Hindi nakasagot si Leia. Wala naman talaga siyang pupuntahan sa labas. Maglalakad-lakad siya dahil gusto niyang makita si Ross at tanawin tuwing dadaan ang lalaki sa tapat niya. Paikot-ikot lang naman kasi ang bisikleta sa kalye nila. "S-Sa ano...sa bakeshop. Bibili ng pandesal." Nasa labasan pa ng subdibisyon ang bakeshop, ilang hakbang bago ang main road ng siyudad. "Maglalakad ka lang? Ang layo pa ng bakeshop." "Walking exercise." "Bukas ka na lang mag-walking exercise. Ibibili na lang kita." "Ha?" Hindi makapaniwala si Leia. Nakikipag-usap talaga sa kanya ang Bad boy? Sa pagkakatanda niya ay papansinin lang siya ng lalaki kapag gagawan siya ng kalokohan o kaya ay makikipag-argumento. Kinapa ni Leia ang bulsa—napangiwi siya, wala siyang pera! Paano siya bibili kung wala siyang per

