Dear Diary, Shower. May lagnat ako ngayong gabi. Hindi ako nakapasok sa School kaya nagpunta si Nanay para kausapin ang Class adviser namin. Kasalanan ni Sir Pangit. Nag-asaran na naman kami kahapon. Napikon siguro, bigla na lang akong hinila sa loob ng banyo, itinapat niya ako sa malakas na buhos ng shower! Ang sama 'di ba? Pero hindi naman niya alam na masama na ang pakiramdam ko nang araw na iyon. Nilagnat ako. Sa unang pagkakataon, napagalitan ni Nanay si Sir Pangit. Inaasahan kong sasagot-sagutin ni Sir Pangit si Nanay, mali ako. Hindi umimik ang loko. Hindi sumagot nang kahit isang salita. Tinanggap niya lahat ang mga sinabi ni Nanay. Pagkaalis ni Nanay para pumunta sa eskuwelahan, nagulat ako sa biglang pagpasok ni Sir Pangit sa silid ko. Masama ang pakiramdam ko, hindi ko kayang

