OCHO

2805 Words
Ang Unang Pagkikita **Alex  Flashback Natapos ko na ang Mountain Lodge and Grandpa is ecstatic with the results. Nakatipid siya ng malaki by not hiring an Interior Designer to furnish it, ako na kasi halos nag ayos pati furnishings. Kinonsulta ko lang din siya sa mga preference niya at ayon nagustuhan niya ang kinalabasan.  Pati ang maarteng Nanay ni Sebastian… natuwa.  After the Holidays… the Blessing of the Lodge. It’s time for me to move on to the next endeavour… - Telephone Conversation with Grandpa “Alex, I heard the news… you’re going to the Metro to work? Is this why you refuse my offer to work in D**H?” bungad niya sa akin “Yes Sir, I need more experience not just with Designs but with interacting with people in the industry. And Thank you for the offer to work in D**H but I don’t have plans to work in the Government.” “Why not, we need more honest people on that Department” enganyo niya sa akin “It’s not my thing, I’m not career service oriented. And I hate dealing with those other corrupt officials. I can’t stomach them… It might ruin my career as an Architect.” balik ko sa kanya  “I’m sure I’ll throw a fit… if I see corruption everywhere” habol ko pa “Yeah, I’m sure… you’ll go berserk over those things” natatawa niyang sagot sa akin In the end pumayag din siyang magtrabaho ako sa Metro. Ni lecture pa niya ako about sa safety ko plus pinipilit niyang mag provide ng matitirhan ko. Syempre the stubborn me wouldn't let him. Sabi ko makikitira muna ako sa Seb in the meantime pero I’ll find my own place. I assured him that I’ll let them know kung saan ako titira alam ko namang safety ko lang ang inaalala nila. Parte pa rin naman ako ng pamilya kahit hindi alam ng mga tao.  *Unbeknown to me… He hired somebody for my safety.  I stayed with Seb for almost a week.  Hired na din ako sa first job ko in the Metro. I’ll be working with the Engineering Department of the biggest mall chain in the country as a Design Officer. An entry Level job.  I ended up renting a studio type apartment near the office. Malayo din kasi sa condo ni Seb ang opisinang papasukan ko, nasa BGC kasi siya. Kasama ko naman siya when we inspected it at approved naman sa kanya ang lugar. Gated naman kasi ang lugar noong apartment, may mga CCTV naman at malinis ang lugar.  “Hey, be careful here… babae ka pa rin, kahit na alam kung marunong kang ipagtanggol ang sarili mo. May mga loko loko pa ring mas malakas sayo.” paalala ni Seb… alam naman niya kasing may alam ako sa Martial Arts kahit konti, it’s one thing we are all being thought of sa “Kanlungan” to protect ourselves.  “Yeah I know… don’t worry I won’t compromise myself. I’ll be careful always” sagot ko sa kanya, kahit naman kasi maayos yung lugar ng apartment yung mga dadaanan papunta doon hindi lahat maganda.  “I’ll miss you sa condo, wala na akong alila” asar niya sa akin “Bwisit kang Baste ka” sabay hampas ko sa kanya… inalila kasi niya talaga ako, tagaluto, tagalaba at nag impake pa kami. Paalis na rin kasi siya… balik Aussie may bagong job offer sa kanya doon. Umuwi lang naman siya after niya mag resign sa work dati, susubukan niya dapat mag hanap dito sa Pilipinas. “Ano ba yan… nananakit ka, sakit pa naman ng hampas mo.” asik niya sa akin “Pero Alex, totoo... I’ll miss you. Kasi naman dapat kay Dad ka nalang nag trabaho, para magkasama tayo sa Aussie” hirit na naman niya, matagal na niya ako inaawitan sumama doon. “Hay naku, Ayoko, Ayoko, Ayoko! Entiendes?... Takot ko lang sa Nanay mo noh” “Kung sabagay… baka kung ano pa gawin nun sayo pag wala ako sa tabi mo”  “Minsan hindi ko na alam gagawin ko sa Nanay kung yun, Hindi maka get over sayo”  - Hindi pa rin kasi matanggap ni Tita Irena na may anak si Itay sa pagka binata ~~~~~~~~~~ Last weekend hinatid ko na sa airport si Sebastian Unang araw ko sa trabaho sa Metro. Office Girl na ako haaaa… akalain mo yun. Dati sa bundok ang project ko.  