Dear Diary, Pandesal and raindrops. Hobby ni Bad master ang mag-bike. 'Don't know why I love watching him moved with the bicycle. Natutuwa akong panoorin siyang paulit-ulit na dumadaan sa tapat ng bahay. Paikot-ikot lang naman kasi siya sa kalye. Hindi ko siya crush pero gusto ko siyang pinapanood na nagba-bike. Hindi ko sure kung pang model ang katawan niya. Hindi ko pa natitigan. Hindi ako marunong mag-bike kaya nag-eenjoy akong tingnan kung gaano siya kagaling. Nag-"hi" si Bad master pagdaaan niya sa tabi ko. Nagulat ako. Kamuntik ko nang mabitawan ang hose. Nagdidilig ako ng mga halaman. Wow. Nag-eexist na ako sa paningin niya? Hmn. Hindi kaya may niluluto na namang prank or may guilt feeling pa na nilagnat ako dahil sa kanya? 'Gusto mong umangkas?' ang tanong ni Bad master na sobr

