15

1394 Words
Aurelia's POV Pagmulat ko kinaumagahan, ramdam ko ang init ng araw na dumadaan sa kurtina ng maliit kong kwarto. Sariwa ang amoy ng tinapay na niluluto sa kusina sa ibaba. Huminga ako nang malalim at ngumiti. Isa na naman itong panibagong araw sa Zephyros at ramdam kong marami akong matutuklasan. Mabilis akong bumangon, inayos ang sarili, at isinabit ang pouch ng pera sa bewang. Naisip ko Hindi ako pwedeng basta magpakalat-kalat lang. Kailangan kong malaman kung paano gumagalaw ang mundong ito kung paano nabubuhay ang mga tao rito. Bumaba ako at nadatnan si Madam Celia na abala sa mga manggagawa. Nang makita niya ako, ngumiti siya. “Binibini Aurelia, maaga ka na namang bumaba. Balak mo bang gumala uli?” tanong niya. Tumango ako. “Oo, Madam. Gusto ko pa sanang makita ang iba’t ibang bahagi ng lungsod.” Sabi ko. Pinagmasdan niya ako sandali bago tumango rin. “Kung ganoon, mag-ingat ka. At kung may mga estranghero na kakausap sa iyo, alalahanin mong hindi lahat ay mapagkakatiwalaan.” Sabi niya sa akin. Napangiti ako. “Opo. Susundin ko.” Nakakatuwa na mayroong taong nag aalala sa akin. ------- Paglabas ko ng Silvershade Inn, sinalubong agad ako ng ingay ng kalsada. Sigawan ng mga naglalako, yabag ng mga kabayo, at kalansing ng mga armas ng mga bantay. Para itong isang buhay na orkestra magulo pero may ritmo. Naglakad ako papunta sa mas malawak na bahagi ng lungsod. Dito ko unang napansin ang kakaibang gusali na gawa sa bato, mas engrande kaysa sa mga karaniwang tindahan. May malaking watawat sa harap na may nakaburda: isang espada at kalasag na magkasalubong. Lumapit ako at tinignan ang karatula: “Adventurer’s Guild – Zephyros Branch.” Bulong ko. Sa gilid, may ilang grupo ng mga mandirigma at mangangalakal na palabas-masok. Ang iba’y nakasuot ng baluti, ang iba nama’y leather armor lang at may dalang mga sandata. May mga nag-uusap tungkol sa misyon, may mga tumatawa na para bang galing sa mahabang inuman, at may ilan namang seryosong nakatitig sa mga papel na hawak. Hindi ko napigilan ang curiosity ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. ----------- Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang mainit na amoy ng alak, kahoy, at usok ng kalan. Ang malaking hall ay puno ng mesa kung saan nakaupo ang iba’t ibang adventurers. Sa gilid, may counter na parang tavern bar, pero imbes na alak lang ang nakahain, may mga papel na nakapaskil sa likod nito. Isang babaeng clerk ang nakatayo roon maikli ang buhok, may suot na uniporme ng guild, at may hawak na quill. “Magandang araw. Baguhan ka?” tanong niya agad nang makita akong naglalakad papalapit. Nagulat ako pero tumango. “Oo ngayon ko lang nakita ang lugar na ito. Ano ba ang ginagawa dito?” Sabi ko. Ngumiti siya ng magaan. “Dito tinatanggap ang mga dayo o kahit lokal na gustong maging adventurer. Ang guild ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga nangangailangan ng tulong farmers, merchants, pati na rin ang gobyerno at ng mga handang tumanggap ng misyon.” Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa mga papel sa likod niya. Mga kontrata. May mga nakasulat na. “Kumuha ng 10 bundles ng healing herbs mula sa Whispering Forest.” “Bantayan ang merchant caravan patungong Hilagang Ruta.” “Puksain ang mga goblin na nanggugulo sa may Ilog Faron.” Parang nabuhayan ako ng dugo. So ito pala ang sistema rito. Kung gusto kong magkaroon ng pondo at mas makilala ang paligid, baka ito ang tamang lugar para magsimula. “Pwede bang sumali?” tanong ko. Tumango ang clerk. “Oo, pero may proseso. Una, kailangan mong mag-fill out ng form. Ikalawa, kailangan naming malaman ang kakayahan mo ano ang kaya mong gawin para sa grupo o para sa sarili mong misyon at syempre, may maliit na bayad para sa registration: limang tanso.” Sabi sa akin. Agad kong kinuha ang pouch at nag-abot ng limang tanso. “Wala pong problema.” Sabi ko. Inabot niya sa akin ang papel at quill. “Pakisulat ang pangalan, edad, at anumang kasanayan na sa tingin mo’y mahalaga.” Sabi niya sa akin. Medyo kinabahan ako. Ano bang ilalagay ko? Wala naman akong formal na training