Malaki ang opisinang napasukan ko, kung sabagay sa dami ba naman ng mall nila all over the Philippines. May Design Manager na naghahandle sa aming mga Design Officer tapos… may Regional naman na may hawak sa kanila then AVP tapos VP of the Design Team.  Unang project na pinahawakan sa akin ay Mall sa North of the Metro… bale ang original daw na may hawak nito ay nag resign na at hindi ito tinapos hanggang sa implementation. Dahil nga may experience na ako sa site supervision kaya sa akin nila pina hawakan. As per sa kasama kung DO, ma aassign kami sa site, nagpoprovide naman daw ng staff house plus may allowance pa. Pareho kami ni Ms. Belle ng project na hawak, she is fondly called Mama Belle by my fellow Officers isa kasi siya sa mga Senior Officers na.  Si Ms. Belle ang nag orient sa akin sa project. Akala ko kasama ko siya ma assign sa site. Pero noong idedeploy na kami sa site… “Belle, Si Alex nalang muna ang aasign sa site… susubukan daw ng Management ang one Officer per project ngayon” paliwanag sa amin ng Design Manager namin. Andito rin ang Regional Manager namin.  “Pero Mam, bago palang po si Alex… baka naman po manibago siya” sagot ni Ms. Belle “Kaya niya yan… aalalayan naman namin siya” sabat noong Regional Manager namin “Alex, kaya mo naman di ba kahit mag isa ka lang???” tanong ng DM namin Syempre, YES ang sagot ko alangan naman pakita ko sa kanila ang takot ko… “Yes, Mam I can handle that.” mayabang kung sagot pero ang totoo… kabado ako kasi nga ang sabi ni Ms. Belle dati partners talaga ang ina assign sa site. Ngayon I’ll be working alone with a lot of areas to handle. Kaya yan… Ajjah!!! “Don’t worry Alex, Weekly naman ang bisita namin sa site. You can ask question by then” paliwanag ng RDM namin Sa katapusan ng meeting… kailangan orient ako ni Ms. Belle sa mga hawak niyang area which are the Offices, the Cinemas, the Food Court, Signages and Landscaping. Dagdag yun lahat sa magiging hawak ko na Mall Interior Fit Out and Tenancy.  “Alex, alam kung kaya mo ang trabaho, ang inaalala ko ang mga kasama mo sa Staffhouse” she’s being an older sister… I’m so touched - Balita nga kasing kasama sa Team ang palikerong si Engr. Rowel at ang isang babaeng Engr. na bali balitang BI sa mga kasama lagi at mag kakutsaba sila lagi. “Ms. Belle, Thank you sa concern… Huwag kang mag alala masyado, may martial arts skills ako. I can take care  of myself” alo ko sa kanya “Mag iingat ka pa din, yung bilin kung iwasan ang lalaki malandi at mahaderang babaeng yun. Huwag kakalimutan” naka ngiti na niyang bulong sa akin. “Thank you po sa mga paalala, sana kasama pa rin kita. I’ll miss you, ikaw unang kaibigan ko dito sa Metro. Alam mo namang promdi ako” sabay tawa ko “Kaya nga kita binabalaan diyan sa lalaking malandi, baka madala ka sa mga mabulaklak na bunganga niyan. Virginity mo lang habol niya” sabay tawa niya rin “Makatitig pa naman sayo” hirit pa niya - Napansin ko naman na yung mga pagtitig ni Engr. Rowel at pag irap naman ni Engr. Angel. Hindi lang ako nagpapa intimidate sa kanila. I know what I’m doing and I know my way around people who would like to pull me down. Trabaho pinunta ko dito sa Metro hindi ang maglandi at makipag away. So… deadma na lang ako. Gagawin ko trabaho ko at huwag nila akong subukan i-bully or else lalabas ang pag ka amasona ko. ~~~~~~~~~~~ After six months in the office, I was sent to the site.  