Bagong Kaibigan
**David
Flashback
Lampas isang taon na ako sa site at I am fully immerse already…
Sinabi ko na din sa sarili ko na tatapusin ko lang ang project na ito at babalik na ako sa school.
Dakilang julalay na ako ni Engr. Nilo, pa meeting man yan or pagawa ng mga report pati pag kausap sa mga tao. Alam kong pinapakita niya lang sa akin ng mga kailangan kong matutunan. At laking pasalamat ko sa kanya hindi siya madamot sa pagtuturo sa akin. Kaya na eexcite ako makatapos sa pagaaral and be an apprentice CEO kay Papa
Two months will pass after dumating sila Engr. Rowel, bali balita ng parating na ang mga Design Officers. Ang matagal ng hinihintay ng mga kolokoy na Engr. namin, ako rin naman excited new face… new adventure di ba.
SMS Message
Engr. Nilo : Good Morning, pabalik palang ako diyan sa site. May meeting daw ang mga Tradecon puntahan mo na muna. Hahabol ako.
Ako (David) : Ok sige po…
Engr. Nilo : Makikinig ka lang naman doon, dumating na kasi ang Design Team baka ipakikilala lang.
Ako (David) : Sige po, No Problem ako na bahala
- Sa dami na ng meeting na napuntahan namin, ano ba naman ang iba dito. At kung dumating na ang Design Team haaahhh makikilala ko na ang Officer nila. Nasabi ni Engr. Rowel, “Maganda daw”
Engr. Nilo : Makinig sa meeting baka naman sa Officer ka nila mag focus.
- Nabasa yata ni Engr. Nilo ang utak ko
Engr. Nilo : Kilala ko yang utak mo…
Ako (David) : Grabe ka naman sa akin… makikinig po ako. Pero maganda kaya talaga, di ba yun ang sabi ni Engr. Rowel
Engr. Nilo : Hoooyyy! kang bata ka, sinasabi ko na nga ba eh. Huwag ka na pumunta kung babae yang nasa utak mo.
Ako (David): Biro lang naman… I’ll attend the meeting and I’ll be as professional as I can.
Engr. Nilo : Hahabol ako… pakabait ka.
Parang si Papa lang, maka sermon.
Maaga nga ang pa meeting ng Design Team, lahat ng PM ng Tradecon andun ako lang hindi PM loko to si Engr. Nilo napasubo yata ako.
Hindi naman maganda si Arch. Alex De Vera… sa unang tingin, pero pag tinitigan mo understatement ang maganda sa kanya. Isa siyang Diwata at binuhay niya ang lahat ng kalamnan ko. Isa isa niya kaming tiningnan sa mata, she’s confidently eyeing us all ng pinakilala siya ng Manager niya.
At lahat ay nakatingin sa kanya ng may paghanga. Bakit ba naman hindi… Filipinang filipina ang kulay, oval shaped face, brown almond shaped eyes with long curly eyelashes, her hair maybe up on a ponytail now but you can see, it’s the perfect black with natural curls at the ends. Pang beauty queen ang datingan… bagay kami.
- Sabi ni Engr. Nilo makinig sa meeting… nag iilusyon ka kaagad ke aga aga.
- Bakit ba ? Eh sa may Diwata… I’m enchanted
“Ipinakikilala ko si Arch. Alex De Vera, she will be the Design Officer assigned to this Project. She will be alone unlike the others na partners ang mga Officers namin. Huwag niyo siyang masyadong pahirapan first project niya ito”
- Paktay kawawa naman siya mag isa lang… sabi nila Engr. Nilo laging partners ang mga Design Officers.
“Excuse me Sir, anong Tradecon ka?” tanong nung Design Manager looking at me…
- S**t! bat napansin niya pa ako
“Ah Mam… pasensya na po, wala pa po kasi sila Engr. Nilo kaya ako nandito sa Gernale po ako.”
- At nag stutter pa ako, bwisit nakakita lang ng Diwata
“Ah OK, pakilala ka… mukhang bago ka din sa Project. Ngayon lang kita nakita.” hirit pa ng DM
“David Andreu Gernale po, Foreman po ako sa Gernale Electrical”
- Kakahiya tuloy hindi naman ako ang PM
Buti na lang dumating din agad si Engr. Nilo. After ng meeting sinama pa ako sa pa Lunch at pinakilala ako kay Mam Riza bilang pamangkin niya.
OK na sana, humabol pa ang isang mayabang. At hindi na naman ako tinantanan sa pasaring.
Sigurado na ako… insecure talaga siya sa kagwapuhan ko.
Pagbalik namin sa site… magkasamang nag yosi sa labas ng opisina sila Mam Riza at Engr. Nilo, close pala talaga sila. Palagi na kasi silang magkasama sa mga Projects. Hindi ko maiwasan marinig ang kwentuhan nila.
Ipinagbilin niya si Arch. Alex kay Engr. Nilo… paki alalayan nalang daw first time nga kasing mag isa ang Officer sa isang project. Tiwala naman daw siya sa kakayahan nito kaya lang first project din lang ito ni Arch. Alex.
Narinig ko rin ang pag aalala niya para kay Arch. Alex dahil kay Engr. Rowel… sa opisina palang daw kasi ay mahalay na ito kung nakatingin. At kilala nga ang mamang mayabang sa pagiging bolero at palikero, baka daw maging target nito si Arch. Alex.
Bigla tuloy akong nag alala din para sa kanya, magkakasama pa naman sila sa staffhouse.
Ewan ko ba… ng makita ko siya kanina I have the urge feeling to protect her. She’s looking at us confidently pero kita ko sa mga mata niya ang kaba. Ganyan din naramdaman ko dati ng unang sabak ko dito sa site.
- This should be interesting, something to look forward to… sa pagpasok sa trabaho. A new Adventure
“Guys, ipinagbilin sa akin ni Mam Riza si Mam Alex ha… kailangan natin siyang alalayan sa mga gagawin niya. Baguhan palang si Mam Alex, kaya malamang mangapa pa siya” balita ni PM sa amin habang kumakain ng hapunan
“At bantayan din siya kay Engr. Rowel… may something daw yang m******s na yan kay Mam Alex. Wala kasing delikadesa kahit katrabaho gustong kalantariin.” habol niya pa
“Baliw talaga yan si Engr. Rowel” reklamo ng isa naming kasamahan
“Hayy sana naman, hindi niya ma biktima si Mam Alex” sabat naman nung isa
“Kaya nga bantayan nalang natin, mukhang matalino naman si Mam Alex at mature na mag isip. Sana hindi siya madala sa mga buladas ng lalaking yun” paalala ni PM
“David, pag mag OT si Mam Alex… siguraduhin niyong may ilaw siya lagi. Sigurado ako mag OOT yan sa dami ng hawak niya. Kung bakit kasi mag isa siya” utos sa akin ni PM
At ganun nga ang nangyari lahat kami sa Gernale nakasunod ang tingin kay Arch. Alex pag nasa loob siya ng site. Buti na lang palagi rin niya kasama sa pag iikot sila Engr. Nestor at Frank. Sabi ni PM harmless daw yang dalawang yan.
Pagkatapos ng ilang linggo, nakita ko si Arch. Alex mag isa sa site. End of the day na ng mga workers at nag lalagay kami ng mga ilaw para sa mga mag OOT. Mag susukat yata siya sa mga Tenants may dala kasi siyang Laser Measure na panukat pati na rin yung mahabang tape measure. Paano niya naman magagawa yun pagsusukat mag isa.
“Sir David, tapos na work hours ah… nandito pa kayo? Over Time?” kausap niya sa akin
“Kailangan po Mam, kailangan niyo ng ilaw kasi” magalang kung sagot
“Ay ganun ba, hindi niyo naman po ako kailangan bantayan. Sa may mga ilaw nalang ako mag susukat” sagot niya
“Mahirap na din po, baka may mag trip biglang mag brownout” balik ko sa kanya…
- Baka pag nagka brown out mahalay pa siya dito sa site marami pa naman m******s dito...
“Ah OK, Thank you pala kung ganun” pasalamat niya sa amin
After niyang magsukat that night, sinabay na namin siya pauwi… nag tricycle lang kami. Nakauwi na rin kasi sila PM. Same Village lang kasi ang mga Staffhouse namin.
That first time was just a start… thrice a week siyang nag OOT para sa pagsusukat. Masaya siyang kasama, may sense kausap… she’s my kind of girl someone who speaks her mind.
I knew then that we’re gonna be friends…
Days turn to Weeks, Weeks turn to Months… mabilis na lumipas ang mga araw. And we did become friends. Habang nakikilala ko siya lalo ko pa siya nagustuhan. Hindi siya maarte napaka cowboy… at mabait kahit na sa mga workers. Hindi siya mapangmata lahat pantay pantay lang sa kanya bilang tao.
At magaling sa trabaho ha, hindi mo maisahan yung mga palusot ng mga Fit Out Contractor walang lusot sa kanya. Hindi naman siya nagagalit siya pa nag ooffer ng solution or paraan para maayos ang anumang gusot. Kaya swerte sa kanya ang Interior Fit Out Contractor, magaling na maayos pang kausap. Hindi katulad sa aming Electrical, ikaw lagi gagawa ng paraan... buti na lang henyo ako.
Hindi pa rin naman siya nasama sa akin mag isa. Lagi namin kasama yung utility namin. Hindi naman kami awkward sa isa't isa, pero ayoko naman ma tsismis siya.
One day of her second month in the Project, she asked kung saan daw nagsisimba dito. I told her where and it turns out that weekend hindi siya uuwi ng Metro, nag OT siya ng Saturday morning. She may have researched already as we saw her in the anticipated mass that afternoon. Ganun din kasi kami nag chu-church para pag Sunday I’ll can go on a road trip. Nilapitan namin siya ni Bert, siya yung utility namin after ng mass. Sama sama kami nag dinner.
And that became a routine for us, whenever she’ll be on site on the weekends. We would go to church together, after that first time we saw her. That brought us closer. Nakakapag usap kami ng mga bagay bagay na hindi tungkol sa trabaho.
Months after, alam ko ng galing siya sa probinsiya ng Sili at Pili Nuts at ako pinanindigan kung pamangkin ako ni Engr. Nilo. Nalaman ko rin na this is her first job in the Metro and just like me first project na rin itong ginagawa namin. And those conversations we've shared really got into me, she’s a wonderful, witty, beautiful, kind hearted woman.
She's girlfriend material I can see that… I haven't had the guts to court her kasi lagi niya ako binabara. Pag pasweet ako… babanatan niya ako ng “Huwag ganun Gernale baka ma inlove ako sayo, lagot ako sa mga Boss ko”. Kaya I end up keeping to myself lahat ng paghanga ko sa kanya, dinaan ko lahat sa biro ang mga pasaring ko.
And after months of being friends… ganito na kami mag usap….
SMS Message
Ako (David) : Hi Arch. ano gagawa mo? I miss you already
- Kakauwi lang namin niyan… sarap kasi asarin
Alex : Matutulog na po, na miss mo mukha mo… kakahiwalay lang natin
Ako (David) : Eh sa na miss kita.
Alex : Ewan ko sayo… antok lang yan matulog kana maaga ka pa bukas.
Ako (David) : Hindi ako makatulog…
Ako (David) : Kakaisip sayo (with smiley emoticon)
Alex : Haaayyy nako… matutulog na ako. Huwag na ng mang bwisit..
Ako (David) : Eto naman, huwag ka na magalit… Tara na tulog na tayo. Embrace mo na ako…
Alex : Bwisit ka (with angry emoticon)
Ako (David) : Huwag ka na magalit… sige ka, papangit ka niyan. Smile ka na.
Ako (David) : Tulog na tayo… ako nalang mag embrace sayo
Hindi na siya sumagot… na asar na naman. Isang masayang ngiti at puppy eyes ko lang naman OK na ulit siya. Ewan ko ba hindi ko maiwasan mag pa cute sa Diwata. She’s so cute when pissed.
~~~~~~~~~~
Months after, I gathered all my courage to ask Mam Riza if I could formally court her. Para bang siya kasi ang Nanay nito sa site at respeto na rin. Kahit naman kasi pareho na kami nasa edad at wala namang batas na bawal mag ligawan sa trabaho eh, mabuti ng sa pormal na paraan ko idaan ang panliligaw ko. She deserves that.
“Mam Riza, Pwede po ba kitang makausap?” alam ko namang napapansin na niya ang pagiging close namin ni Alex. At malamang sinumbong na rin ako ni Engr. Nilo sa paghatid hatid ko sa kanya at pambabakod ko kay Alex.
“Nilo kakausapin daw ako nitong pamangkin mo? sumbong niya kay PM… nasa opisina namin kasi siya. Lumapit pa tuloy si PM.
“Eh, Ano po kasi… Pwede... ko po bang ligawan si Arch. Alex.” sabay ngiti sa kanila ni PM
“Ha!? Hindi mo pa ba girlfriend yung batang yun?” sagot niya sa akin
“Hindi pa po eh, ayaw po ako sagutin kasi baka daw mapatalsik siya sa trabaho.” sagot ko
“Wala naman yatang rules na ganun, basta hindi naman naapektuhan ang trabaho niya. Wala ng pakialam ang opisina sa personal niyang buhay” balik niya sa akin…
“Pero ikaw Bata ka, siguraduhin mo lang wala kang balak na masama kay Alex.” sabat ni PM
“Tsaka close naman na kayo ah… bakit kailangan mo pa manligaw?” hirit niya pa
“PM, syempre naman… dapat sa mga kagaya niya nililigawan. Hindi pwedeng kayo nalang basta.” sagot ko sa kanila… seryoso ako. She needs to be courted formally.
“Ayan, buti yang pamangkin mo marunong… Walang problema sa akin yang sinasabi mo David. Ang akin lang huwag kayong papasok sa relasyon kung hindi kayo sigurado. And please take care of her… hindi siya pang one night stand na babae. Alam mo naman na siguro yun” pangaral niya sa akin.
“Thank you Mam sa blessing… Don’t worry po, I only have good intentions for Arch. Alex.” mahal ko kaya yung babaeng yun… Hindi ko man aminin sa sarili ko hulog na ako sa kanya.
And court her I did… kahit na masama ang tingin sa akin ni Engr. Rowel, nagpupunta pa rin ako sa staffhouse nila. At kahit na ayaw niyang nanliligaw ako nung una… I was persistent in the end sineryoso na rin niya.
Hatid sundo ko siya… pinagamit pa sa akin ni PM ang sasakyan niya. Ayaw niya kasing isakay ko si Arch. sa motor ko. Araw araw may bulaklak siya sa akin… pa roses man yan or gumamela or santan or bougainvillea or cosmos or yung white angel flower na paborito niya. Minsan hinihingi ko lang yan sa mga kapitbahay namin dito sa village. Ayaw na ayaw niyang bumibili ako ng mamahaling bulaklak, pero once in a while nagpapasikat naman ako with bouquet of juliet roses or stargazers… may pa tulips pa. Nagpapabili pa ako niyan sa Metro or sa Farm namin sa Quezon.
When I officially courted her, alam na namin pareho, that our feelings towards each other are mutual. Pareho namin gusto ang isa’t isa… nakikita yun sa mga tinginan palang namin, sa pag aasikaso, sa paghahanap pag wala ang isa, sa pambabakod ko sa kanya at pagseselos naman niya kung may mga malalanding lumalapit sa akin.
I know I’m totally whipped…
After a months of officially courting her…
“Ano na ba tayo Andreu?” out of the blue niyang tanong after namin magsimba… at patapos na rin kaming kumain… napa isip din naman ako. Wala man kasing label ang relasyon namin.
“Bakit? Sinasagot mo na ba ako?” biro kung tanong sa kanya
“Ang Tanong? May tanong ka ba na dapat sagutin” asar niya sa akin
Hindi na muna ako sumagot… pero tumatakbo isip ko. Tahimik nalang naming tinapos ang pagkain. After namin mag dinner, tahimik pa rin ako.
I drove us near the seashore… nagtataka lang niya akong tinitigan, first time ko kasi siyang dinala dito. Laging after simba uwi na kami or sa park sa Village namin. Ipinag siklop ko mga kamay namin at naglakad palapit sa dagat… Tahimik lang kaming naka tanaw sa madilim ng dagat.
“Eheeem… Heto na tanong ko na dapat mong sagutin?” bulong ko sa kanya… habang nakatayo sa likod niya…
“Alexandra De Vera… You already know I Love You, Would you be officially my girlfriend please?” bulong ko ulit… sabay yakap sa kanya galing sa likod, hindi naman siya pumalag and sinandal niya ang sarili sa akin…
“Is that enough answer to your question… David Andreu Gernale?” sagot niya sa akin
“Would you tell me please” saka ko siya inikot paharap sa akin… hinawakan ko mga pisngi niya ng dalawa kung kamay. I’m so tempted to kiss her senselessly but I know this is all new to her… everything with me is her first time.
“Hayyy ang cheesy mo, Oo na I love you too… and I’ll be very happy to be officially your girlfriend” hearing those words from her is like a heaven to my ears. S**t!? Girlfriend ko na siya.
I peck her on the lips, nanlaki mata niya… kaya niyakap ko siya, hindi naman nagalit niyakap niya rin naman ako…
“Oh my God… Girlfriend na nga kita” bulong ko
“Parang ayaw mo yata eh, bawiin ko nalang” sagot niya… sabay tawa sa pag ka tulala ko
“Excuse me, ano to sagot at break on the same day. No can do… I will never let you go” sabay yakap ulit sa kanya…
“I love you Alexandra De Vera, I love you, I love you,” sigaw ko sa dagat
Tawa siya ng tawa tinatakpan ang bunganga ko…
This is Our Love Story