Aurelia's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising. Parang bata akong sabik na bumangon mula sa kama. Pagdungaw ko sa bintana, sumalubong agad sa akin ang liwanag ng araw na tumatama sa makukulay na bubong ng mga tindahan. Sa ibaba, kita ko ang kalsadang buhay na buhay mga kalesa na dumaraan, tindero't tinderang nag-aayos ng paninda, at mga batang naglalaro kahit maalikabok ang lupa.
"Ngayon magsisimula ang totoong paglalakbay ko," bulong ko sa sarili.
Pagkababa ko, sinalubong ako ni Madam Celia. Nakahanda na ang simpleng almusal. Isang tasa ng mainit na tsaa at manipis na tinapay na may mantikilya.
"Kumain ka muna bago gumala," sabi niya, may bahid ng pag-aalala sa boses.
"At tandaan mo ang sinabi ko kagabi. Maraming mata sa lungsod na ito." Sabi niya muli.
Tumango ako at ngumiti.
"Oo, Madam Celia. Promise, hindi ako magiging pabaya." Sabi ko.
Pagkatapos kong kumain, inilagay ko ang pouch ng pera sa loob ng aking damit, nakatali nang mahigpit para hindi madaling maagaw. Kinuha ko rin ang maliit na basket na puno pa ng tinapay na binili ko kahapon. Puwede ko itong ipamigay kung sakaling may nangangailangan ulit.
At sa wakas, lumabas ako ng Silvershade Inn.
-----------------
Halos malula ako sa dami ng tao. Ang Zephyros, parang hindi natutulog. May mga karatulang nakasabit sa bawat tindahan, may nagbebenta ng tela, mga manok na buhay, palayok, at kahit anong maisip mo. Amoy na amoy ang pinaghalong usok ng nilulutong karne, matapang na alak, at mga bulaklak na nakahilera sa gilid ng kalsada.
"Wow." Napabulong ako.
"Para akong nasa ibang mundo ah, teka nga pala nasa ibang mundo na nga ako." Sabi ko muli at napatawa.
Habang naglalakad ako, napansin kong may isang bahagi ng pamilihan na tila mas kakaiba. Ang mga tolda ay mas makukulay, at ang mga paninda ay hindi ko pa nakikita kahit sa libro o sa modernong mundo.
Sa Tindahan ako ng pampalasa pumunta, Doon ako unang dinala ng mga paa ko. Sa isang malawak na seksyon ng palengke na puno ng spices.
Sa bawat hakbang, parang lumalakas ang aroma. May halong anghang, tamis, at pait na nakakaengganyo. May mga panindang nasa malalaking sisidlan. Pulbos na pula, dilaw, berde, at itim. May mga tuyong dahon, ugat, at buto na nakalagay sa garapon o nakabundle gamit ang lubid.
"Binibini! Tikman mo ang aming Seraphiroot!" sigaw ng isang tindera, sabay lapit ng maliit na kahon na may lamang parang luya pero mas matingkad ang kulay.
"Isang hiwa lang nito, kayang magpainit ng katawan kahit taglamig!" Sabi nito muli.
Napangiti ako at kinuha ang maliit na piraso. Amoy pa lang, parang nag-aapoy ang ilong ko.
"Grabe para itong concentrated ginger pero sampung beses ang tapang." Sabi ko
Tumawa ang tindera.
"Tama ka! At kung isasama mo sa sabaw, tatagal ito ng buong linggo kahit hindi palamigin." Sabi muli nito.
Naisip ko agad wow, kung sa modernong mundo ito, siguradong bestseller. Puwede itong maging natural preservative.
Lumipat ako sa kabilang stall. Isang matanda naman ang nag-aalok ng maliliit na pulbos sa bote.
"Binibini," aniya, "ito ang Moonpepper. Kaunting wisik lang sa ulam, nagiging mas matamis kahit walang asukal." Sabi sa akin ng tindera.
Kinuha ko ang maliit na bote at inamoy. Aba, parang cinnamon pero may kakaibang tamis na floral.
"Amazing parang panghimagas na pampalasa." Bulong ko.
"Isang pilak lang, binibini," dagdag niya.
Medyo nagulat ako. Isang pilak para sa maliit na bote? Parang sobrang mahal. Pero naiintindihan ko. Ang dami ngang gustong bumili kaya siguro premium.
----------------
Habang iniikot ko ang buong spice market, ramdam ko ang saya. Ang dami kong natututunan. May isang batang babae pa nga na lumapit sa akin.
"Miss, gusto n'yo pong subukan ang dried Flameleaf? Nilalagay po sa stew para magmukhang kumukulong apoy ang sabaw!" Sabi ng tindero sakin.
Binigyan niya ako ng maliit na sample. Nang tingnan ko, kulay pula talaga ang tuyong dahon, at pagdampi sa mainit na tubig, bigla itong naglabas ng usok at kumikislap na parang may baga.
"Parang magic!" sabi ko, namamangha.
Ngumiti ang tindero. "Pero ligtas po. Pampaganda lang ng luto."
Hindi ko maiwasang matawa. Kahit sa modernong mundo, wala akong nakitang ganitong klase ng pampalasa.
-----------------
Habang naglilibot, napansin ko rin ang dynamics ng mga tao. Ang mga mayayaman, madali silang makilala malilinis ang kasuotan, may kasamang guwardiya, at diretso lang ang kilos, parang ayaw makisalamuha.
Samantalang ang mga ordinaryong tao, halata sa kanilang bargaining skills. Maririnig mo ang mga tawad:
"Isang tanso lang 'yan dapat, hindi isa't kalahati!"
"Hoy, wag mo akong lolokohin, kahapon kalahating tanso lang ang ganito!"
Napangiti ako. Parehong-pareho sa modernong palengke. May tawaran, may asaran, at may mga tuso ring tindero.
Pero isang bagay ang napansin ko: mata pa lang ng tao, alam mo na kung gutom o busog. Ang ilan, payat at mukhang kapos. Ang iba naman, busog na busog sa kapangyarihan.
----------------
Habang abala ako sa kakatingin, biglang may bumunggo sa akin.
"Uy!" sigaw ko, hawak agad ang basket ko.
Isang binata, mukhang kasing-edad ko, ang nakatayo sa harap ko. Naka-itim siyang damit, may medyo tuksong ngiti.
"Pasensya na, binibini," sabi niya. Pero napansin kong parang may dinukot siya sa gilid ng damit ko.
Agad kong hinawakan ang pouch ng pera ko. Nasa akin pa.
"Nice try," malamig kong sagot.
Napangisi siya.
"Matulis ka ah. Hindi ka pala basta-basta turista." Sabi niya sa akin.
Bago pa ako makasagot, biglang dumating ang dalawang guard. Napatakbo agad ang binata, naiwan akong nakatulala.
"Binibini, okay ka lang ba?" tanong ng isang guard.
Tumango ako. "Oo. Hindi naman niya nakuha kahit ano."
"Mag-ingat ka. Maraming kagaya niya rito sa Zephyros. Mga anino ng lansangan," sabi ng guard bago sila tumuloy sa paghahabol.
Huminga ako nang malalim.
"Grabe muntikan na." Bulong ko.
Napaisip ako totoo pala ang sinabi nila kagabi. Kapag halata mong may pilak ka, may mga matang nagmamasid.
------------------
Pagkatapos ng insidenteng iyon, nagpasya akong dumiretso sa isang maliit na tindahan ng gamit sa pagluluto.
Sa loob, iba't ibang palayok, kawali, at kutsilyo ang nakahilera. Ngunit ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko ay isang maliit na stone grinder na ginagamit sa paggiling ng pampalasa.
Bigla akong napangiti.
"Kung makakagawa ako ng sarili kong kombinasyon ng spices dito." bulong ko.
"Pwede akong mag-umpisa ng kakaibang negosyo." Sabi ko muli.
Naalala ko ang mga modernong recipe na alam ko. Curry, adobo, buttered potato, baked goods. Kung madadala ko ang mga ideyang iyon at gagamitin ang mga pampalasa ng mundong ito baka maging simula iyon ng bago kong kwento rito.
--------------------
Halos hindi ko namalayan ang oras. Nang tumingala ako, kita ko na ang araw na unti-unting lumulubog. Ang buong spice market, mas lalo pang nagiging masigla. May mga nagtitinda ng inihaw, mga musikero na tumutugtog, at mga ilaw na nakasabit sa tali, nagbibigay ng mainit na glow.
Umupo ako sa isang maliit na upuan sa gilid, dala ang ilang bote ng pampalasa na binili ko. Habang kinakain ko ang tinapay na baon ko, naramdaman kong puno ako ng saya.
"Ang dami kong natutunan ngayong araw," bulong ko.
"At parang mas lalo akong na-inspire na gumawa ng bago." Sabi ko muli.
----------------
Sa pag-uwi ko sa Silvershade Inn, dala ko hindi lang spices kundi mga bagong kaalaman.
Naisip ko, hindi ako basta dayo lang dito. Kung matututo ako ng tama kung gagamitin ko ang talino at kaalaman ko mula sa modernong mundo baka may mabuo akong dahilan para manatili.
At sa gabing iyon, bago ako matulog, inilatag ko sa mesa ang lahat ng binili ko mga bote, dahon, ugat, at pulbos.
Parang nakikita ko na agad ang hinaharap isang bagong putahe, isang bagong imbensyon at baka, isang bagong pagkakakilanlan.
Ito pa lang ang simula.
⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.
End of Chapter 12.