Ang Staff House namin ay malapit lang din naman sa site, kaya naman lakarin. Pero usually daw hinahatid sundo kami ng Project Management Drivers or kanya kanya pwede naman. May sasakyang gamit si Engr. Rowel sa site… Manager na kasi siya, provided ng opisina.   Ang bahay ay Three Bedroom Bungalow at may Maids Room na may sariling toilet. At dahil mag isa nga akong DO yun ang ginamit ko, para solo ko lang. Ok naman sa kanila lahat kahit sa mga Managers ko.  Sa Staff House may tatlong lalaking Engr. at tatlong babaeng Engr. bale pang apat ako sa babae. Si Engr. Rowel na may hawak sa Electrical at sina Engr. Nestor sa Architectural Fit Out at Engr. Frank na assistant niya. Ang mga babaeng Engr. naman si Marie para sa Department Store, si Angel sa Supermarket at si Joan para sa other Affiliates. Ang usapan share share sa food na pang Dinner dahil yun lang din halos nag sabay sabay kami kakain unless may OT kami.  Kanya kanyang uwian pag weekends. May mga bus pabalik sa Metro kung magcocomute ka. Hinatid kasi ako ng DM ko gamit sasakyan niya papunta. Pero tinuruan na din akong mag commute if ever.  ~~~~~~~~~~ - First Day ko sa site Tradecon Meeting agad “Good Morning Everyone!” bungad ng Design Manager ko, siya kasi nag pa meeting kasama sila Engr Nestor at Frank. “Ipinakikilala ko si Arch. Alex De Vera, she will be the Design Officer assigned to this Project. She will be alone unlike the others na partners ang mga Officers namin. Huwag niyo siyang masyadong pahirapan first project niya ito” paliwanag ni Mam Riza (DM ko) “Good Morning Architect” bati nila sa akin Inikot ko paningin ko sa conference table…  karamihan may edad na ang mga representative ng bawat Tradecon. “Excuse me Sir, anong Tradecon ka?” tanong si Mam Riza… sa kaisa isang mukhang kaedaran ko lang na nakaharap sa amin… - Ay ang cute niya… ay hindi pala gwapo siya, kaloka may model na napadpad sa site. “Ah Mam… pasensya na po, wala pa po kasi sila Engr. Nilo kaya ako nandito sa Gernale po ako.” mahiyain yata ang gwapong mama “Ah OK, pakilala ka… mukhang bago ka din sa Project. Ngayon lang kita nakita.” sabi ni DM “David Andreu Gernale po, Foreman po ako sa Gernale Electrical” may pilyong ngiti na siya “Sorry Late ako” may nag salita sa pinto “Ay ayan na po pala si Engr. Nilo” sabi nung gwapo  - Hooooyyy kanina ka pa gwapo ng gwapo diyan naglalandi haaahhh, first day!!! Boylet agad. - Landi agad di ba pwedeng na appreciate lang ang gawa ni God… “Mam Riza naman kasi ang aga ng pa meeting mo” biro nung Engr. Nilo mukhang close na sila ni Mam Riza sa dami na rin ng Project na nagawa nila “Dadahilan pa. Pameryenda ka Late ka” balik sa kanya ni DM Lakas tuloy ng tawanan sa meeting… Tanghali na natapos ang meeting kaya instead na meryenda, Lunch na ang libre ni Engr. Nilo.  Kasama niya pa rin yung gwapo… si David Andreu pangalan pa lang ulam na. Pakilala ni Engr. Nilo pamangkin niya daw nag apprentice sa kanya. Sumunod sila Engr. Rowel at yung mga babaeng Engr. kung saan kami nag lunch. Masarap yung kinainan namin puro Filipino Food, medyo awkward pa ako. Hindi naman ako sanay sa ganito syempre taga bundok.  - Maka tingin at maka buska naman si Engr. Rowel sa kasama ni Engr. Nilo, akala mo walang karapatan yung tao kumain kasabay namin. Grabe, mapangmata. Aiissttt.  - Buti nalang mabait yung tao, dinadaan nalang sa pabirong sagot sa kanya at pangiti ngiti lang.  Pagbalik sa site, nagpaalam na din ang DM ko bibiyahe pa kasi siya pabalik sa Metro.  