya? %muling usig na naman ng kaniyang sariling isipan na pinapagalitan siya. Para na talaga siyang timang sa kaiisip sa binata. Hindi niya talaga maiwasan mag-overthink na. Paano kung sumuko na pala talaga ito sa kaniya? Ano ang gagawin na niya? Halos dalawang buwan nga naman siyang sinusuyo nito pero mas pinangibabaw niya ang inis o tamang sabihin na nagpapakipot lang naman siya dahil sinusubukan niya ang hangganan nito talaga. ‘Oh ayan kasusubok mo doon sa tao, sumuko na kaya belat na lang sa iyo!’ sabi ng animal niyang utak ulit. Oh, no! ano ba itong nangyayari sa kaniya para siyang baliw na. Bakit ba kinakausp siya ng sarili niyang utak? Konsensiya yata tawag dito. Ngayon niya naisip na magkaiba ang kahulugan ng inis at galit. Inis siya oo, pero hindi talaga siya galit rito lalo at gustong-gusto niya ang presensiya nito na nandiyan lang sa paligid niya noon kahit hindi niya ito pinapansin minsan. At kung makapag-usap man sila ay puro pang-aasar ginagawa niya rito na talaga naman ikinapipikon nito sa ugali niya. Kaya marahil nagawa sa kaniya ang mga bagay na ito lang ang nagparanas sa kaniya. Oo, totoo naman na galit talaga siya rito sa ginawa sa kaniyang pagtatago ng katotohanan na ito at si Code Zero ay iisa. Normal lang naman iyon kasi. Nagagalit siya, bakit hindi sinabi sa kaniya agad ang totoo? Bakit kailangan na patuloy nitong itago ang katotohanan sa kaniya sa umpisa pa lang ng pagkakakilala nila kung pwede naman sabihin na agad? Kinailangan pa talaga na umabot pa sa ganoong sitwasyon na muling may maganap sa kanila bago niya matuklasan ang katotohanan. Iyon ang talaga ikinagagalit niya rito pero sa katagalan ng panunuyo nito sa kaniya nawala ang galit na iyon Nauunawaan niya ang mga paliwanag nito. Ayaw lang talaga niyang tanggapin agad kaya pinapakitaan niya ito ng hindi magandang trato. “Kasi naman, Manong kung sinabi mo agad sa akin sa umpisa pa lang hindi sana ako ngayon nagkakaganito sa iyo." aniya na akala mo nariyan lang ang binata at maririnig ang sinasabi niya. Mga katok sa kaniyang silid kasabay ng pagtawag sa pangalan niya ang pumutol sa gitna ng kaniyang mga isipin para sa Manong Ethan niya kung tawagin. Nang marinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan ng isa sa kanilang katulong ay dali-dali niyang binuksan ang pinto ng kaniyang silid. Hindi na niya hinintay na ito ang magsalita para lang sabihin na may bisita siya dahil inunahan na niya itong tanungin. “Dumating na ba siya? I mean, si Ethan? sabik niyang tanong.” “Ay senorita wala po si Sir Ethan hindi pa po dumarating.” Sa narinig sa katulong nakadama siya bigla ng pagkapahiya. Hindi lang sa sarili niya higit lalo rito. Hindi man niya nakikita ang sariling mukha sa salamin, alam niyang namula ang pisngi niya. Nang makabawi ay tsaka pa lang siya nagtanong. “Bakit mo ako tinatawag?” “Ipinapatawag ka po ng daddy mo. Naroon po siya sa library office niya. Doon mo po raw siya puntahan.” “Bakit daw?” “Wala pong sinabi, basta magpunta ka raw po kayo roon." “Ahm, sige susunod na ako. Salamat.” Pagkaalis ng katulong sa kaniyang harapan ay muli siyang bumalik sa loob. Dinampot niya ang kanyang cellphone at mula roon ay hinanap ang numero ni Ethan na ginagamit nito kapag tumatawag sa kaniya. Ngayon lang niya ito gagawin. Simula nang magkakilala sila ng binata, never na tumawag or nag-text siya rito. Palaging ito ang tumatawag at nagtetext sa kaniya. Tama, buo na ang desisyon niya. Kailangan niyang makausap si Ethan at siya na ang tatawag rito para kumustahin at bahala na pagkatapos. Pinindot niya ang call bottom para lang madismaya pagkatapos sa narinig. “The number you have dial is either not attended or out of coverage area, please try your call later.” Ilang subok pa ginawa niya pero, iyon at iyon lang ang nasagot. “Pishte! mura niya. Pinaka mura na niya iyon. Instead na peste, ginawa niyang pishte ang word. Handa na nga niyang lunukin ang kaunting pride na mayroon siya. Promise, aalamin lang niya kung bakit hindi ito nagpupunta gusto lang niya klaruhin kung suko na ito para hindi siya mukhang tanga dito. Nang bigla ulit siya natigilan. ‘Nagpapatawa ka ba, Danna-ann. Bakit mo pa aalamin eh, malinaw na nga na sumuko na iyong tao. Hindi pa ba sapat iyong hindi na siya dumadalaw sa iyo. Praning ka na girl?’ muling akusa ng utak niya sa kaniya. Napahilamos siya sa sariling mukha. Hindi birong pagkaligalig sa utak niya ang hatid ng matandang iyon. Pero sa totoo naman talagang nasasabik na siya rito. Maiiyak na nga talaga siya. Hinahanap-hanap na niya talaga ang presensiya nito. Well, sa nangyari na ito ipinapangako niya sa sarili na kapag pumunta ang binata sa kaniya para muli siyang suyuin, ipinapangako niyang haharapin na niya ito ng maayos at bibigyan na ng pagkakataon. Sa ngayon kailangan na muna niyang puntahan ang Daddy niya sa office nito sa library. Ngayon lang siya ulit ipinatawag ng ama sa office nito rito sa mansion. Kilala niya ang ama na kapag ganoon ipinapatawag siya ay may mahalaga itong sasabihin. At hindi na siya magtataka kung tungkol sa relasiyon nito kay Julie ang sabihin sa kaniya. Baka magsasama na? Naisip niya at plano ng itira dito sa mansion siguro. Pagdating sa buhay pag-ibig ng ama ay hindi na niya iyon pinapakialaman at matanda na ang daddy niya at kung saan ito masaya, ay masaya na rin siya para dito. KUMATOK muna siya ng ilang beses upang ipaalam ang kaniyang presensya sa daddy niya sa loob. Nang buksan na niya iyon at makita siya ng ama ay isinara nito ang librong binabasa. “Maupo ka hija, anak.” Sumunod naman siya at diretsong tumingin sa ama pagkatapos niyang maupo. “How are you, sweetheart for the last few days?” Kumunot ang noo niya. Parang iba ang tunog sa pandinig niya ang tanong ng ama sa kaniya. Nagtataka man ay pinili niya pa rin sagutin ito. “I'm okay Dad, Why?” “Nice to hear, but how about your heart? I mean iyong pakiramdam mo ngayon?” “Dad, don't get me wrong huh, but can you direct to the point kung para saan itong pag-uusapan natin? Tungkol ba ito sa relasyon mo kay Julie? Its okay for me dad. Kung saan ka masaya, doon na rin ako. Isa pa mabait si Julie, at ramdam kong mahal na mahal ka niya. Napangiti si Ricardo sa anak. Paanong hindi siya mangingiti eh. hindi naman tungkol kay Julie ang sasabihin niya rito kung bakit nais niya itong makausap. “This is not about my relation to Julie. This is about you, sweetheart. How are you?” Muli siyang napakunot-noo. “I'm okay dad, don't you see that? Do I look I’m not Okay?” aniya sa ama. “Yes!” May diin sa pagkakasabi ni Ricardo sa anak. “So, Stop lying you're okay, because you're not!” Unti-unting naglaho ang pagkakakunot ng kaniyang noo. At biglang lumamlam ang pagkakatingin sa mata ng ama. “You're not okay, sweetheart and I feel it because I see it in your eyes. It is because of Ethan, right?” Sa mga tanong ng ama ay namuo ang butil ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Ganoon pa man, pinilit niyang hindi bumagsak ang mga iyon. Damang-dama niya ang sinseridad sa boses ng ama kaya pinili na niyang umamin sa totoong nararamdaman. “Mukhang sumuko na siya dad, Ayaw na niya sa akin. Kung sa bagay kasalanan ko naman kung sumuko na siya kasi ang arte ko at naging pakipot pa ako. Kahit inilatag na niya ang halos lahat sa akin pero binabalewala ko pa rin ang presensya niya. Tapos heto ako ngayon, hinahanap-hanap ko na siya.” Kinuha ni Ricardo ang kamay ng anak na nakapatong sa mesa na namamagitan sa kanila. Ngumiti siya sa anak. Tsaka na isip ang isang kasabihan na Tsaka mo lang mapagtatanto ang kahalagahan at presensya ng isang tao sa iyo kapag nawala ito ng hindi mo inaasahan. Tama ang ginawa niyang pagkausap kay Ethan at palayuin ito sa anak ng pansamantala dahil nais niyang subukan ang anak sa totoong damdamin rin sa binata. Tagumpay niyang napapayag si Ethan at magbubunga na ang paghihintay nito ng isang linggo. Matapos itong ngitian ay binitiwan niya ang kamay ng anak para lang may kunin sa pinaka ilalim ng lamesa. Tsaka inilapag iyon roon at itinulak palapit sa anak. “Take this, alam kong para sa iyo talaga iyan.” Dinampot niya ang medyo may kalakihan na sobre at pamilyar sa kaniya iyon. Pinilit niyang balikan sa utak kung saan niya ito nakita. Nang maalala ay agad niyang binuksan iyon. Sa loob ng sobre ay may sulat na nakapaloob doon at this time mahaba na pala ang mensaheng nakasaad doon. Hindi na lang basta paghingi ng tawad. Hindi na niya mapigilan ang mapaluha at muling tumingin sa ama. “Saan ko siya makikita, dad? Please tell me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD