13

1111 Words
Aurelia's POV Kinabukasan, hindi pa sumisikat nang husto ang araw, gising na ako. Hindi ako mapakali kagabi sa dami ng ideya na pumapasok sa isip ko. Sa harap ng lamesa sa kwarto, nakahilera ang mga bote ng pampalasa at mga tuyong dahon na nabili ko kahapon. Parang bata akong may bagong laruan. “Okay, Aurelia, time to work some magic,” bulong ko sa sarili habang inaayos ang mesa. ---------- Kinuha ko muna ang maliit na basket ng tinapay na natira. Medyo tuyo na ang ilan, pero puwede ko pang gamitin. Sa tabi ng basket, inilatag ko ang ilang tuyong ugat at pulbos: Moonpepper, Seraphiroot, at kaunting Flameleaf na binigay ng batang tindera. “Kung pagsasamahin ko ito, baka makagawa ako ng simple pero kakaibang butter spread,” sabi ko habang kinukuskos ang tuyo na tinapay. Naisip ko agad ang modernong garlic butter bread na madalas kong ginagawa noon. Simple, pero paborito ng lahat. Ang problema, wala akong mantikilya dito. Pero buti na lang, kahapon sa dining hall, nakatikim ako ng butter kasama ng tinapay. At sa pantry ng inn, siguradong may stock sila. --- Dala ang basket, bumaba ako. Tahimik pa ang paligid, karamihan ng mga boarder ay natutulog pa. Sa likod ng hall, nakita ko ang kusina. Nandoon si Madam Celia, abala sa pag-aayos ng mga paninda para sa almusal. Nagulat siya nang makita ako. “Binibini Aurelia? Ang aga mo. Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, nakataas ang kilay. Ngumiti ako, medyo nahihiya. “Madam Celia pwede po bang makihiram ng kaunting gamit? Gusto ko lang sanang mag-eksperimento ng luto. Simple lang po.” Sabi ko. Napahinto siya, tumitig sa akin. Tila nag-aalinlangan, pero sa huli ay ngumiti rin. “Bihira akong makakita ng dayo na kusang humihiling na magluto. Sige, papayagan kita. Pero” nilapit niya ang daliri sa labi, “kapag sumabog ang kusina ko, ikaw ang mananagot.” Napatawa ako. “Promise po, walang pasasabugin.” sabi ko. --------- Sa kusina, nakahanap ako ng simpleng kagamitan kahoy na lamesa, kutsilyo, isang maliit na lutuan, at ilang mantikilya. Kumuha ako ng kaunting Seraphiroot, ginadgad ko ito para maging paste. Ang amoy nito ay parang luya pero mas malakas nagpapainit sa balat ng daliri. Pagkatapos, pinagsama ko ito sa mantikilya. Sumunod, dinurog ko ang Moonpepper at hinalo sa mantikilya. Agad akong natawa nang makita kong kumulay ito ng bahagyang dilaw, parang turmeric sa modernong mundo. “Nice parang golden butter.” Pagkatapos, kumuha ako ng mumo ng Flameleaf at dinurog hanggang maging pulbos. Kaunting wisik lang sa ibabaw at bigla itong nagningning ng pula, parang may maliliit na baga. “Amazing! Para akong may magic spice mix.” Kinuskos ko ito sa hiwang tinapay at inilagay sa maliit na lutuan. Habang iniinit ko, unti-unting kumalat ang amoy sa buong kusina. Matamis, Maanghang, at may kakaibang aroma na parang cinnamon na may halong garlic. --------- “Anong amoy ‘yon?” Nagulat ako nang biglang may dumating. Isa sa mga batang staff ng inn, si Lena, nakasilip sa pintuan. Bata pa siya, mga labing-apat lang, pero halatang masipag. “Ah, eh… nagluluto lang ako ng tinapay. Gusto mong tikman?” alok ko, sabay abot ng isang piraso. Nag-aatubili siya pero sa huli ay kinuha rin. Nang makagat niya, bigla siyang napatigil. “Binibini. Anong... anong nilagay n’yo dito?!” Sigaw niya sa akin. Natakot ako sandali. “Masama ba ang lasa?” Ngunit bigla siyang ngumiti, halos mangilid ang laway. “Ang sarap po! Parang may apoy sa dila pero may tamis din. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!” Masaya niyang sabi saka kumain ulit. Nakahinga ako nang maluwag. “Buti naman.” Sabi ko. Bago ko pa siya mapigilan, tumakbo si Lena palabas. “Madam Celia! Dapat matikman mo ‘to!” Sigaw niya ng tumatakbo ------- Ilang minuto pa, bumalik si Lena kasama na si Madam Celia at dalawa pang staff. Lahat sila may hawak na plato ng tinapay. “Binibini Aurelia, ano raw itong ginawa mo? At bakit parang naamoy na ng buong dining hall?” tanong ni Madam Celia, nakataas na naman ang kilay pero halatang curious. Medyo nahiya ako pero inilatag ko ang mga tinapay na inihanda ko. “Butter lang po may konting spices na binili ko kahapon.” nahihiya kong sabi. Tinikman ni Madam Celia ang isang hiwa. Una’y seryoso ang mukha niya. Pero makalipas ang ilang segundo, nagulat ako nang mapangiti siya yung tipong bihira niyang ipakita. “Hmm… kakaiba. Mainit pero hindi nakakasulasok. May tamis pero hindi nakakaumay. Binibini, hindi ko pa naranasan ang ganitong kombinasyon.” Sabi niya sa akin. Nagsimulang kumain ang dalawang staff. Pareho silang natuwa, halatang nasarapan. At bago ko namalayan, may mga boarder nang nakasilip sa dining hall. “Anong amoy ‘yan?” “Uy, may bago bang putahe?” “Puwede bang umorder?” Nagkatinginan kami ni Madam Celia. Ako, kinakabahan. Siya, nakangisi. “Aurelia mukhang may potensyal ka,” aniya. “Kung gusto mo, ihanda natin ito mamaya para sa mga boarder. Tignan natin ang reaksyon nila.” --------- Kinahapunan, inilabas ni Madam Celia ang “special bread” na ginawa ko. Simpleng tinapay lang pero may butter spread na gawa sa pinaghalong spices. “Special of the day!” sigaw ng isa sa staff. Sa umpisa, iilan lang ang kumuha. Pero nang kumalat ang amoy, nagsimula nang dumagsa ang mga boarder. “Binibini, ang sarap nito! Puwede bang dagdagan pa?” “Magkano ‘to? Bibilhin ko ng maramihan!” “Ngayong gabi ulit, may ganyan ba?” Napatulala ako. Hindi ko inakalang simple kong eksperimento ay magkakaroon ng ganitong epekto. Si Madam Celia, nakatayo sa gilid, halatang tuwang-tuwa. “Aurelia, kung ipagpapatuloy mo ito, baka mas lumakas pa ang negosyo ng Silvershade Inn. Pero higit pa roon baka makilala ka sa lungsod.” sabi niya sa akin. --- Pagkatapos ng mahabang araw, balik ako sa kwarto. Nakaupo ako sa mesa, nakatingin sa mga natirang spices. “Ganito pala ang pakiramdam” bulong ko. “Parang bumabalik ako sa dati kong buhay, pero ibang level.” Sa modernong mundo, simpleng garlic bread lang ito. Pero dito? Parang milagro. Naisip ko kung kaya kong gumawa ng ganito mula sa iilang spices, paano pa kung matututo ako ng mas marami? Paano kung makabuo ako ng sariling recipe na wala pa sa mundong ito? Ngumiti ako mag-isa. Maybe this is my chance. My real start. At sa unang pagkakataon mula nang dumating ako sa mundong ito, naramdaman kong may direksyon na ako. Hindi lang ako basta dayo. Ako si Aurelia at sisimulan ko sa simpleng tinapay ang bago kong kwento. ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD