Bulaklak
**Alex
Kaya ayoko sana pag usapan ang nakaraan… alam ko pagkatapos may mangyari magsisisi siya at hihingi ng tawad. Hindi nga ako nagkamali. And I don’t like the feeling that’s playing in my mind to accept that apology and accept him as well.
- Ayoko ng bumalik sa madilim na lugar na yun ng buhay ko, ang hirap kalaban ang lungkot.
I have to put that weekend in the past now… What's done is done, we are both consenting adults who agreed to do that. Yun lang yun, no strings attached.
Nag leave talaga ako after that weekend… hindi ko siya kayang harapin. Umuwi ako ng probinsya. Doon ako umiyak sa Tiny House ko. Lahat ng sama ng loob ko, lahat ng panghihinayang, sa lahat ng hindi na maibabalik.
*My Tiny House is a 40 Foot Container Van, turned into a home for me. Dati naming opisina yun noong ginagawa namin ang Mountain Lodge. Hiningi ko sa GenCon namin dati. Inayos na rin namin, sa isang side pinakadulo Bedroom katabi niya Bathroom tapos maliit na kitchen at dining area. Sa kabilang side Living Area and working area. May solar panels sa bubong para sa kuryente tapos ang tubig nakakabit sa kapitbahay ko na sina Mang Ben at Aling Elsa. Sila yung caretaker nung Mountain Lodge pero ang bahay nila nasa kabilang dulo ng Hacienda, kailangan pa mag tricycle nung dalawa papunta ng malaking bahay. Pwede naman lakarin pero dahil matanda na sila kailangan na ng sasakyan. Kahit din yung Tiny House mga 25 meters pa ang layo sa kanila sa may bandang kakahuyan na.
Tama naman ang desisyon kung pagbigyan siya. Ngayon na tauhan na siya sa mga nagawa niya tapos na ang obligasyon ko. Buti pinaghandaan ko talaga siya… Hindi man lang niya naisip ang proteksyon, paano kung mabuntis niya ako.
- Wala talaga sa hulog, walang ibang nasa isip kung hindi ang maka isa…
*The first thing I did the next day of his indecent proposal was go to an OBGyn for birth control. I won’t make the same mistake my Inay did. If some man couldn't control their l*bido, women should protect themselves. We may be put in an unforgiving situation like what happened to Inay then.
Pati pagpapa Spa at Beauty Treatment ginawa ko yun para sa kanya… siguro naman hindi na siya lugi sa akin at satisfied siya sa performance ko. Kung hindi eh well, bahala na siya sa buhay niya… wala namang nabibiling hymen pamalit sa nawala na di ba.
Dalawang araw akong nagkulong sa Tiny House ko… ni hindi alam sa ”Kanlungan” na nasa probinsya ako. Sarap sana mag muni muni nalang at magtago sa lahat ng tao… pero life goes on. By third day umuwi ako sa “Kanlungan”.
“Hay, naku kang Bata ka… hindi ka man lang nagsabing uuwi ka. Makalat sa kwarto natin” bungad agad ni Tita Yaya
“Ok lang po yun, maaga pa naman… ako na maglinis” balik ko sa kanya… sabay yakap.
- More than ever, mga yakap ng mga nag aruga sa akin gamot ko sa lahat.
“Kanlungan is really a sanctuary for me. Kaya yata ako nalungkot sobra dati dahil hanggang ngayon hindi ko ma share sa kanila ang mga nangyari dati. Natatakot akong makarating kina Grandpa ang mga nangyari… I’m sure, all hell will break loose para ipaghiganti ako. I will not let that happen iskandalong malupet yun pag nagkataon.
Buti nga napakiusapan ko ung pulis na huwag ng iparating sa HQ yung kaso ko dati, pag nagkataon may maka alam nun at maka abot kay Grandpa, patay. Lintik lang ang walang ganti. Baka pati yung dating opisina ko damay.
Messenger
Officemate ko : Mam puno na ng Flowers ang table mo… Three consecutive days ng may nagpapadala for you.
- May kasamang pictures yun message niya
Ako (Alex) : Kanino daw galing?
- May kutob naman ako kung kanino galing yun… Letseng Mama, hindi talaga ako tatantanan
- Ateng kinikilig ka naman eh…
- Shut up...ang landi mo.
- Ayyiiee
Officemate ko : DAG lang po nakalagay sa card, tsaka pala Mam… hanap ka ni Engr. Gernale nung isang araw sa meeting.
Ako (Alex) : Bakit daw? May kailangan sa work? Kay Mam Riza siya magtanong kamo.
Officemate ko : Mukhang personal… nagkausap naman sila ni Mam Riza. Nag lunch din sila together, nagkatrabaho na yata sila dati kasi.
- Bakit walang sinasabi si Mam Riza sa akin… don’t tell me pinag usapan nila ako.
Ako (Alex) : Ah ganun ba, Paki sabi sa Utility kung may extra vase paki lagay na lang yung mga bulaklak. Baka malanta lang… lagay kamo sa pantry or sa conference room.
- DAG (David Andreu Gernale… bwisit dadaanin na naman ako sa pa bulaklak)
Officemate ko : Sige po Mam… Ganda pa naman ng mga ‘to. Ikaw Mam ha, may secret admirer ka. Siguro yung poging si Engr. Gernale nag papadala nitong mga bulaklak. Araw araw tumatawag kasi, hinahanap ka.
Ako (Alex) : Ewan ko sayo… wala akong panahon sa ganyan (sticking tongue emoji)
Officemate ko : (LOL emoji) Aayyiiee, si Mam magkaka boyfriend na.
Ako (Alex) : (Angry Emoji) Ewan ko sayo…
- Bwisit na mamang DAG na yan…
- Papa impress na naman, hayyy naku nadala na ako sa mga style niyang yan.
- Sorry na nga daw Madam… Beke nemen, super yummy na kaya siya ngayon.
- Sh*t ka! Ang landi mo… porke’t yummy… pwede na.
- Sige ka baka mapunta sa iba, sheyeng nemen…
- Ewan ko sayo, landi mo…
Sh*t! ka Gernale… ginugulo mo na naman ang sistema ko. Buang na naman ako, pati sarili ko kinakausap ko na.
Tumulong ako sa pag alaga sa mga kapatid ko, ipinag shopping ko rin sila ng mga gamit. Kaya ako nagtatrabaho sa Metro para sa kanila… at least doon malaki ang kita at steady. Pag dito kasi ako at aasa sa mga Projects na darating malaki nga kikitain ko, hindi naman steady. minsan meron minsan wala… hindi pwedeng mangyari yun ayokong magutom mga kapatid ko.
Mas maayos na ang “Kanlungan” ngayon, dahil na rin sa mga new projects… yung mga volunteer Nanay. Yung mga new products. Hindi ko pa rin sila pinababayaan. Ang mga dati kung kapatid hindi rin nakakalimot lalo na yung mga nasa abroad na nakatira. Kaya nga naging maganda na kalagayan nito ngayon… dumarami nga lang din ang alaga. Dahil na rin sa program namin na fostering habang ang mga magulang ay nagtatrabaho.
Darating ang araw kami rin magpapatakbo nito at sinabi ko na yun kina Nanay Eva at Tatay Max.
- Araw araw may Messenger ang mga Officemate ko pinagkakaguluhan yung flowers for me. Monday to Friday ba naman… lahat sila kinikilig.
- Hay naku, bahala na si Batman… napaka persistent pa naman ng lalaking yun. Sana naman immune na ako sa charm niya. He can be stubborn if he wants something so bad.
~~~~~~~~~~
**David
Meeting comes…
Wala siya, naka leave daw… she’s probably avoiding me. God! I hope she’s OK and safe. After ko mabasa mga pinadala niya dati at makapagmuni muni. Saka lang pumasok sa isip kong hindi man lang pala ako gumamit ng proteksyon noong weekend…
- F**K! Sh*t!&%$ how st*pid I can be in one go. Pananagutan ko naman siya, ang tanong handa na ba siya… paano kung hindi. I’ll ruin all her dreams, with yet another f**king mistake and carelessness.
This Project is making a way for me to know more about the past.
The meeting is presided by no other than Mam Riza, she’s her Boss again.
“Good Morning Engr. Gernale” bati niya sa akin, may pilyang ngiti
“Good Morning po Mam, andito rin po pala kayo” balik ko sa kanya
“Kaya pala absent yung isa, naka balik ka na pala… nagkita na kayo noh” sabi niya
“Ho? Sino po?” pa inosente ko pang tanong
“Ewan ko sayo, tatanong ka pa” natatawa niyang sagot
Natawa na rin lang ako. After the meeting I invited her for lunch. Alam kung marami rin siyang alam sa mga nangyari kay Alex, might as well gather more information. It would be an advantage for me to know more about her. Sa kag*guhan ko kasi dati I did not bother myself to even check on her. Kahit na madali ko naman magagawa yun, I’m a j*rk… a half wit, a total a**hole of a man then.
- Well, Karma is a B*tch… biting me now.
Lunch is a Happy-Sad conversation.
“Kamusta po Mam… kailan pa kayo lumipat?”
“Ako ba talaga kinakamusta mo, o yung pinakamamahal mo?” biro niya sa akin
“Hindi ko na tinapos hanggang turnover yung last project sa kabila, hired na kasi ako dito. Mas mataas ang position equivalent ng RDM doon sa kabila.” kwento niya
“Kaya pala hindi na namin kayo napag kikita ng mag turnover” balik kung sagot sa kanya
“As if naman tinapos mo rin” sabay halakhak niya
“Na kwento na ni Engr. Nilo ang pag disappear mo, huwag mo ng itanggi” habol niya pa
“Ayoko na nga po maalala yun. Kaka lungkot… it was a childish move of me. Nakakahiya” sagot ko sa kanya
“So, ano nagkausap na ba kayo?” tanong niya sa akin
“Yeah, and it's bittersweet”
“What really happened to the two of you?” makahulugan niyang tanong
- How I wish I could tell her but it’s too personal
“Huge… No Gigantic Misunderstanding… but it’s all in the past now.”
“May mga na share siya sa akin, hindi kita huhusgahan… wala naman akong alam sa mga pinagdaanan mo. Pero ito lang ha… sana pag usapan niyo sayang kasi kayo.” hirit niya sa akin
“Gagawin ko po talaga yun Mam… sana lang bigyan niya ako ng pagkakataon” malungkot kung balik sa kanya
“Please be gentle with her… She’s been through a lot. Noong lumipat siya dito she’s not well nagkaroon siya ng depression at anxiety dahil sa mga nangyari. Pinaka malala noong tuluyan ka ng umalis papuntang Australia. Hindi siya kumakain ng matino, halos gusto na lang niyang itulog ang lahat, naging anti-social na siya. Halos hindi na namin siya makausap. I was forced to consult a shrink for her… buti nalang after sometime pumayag na rin siyang kausapin yung psychiatrist.” mahaba niyang kwento
- God! Kaya pala sabi niya… I’m not good for her mental health.
“Sorry po Mam, wala po akong alam. Ngayon ko lang din nalaman ang totoong mga nangyari sa kanya… yung kay Engr. Rowel, yung kaso sa office ninyo dati. Lahat po yun ngayon ko lang nalaman. Sorry po talaga.” hingi ko ng dispensa sa kanya…
“Huwag ka sa akin mag Sorry, dun sa pinakamamahal mo” alo niya sa akin
“Sorry pa rin po, g*go kasi ako dati… ako talaga may mali” hirit ko ulit
“Kung babalikan mo man siya, please be patient with her. Ang alam ko gusto na niyang mag move on sayo. Pero nakikita ko at nararamdaman na may pag asa pa naman kayo. Sana mag kausap kayo, kung hindi man kayo magkabalikan at least maging civil kayo sa isa’t isa… magkakatrabaho na naman pati kayo.” sabi niya pa
“Magkakaayos kami Mam, I’ll make sure of that… I won’t give her up. Hindi rin naman kami nag break dati kung tutuusin” yabang kung sabi
- Dapat positive lang lagi
“Ayan tayo eh… Nang iwan ka kaya” sabay tawa niya
“Sana lang, gusto ka pa nga niya” saka siya humahalakhak
“Liligawan ko ulit... kahit ayaw niya. Kukulitin ko na lang ulit” natatawa kung sabi
“Good Luck sayo” sabay tawa ulit
“Thank you Mam… Salamat sa mga kwento tungkol sa kanya. Aayusin ko to, Promise” pangako ko sa kanya…
I still ordered and sent the flowers even if she’s not there… I need to be persistent and consistent if I want to win her again. Sabi naman ni Mam Riza sasabihan niya ako pag nakabalik na siya.
- Miss her already… nababaliw na nga ako sa condo ko.
Hearing Mam Riza’s story got into me. Depression and Anxiety is no joke… and that’s because I did not listen to her. God! I’ve been such an a**. I hope she’s OK now… kung hindi man pasasayahin ko na lang ulit siya. I’ll make sure of that.
Ang sama sama ko, galit na galit ako sa kanya… samantalang kailangan niya pala ako.
I was not there for her, when she needed me the most. Kinain ako masyado ng galit ko sa mga nangyari. Hindi ko man lang naisip na nasaktan siya sa iskandalo noon sa site…
- I’m such a selfish a**hole… pinairal ko pagiging brat ko. Too much ego. God! Such a waste of time and energy.
I’ll be her stalker now, dati siya may gawa nun sa akin. I need to know where she goes after work, what she does in her spare time. I have to adapt my schedules with her.
- I’m excited to court her again…masaya to.
~~~~~~~~~~
SMS Message
Alex : Hey, Engr. Gernale… Stop wasting your money on those bouquets of flowers. Sayang lang mga yun.
Ako (Andreu) : Thank God you’re back. Where have you been? And those flowers… They’re not a waste of money… It’s for you my Exi, My Pinakamamahal.
Alex : Stop calling that, I don't know you remember.
Ako (Andreu) : Then why are you even messaging me...Ha! You’ve missed me.
Ako (Andreu) : I miss you too. I love you. Can I please see you… pretty please.
Alex : Miss you my a**. Ewan ko sayo. Tigilan mo na yang pa bouquet mo.
Alex : And why would I see you, I don’t know you.
Ako (Andreu) : I’ll stop sending flowers if you agree to see me. (smiley emoticon)
Alex : No I won’t see you, Goodbye. Why did I even bother messaging you anyway.
Alex : God, so annoying
Ako (Andreu) : Because you miss me… aminin mo na kasi. (smiley emoticon)
Alex : Goodbye Engr.
Naasar ko na naman… Hay nakaka miss bangayan namin.
Ako (Andreu) : Please answer my call (puppy eyes emoticon)
Ako (Andreu) : Mag Usap naman tayo oh… Please… Please… Please…
Tawag ako ng tawag ayaw niya sumagot. Di bale… I’ll stalk her. If she’s back in the Metro, puntahan ko nalang sa bago niyang apartment.
- Ha! Kala mo ha… marunong din ako mang stalk
Na tsismis na ni Mam Riza kung saan ang bago niyang apartment.
~~~~~~~~~~
I started my own investigation on that Devil Rowel, I’ll take him down. I know he accepts bribes from us and other contractors. I know their Big Boss sa kanya ko ipapadala ang mga makukuha kung impormasyon.
What came out of the investigation… is more than enough para mawalan siya ng lisensya. Pero hindi ko gagawin yun hahayaan kung ang opisina nila ang gumawa ng paraan. Wala na din naman halaga ang lisensiya niya kung wala ng tatanggap sa kanya. I’ll make sure lahat ng Electrical Contractor malalaman ang kalokohan niya.
- G*go siya…
Kagaya ng kwento nila Engr. Nilo dati… binibiktima niya ang mga baguhang Designers na kasama niya sa site. Mga hindi pumalag kasi nga bina-blackmail niya. Ginagawan niya ng mga video scandal or pictures, kagaya ng ginawa niya kay Alex dati. Kinailangan niyang i-photoshop yung kay Alex dahil nga nailigtas siya. Pati yung taga HR sa opisina nila, babae niya kaya pala ganun nalang ang nangyari sa kaso dati…magkakakutsaba sila.
- I’ll take you all down, kahit ito man lang magawa ko para kay Alex.
Hindi lang bribe at pambabae ang kalokohan niya… siya rin ang supplier ng mga droga sa mga workers. Kaya may supply siya ng party drugs na ginamit nila kay Alex dati.
- D*monyo pala talaga siya… Oh well! Sa impiyerno siya ngayon tumira.