Aurelia's POV
Kinabukasan, maaga pa rin akong bumangon. Hindi ko na napigilang mag-isip ng kung anu-anong recipe habang nakahiga kagabi. Ang dami kong gustong subukan, ang dami kong gustong gawin. Para bang bumalik ako sa pagiging estudyante ng culinary but this time, ibang mundo ang kusina ko.
Sa mesa ng kwarto, nakahilera pa rin ang mga bote ng spices na nabili ko. May natira pa ring Moonpepper, ilang hiwa ng Seraphiroot, at kaunting pulbos ng Flameleaf. Bukod pa doon, may binili akong bagong pampalasa kahapon bago ako umuwi: Dewbasil, isang uri ng halamang amoy mint pero may malamig na sensasyon kapag niluto.
Nginitian ko ang mga ito.
“Okay, game na tayo. Round two.”
--------
Pagbaba ko sa inn, sinalubong ako ni Madam Celia.
“Mukhang handa ka na namang mag-eksperimento, binibini.” Sabi niya sa akin.
Tumango ako.
“Kung okay lang po, gusto kong gumamit ulit ng kusina.” Sabi ko.
Napangisi siya.
“Magpatuloy ka. Pero mag-iwan ka rin ng para sa hapunan namin, ha?” Sabi niya muli sa akin.
Napatawa ako.
“Don’t worry, may matitikman kayo.” Sabi ko habang natawa.
---
Eksperimento #1 – “Moonpepper Soup”
Nagsimula ako sa pinakasimple. May stock sila ng sabaw ng buto mula sa karne kagabi. Kumuha ako ng kaunting Seraphiroot, hiniwa ng maliliit, tapos hinalo ko sa kumukulong sabaw.
Agad na kumalat ang aroma parang sabaw na may halong ginger at garlic. Sumunod, dinagdagan ko ng Moonpepper. Unti-unti, nagkulay dilaw ang sabaw.
Tiniktikan ko, tapos tinikman.
“Hmm… masarap, pero.” Napatigil ako. “Parang may kulang.”
Naalala ko bigla ang calamansi o lemon sa modernong mundo. Yung asim na nagbibigay-balanse. Dito, wala akong gano’n.
Kaya kinuha ko ang Dewbasil. Inihulog ko ang ilang dahon. Pagkahalo, biglang lumamig ang aroma parang may halong mint at citrus.
Natikman ko ulit.
“Oh wow.” Napangiti ako.
“Perfect balance. May anghang, may lamig, may tamis ng sabaw.” Sabi ko.
Napasandal ako sa lamesa.
“Kung ito sa modernong mundo, siguro parang fusion ng tinola at ramen.” Sabi ko.
---
Eksperimento #2 – “Flameleaf Butter Spread”
Sunod, sinubukan ko namang gumawa ng variation ng tinapay na ginawa ko kahapon. Kumuha ako ng bagong batch ng mantikilya, hinaluan ng gadgad na Seraphiroot at konting Moonpepper. Pero this time, dinagdagan ko ng mas maraming Flameleaf powder.
Pagkaluto ng tinapay, halos mukhang nagliliyab ang ibabaw. Parang may pulang glow na kumikislap.
“Parang dangerous tingnan.” bulong ko.
Pero nang tikman ko, muntik akong umubo.
“Gaaah! Ang anghang!” Agad akong uminom ng tubig.
“Okay, noted. Huwag sobrahan ang Flameleaf.” Sabi ko.
Napatawa ako mag-isa. At least, alam ko na.
------
Eksperimento #3 – “Sweet Mint Pastry”
Sa huli, naisip kong gumawa ng dessert. May natira pang harina at honey sa kusina, kaya minasa ko ito para gawing dough. Hinalo ko ng konting Moonpepper powder para magkaroon ng kulay dilaw.
Pagkatapos, nagbudbod ako ng durog na Dewbasil leaves at kaunting honey sa ibabaw bago i-bake.
Nang maluto, simple lang siyang pastry, pero ang amoy nakakaaliw. Mabango, minty, at may hint ng tamis.
Tikim ako. At biglang nanlaki ang mata ko.
“Holy! ang sarap!”
Hindi siya sobrang tamis, pero may refreshing aftertaste na parang chewing gum. Parang hindi nakakabusog lang, kundi nakakapreskong kainin.
-------
Habang abala ako, biglang dumating si Lena.
“Binibini Aurelia! Amoy na amoy sa buong hall yung niluluto mo!” Sabi ni Lena.
Napangiti ako.
“Gusto mo tikman ulit?” Sabi ko.
Agad siyang tumango. Pinatikim ko ng sabaw, tinapay, at pastry.
“Ohhh! Ang sarap! pero masyadong maanghang yung pulang tinapay.” natawa siya.
“Yeah I know. Fail ‘yun,” sagot ko rin na natawa.
Hindi nagtagal, dumating pa ang dalawang boarder isang matandang mangangalakal at isang batang apprentice. Pareho silang nakisilip.
“Ano ‘yan? Amoy sabaw na hindi ko pa natitikman.”
“At ano ‘yang tinapay na parang nag-aapoy?”
Inalok ko sila. Naging tahimik ang kusina habang sabay silang tumikim.
Pagkatapos ng ilang segundo, parehong napangiti.
“Binibini, kung ibebenta mo ‘to, siguradong papatok. Lalo na itong sabaw mainit pero may malamig na pakiramdam sa dulo. Nakakagulat.” Sabi ng Matanda.
“Yung tinapay medyo pamatay sa anghang,” dagdag ng apprentice,
"Pero kakaiba rin!” Banggit niya muli.
-------
Si Madam Celia, nakatayo lang sa gilid, tahimik na nakamasid. Nang matapos silang kumain, saka siya lumapit.
“Binibini Aurelia,” aniya,
“Hindi ko alam kung saan ka natuto, pero malinaw na hindi ito karaniwang luto ng Zephyros.” Sabi muli nito.
Medyo kinabahan ako.
“Masama po ba?” Sabi ko.
Umiling siya.
“Hindi. Sa katunayan nakakamangha. Kung itutuloy mo ito, baka may dahilan kang manatili rito.” Sabi niya sa akin.
Napatigil ako. Tumama sa akin yung salita niya may dahilan.
Tama siya. Kailangan ko ng direksyon. At baka ito nga ang sagot.
--------
Pagbalik ko sa kwarto, kumuha ako ng papel at tinta. Sinimulan kong isulat ang bawat eksperimento.
Moonpepper Soup – Success. Balance of hot and cool flavors.
Flameleaf Butter Spread – Fail (too spicy).
Note: bawasan ang Flameleaf.
Sweet Mint Pastry – Success. Refreshing dessert.
Habang nagsusulat ako, naramdaman kong parang bumabalik ako sa dating ako yung mahilig mag-eksperimento sa kusina. Pero ngayon, mas exciting. Kasi bawat spice dito, parang may sariling kwento, sariling karakter.
Naglagay ako ng pamagat sa itaas ng papel:
“Aurelia’s Recipe Notes – Version 1”
At napangiti ako. Para bang nagsisimula akong gumawa ng sariling aklat ng luto.
-------
Kinagabihan, habang kumakain kami ng mga niluto ko, nilapitan ako ni Madam Celia.
“Binibini,” sabi niya,
“Alam mo bang bihira lang ang tulad mo rito? Ang karamihan, basta makakain lang, sapat na pero ikaw ginagawa mong kakaiba ang simpleng sangkap.” Sabi niya muli.
Tumango ako.
“Gusto ko lang pong magdala ng bago baka sakaling makatulong sa iba, o makilala ko rin ang sarili ko sa mundong ito.” Sabi ko.
Ngumiti si Madam Celia.
“Kung gano’n, may mungkahi ako. Sa susunod na linggo, may festival na gaganapin dito sa Zephyros kung saan puwedeng magtinda ang kahit sino. Subukan mong magbenta roon. Hindi malayong magustuhan ng mga tao ang luto mo.” Sabi niya sa akin.
Parang nanlamig ang kamay ko.
"Magbenta? Ako? Sa mismong lungsod?” Sabi ko.
Tumango siya.
“Oo. Wala namang mawawala. At baka doon magsimula ang pangalan mo.” Sabi ni Madam Celia.
Napatingin ako sa mga spices na nakahilera sa mesa. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Pero sa kabilang banda, parang may nag-aapoy sa dibdib ko.
Siguro nga ito na ang susunod kong hakbang.
---------
Bago ako pumikit, hinawakan ko ang pouch ng pera at ang maliit na basket ng natirang tinapay.
“Kung ito ang magiging simula ng bago kong buhay dito.” bulong ko.
Then I’ll give it my all.
At sa unang pagkakataon mula nang dumating ako sa mundong ito, hindi lang ako nakaramdam ng excitement. Nakaramdam ako ng purpose.
⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.
End of Chapter 14