Natapos ang first day ko sa site na wala naman masyadong kaguluhan.  Messenger Seb : Kamusta First Day mo sa site - Usyusero… gabi na sa kanila gising pa Ako (Alex) : Gabi na dyan ah, gising ka pa. OK naman first day ko. Wala naman masyadong Hullabaloo Seb : Gabi na nga… eh sa gusto kitang Kamustahin! Ano ba trabaho mo? Ako (Alex) : Mag Monitor sa  Mall Interior Fit Out… madali lang naman medyo malawak lang ang area. Pero kaya naman… Seb : Kaya mo yan, mag isa mo nga natapos ang Mountain Lodge…  Ako (Alex) : Yung pagsukat lang sa Tenancy ang matrabaho. Kailangan ko ng Digital na Tape Measure, para mabilis. Yung Laser Measuring Tool ba.  Seb : Ah OK, wala ba kayo sa opisina?  Ako (Alex) : Gamit kasi ng ibang Officers sa ibang site. Last on the List pa yata ako sa makakagamit… Marami pa kaming pinag usapan… ginabi na din ako sa kaka chat sa kanya.  Ang sumunod na mga araw ay mabilis lang na lumipas. Weekend na agad. Kanya kanya kami uwi sa Metro. Inaaya ako nila Engr. Rowel sumabay sa kanila, tumanggi ako. Nag commute ako Pagdating ko sa apartment may package daw na dumating for me. Bayad naman na kaya kinuha na ng Landlady ko. Galing pala kay Sebastian, Digital Tape Measure ang padala niya.  Haaay! itong batang ito talaga…  may Note na nakalagay. “Galing yan kay Dad huwag ka na daw mag antay ng galing sa opisina niyo baka ma delay pa trabaho mo.”  Messenger  Ako (Alex) : Seb, nakuha ko na padala mo… pakisabi na rin kay Itay, Salamat ng marami. Seb : Ok very good, nabanggit ko kasing kailangan mo ng ganyan. Nagpabili agad at ipadala daw sayo. Buti mabilis ang UPS.  Seb : At ikaw babae ka, Ikaw mag Message sa kanya ng Thank You mo… Tatay mo yun… sama mo. Ako (Alex) : Sorry na po, Manong… tatawagan ko na po… After ng chat namin, tumawag nga ako kay Itay para magpasalamat. Tuwang tuwa naman siya at na appreciate ko daw ang tulong niya.  Ang mga sumunod na linggo sa site naging busy na ako. Nag stay ako after office hours to check progress of work at nag start na rin kasi ako sa Tenancy. Hindi ko masyado nagagawa pag may mga trabahador kasi. Buti nalang may mga ilaw na ang ibang portion ng Mall.  At ang gwapong mama, lagi kong nakikitang pasulyap sulyap. Ipinagbilin kasi ako ni Mam Riza kay Engr. Nilo siguro siya ang napag utusan na tumingin tingin sa akin. “Sir David, tapos na work hours ah… nandito pa kayo? Over Time?” bati ko sa kanya, may mga kasama naman siyang workers nag aayos ng mga ilaw… “Kailangan po Mam, kailangan niyo ng ilaw kasi” balik niya sa akin…  “Ay ganun ba, hindi niyo naman po ako kailangan bantayan. Sa may mga ilaw nalang ako mag susukat” sagot ko “Mahirap na din po, baka may mag trip biglang mag brownout” hirit naman niya “Ah OK, Thank you pala kung ganun” ay sweet naman nila… tama naman sila I’m sure super dilim dito pag walang ilaw.  After that first time ko silang makasabay… sila ang naging constant companion ko sa OT para sa Tenancy. Tinutulungan na nila din ako sa pagsukat para daw mabilis at maka uwi kaming lahat ng maaga. Hindi din naman ako na lampas ng 8pm alam kung pagod sila, 7am pa pasok nila tapos OT pa.  He’s such a darling, masarap kausap… pala biro din. Witty kausap at Mr. Congeniality kaya mabilis ko din naman nakapalagayan ng loob. **Days turn to Weeks, Weeks turn to Months… mabilis na lumipas ang mga araw… 3 months na ako sa site and  I consider Mr. Gernale, a friend already. Hindi man close friend at least someone I can talked to aside sa mga kasama ko sa Staffhouse ng hindi tungkol sa trabaho. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD