Aurelia's Pov
Pagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin sa katawan ko ang pagod mula sa unang guild mission. Pero higit sa lahat, may kakaibang sigla akong dala. Hindi dahil sa tagumpay ng nakaraang araw, kundi dahil sa mga salitang iniwan ni Madam Celia kagabi bago ako umakyat sa kwarto.
“Aurelia, bukas ay magsisimula ang maliit na patimpalak ng mga bagong adventurers. Kung nais mong masubok ang tiyaga at diskarte mo, sumali ka. Ang hamon: makahanap at makauwi ng bihirang damong tinatawag na Moonveil Herb bago lumubog ang araw. Tandaan, hindi lakas ang puhunan dito, kundi ang mata at tiyaga.”
Habang nagsisipilyo gamit ang maliit na tangkay na parang herbal brush, napabulong ako:
“Moonveil Herb kaya ko kaya ‘yon hanapin?”
--------
Pagbaba ko, nadatnan ko si Madam Celia na nakaupo na sa may counter. May mga ibang kabataang adventurer na nag-aayos ng gamit, halatang sabik para sa patimpalak.
“Aurelia,” tawag sa akin ni madam Celia. “Handa ka na ba?”
Tumango ako kahit medyo kinakabahan.
“Susubukan ko, Madam. Pero hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula.” Sabi ko.
Bahagyang ngumiti si madam, sabay iniabot ang isang maliit na tela na may nakaguhit na simpleng mapa.
“Hindi ko pwedeng sabihin ang eksaktong lugar, pero ito ang pahiwatig. Ang Moonveil Herb ay karaniwang lumalago sa malamig at basang paligid, kadalasan sa lilim ng mga malalaking puno o malapit sa sapa. Huwag kang basta kukuha ng kung ano lang maraming halamang kahawig nito pero delikado.” sabi sa akin nito.
Tinanggap ko ang mapa at maingat na itinupi.
“Ibig sabihin hindi lang diskarte, kundi pasensya rin ang kailangan,” sabi ko.
“Eksakto,” sagot ni madam celia.
"At tandaan mo, hindi ikaw lang ang sasali. May ibang baguhan ding maghahanap. Iba’t iba ang ugali ng mga iyan, Aurelia. Mayroong makikipagtulungan, pero may ilan ding gagawa ng paraan para sila lang ang makuha.” Paalala niya sa akin.
-----------
Bago umalis, dinala ko ang maliit kong pouch ng gamit:
Isang kutsilyong dala mula sa inn (hindi panglaban kundi pamutol ng halaman).
Isang maliit na sisidlan kung saan ilalagay ang herb.
Kaunting tinapay at sabaw na niluto ko kagabi.
At ang aking notebook at lapis, na nakuha ko sa bilihan hindi man ito kagaya ng nasa modern world pero magagamit mo ito panulat.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili.
Ito na ang pangalawang totoong pagsubok ko hindi sa kusina, kundi sa labas.
----------
Habang papalabas ako ng Guild Hall, nakasabay ko ang ilan pang kalahok. May dalawang binatang magkasama na mukhang kampante. May isa ring babae na tila sanay na sa gubat, may dala-dalang bow sa likod. Napansin nilang nag-iisa ako, at may narinig ako na bulong mula sa kanila.
“Yan ba yung bagong dating? Mukhang hindi tatagal.” Sabi ng isa sa kasama niya.
“Siguradong mauuna siyang sumuko.” sabay tawa pa ng isa.
Bahagyang kumirot ang puso ko sa mga salitang kanilang sinabi, pero pinilit kong huwag magpakita ng kahinaan.
Hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung ano ang kaya kong gawin.
--------
Sa tarangkahan ng Silverinn, muling nagpakita si Madam Celia at tumawag.
“Aurelia!” Tawag sa akin.
Lumingon ako. Nakita kong may iaabot si madam kaya kinuha ko ito isang maliit na pouch na may lamang pinulbos na halamang amoy mint.
“Anong—?” sabi ko.
“Dewbasil powder,” sagot ni Madam Celia.
"Kung sakaling mapagod o mahilo ka, ihalo mo lang sa tubig at iinumin. Magbibigay ito ng lakas. Huwag mong aksayahin.” Sabi niya sa akin.
Parang lumambot ang puso ko sa sinabi ni madam sa pag aalala.
Tumango ako at ngumiti.
“Salamat po, Madam. Hindi ko kayo bibiguin.” Sabi ko.
At doon, nagsimula akong maglakad papasok sa kagubatan kung saan nag-aabang ang unang hakbang ng kanyang bagong yugto.
˙⟡🪶─ .✦📜⊹₊ ݁.
End of Chapter 16.