sa swordsmanship, pero meron akong kaalaman mula sa modernong mundo: pagluluto, organisasyon, at kaunting kaalaman sa herbs. Kaya sinulat ko: Pangalan: Aurelia Edad: 21 Kasanayan: Cooking, basic herb knowledge, management Pag-abot ko ng papel, tiningnan niya ito. Nagtaas siya ng kilay. “Cooking interesting. Hindi madalas na yun ang unang sinasabi ng mga baguhan.” Sabi niya sa akin. Ngumiti ako. “Pero naniniwala akong malaking tulong iyon. Kahit mandirigma, kailangan pa rin ng pagkain.” Sabi ko sa kanya. Natawa siya nang mahina. “May punto ka. Sige, welcome to the Adventurer’s Guild, Aurelia.” May ngiting sabi niya sa akin. Inabot niya sa akin ang isang maliit na metal plate na may nakaukit na pangalan ko at ang simbolo ng guild. “Guild ID. Ito ang magpapatunay na opisyal kang miyembro. Sa ngayon, nasa Rank F ka pinakamababa. Dito nagsisimula ang lahat. Kung gusto mong tumaas ang ranggo, kailangan mong magtagumpay sa mga misyon.” Detalyado niyang sabi sa akin. Hawak-hawak ko ang plate, napangiti ako. Parang official ID sa mundo ko dati pero mas may bigat ito ngayon. “Salamat,” sabi ko. ----------- Habang nakatingin ako sa mga papel na nakapaskil, may lumapit na dalawang adventurers isang lalaki at isang babae. “Baguhan ka ba?” tanong ng lalaki na may suot na leather armor at espada. “Oo,” sagot ko. Ngumisi siya. “Tamang-tama. Kailangan namin ng dagdag na kamay para sa isang simpleng misyon kumuha ng herbs sa Whispering Forest. Hindi mo kailangan lumaban, basta may matutulong ka.” Sabi niya sa akin. Napaisip ako. Delikado ba? Pero kung herbs lang, baka kayanin. At least dito, magagamit ko yung basic knowledge ko sa mga halaman. “Sige, Sasama ako.” sabi ko Nagpakilala sila bilang si Kael at Mira, mag-partner sa guild. ------------- Kinabukasan, naglakbay kami papunta sa Whispering Forest. Ang daan ay tahimik pero puno ng buhay. May mga ibon na umaawit, may mga punong sobrang taas, at may mga halaman na hindi ko pa nakikita kahit sa mga libro. Habang naglalakad, tinuruan ako ni Mira kung paano makakilala ng tamang herbs. “Ito ang Healing Grass makikita mo sa gilid ng ilog. Pero mag-ingat ka, dahil may mga halaman dito na lason ang dala.” Sabi niya sa akin. Ginamit ko ang kaalaman ko sa modernong herbs at natuwa ako nang makita kong halos pareho lang din ang itsura ng ilan sa kanila. Nakakakolekta kami ng ilang bundles, at nakatulong ako sa pagtukoy ng mga mas madaling makain na variety. Pero biglang may gumalaw sa palumpong. Lumabas ang tatlong goblins, dala ang kanilang maruruming sandata. “Goblin raid!” sigaw ni Kael, sabay hawak ng espada. Napatigil ako, kinabahan. First time ko makakita ng ganito at hindi ito biro. Mabilis na nakipaglaban si Kael at Mira. Ang isa sa mga goblin ay nagtangkang tumakbo papalapit sa akin. Agad kong dinampot ang malaking sanga at hinampas ito nang malakas. Hindi siya agad bumagsak, pero sapat na para makakuha ako ng oras para makaiwas. “Nice one!” sigaw ni Mira habang tinapos niya ang huling goblin. Hingal na hingal ako pero nakangiti. So ganito pala ang pakiramdam hindi lang basta kwento, totoo siya. --------------- Pagbalik namin sa lungsod, masaya kaming nagreport. Tinanggap namin ang reward: tatlong pilak para sa grupo. Hati-hati, tig-iisa kami. Hawak ko ang pilak, parang mas mabigat ito kaysa sa dati. Hindi lang dahil sa halaga, kundi dahil sa pinagdaanan ko para makuha ito. “Magaling ka para sa baguhan,” sabi ni Kael. “Kung gusto mong sumama pa sa amin sa susunod, welcome ka.” Sabi niya sa akin. Ngumiti ako. “Salamat. Tiyak na susubukan ko.” Sabi ko. -------------- Pag-uwi ko sa Silvershade Inn, naupo ako sa kama at kinuha ang guild ID ko. Pinagmasdan ko ito habang iniisip ang nangyari. Ganito pala ang buhay dito. Hindi lang basta pagtuklas ng bagong bagay. Kailangan ding harapin ang panganib at gumawa ng desisyon. At ngayong opisyal na akong adventurer, alam kong mas marami pang mangyayari. Huminga ako ng malalim at ngumiti. “Simula pa lang ito.” ⋆˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁. End of Chapter 15
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD