Napatingin si Leia sa pinto nang biglang bumukas iyon. Napalunok siya nang makitang madilim ang anyo ni Ross. Mukhang galit ang lalaki. "What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong ni Ross, hinagis sa isang sulok ang bitbit na Gym bag. "Hindi ko gusto ang ibang tao sa kuwarto ko," malamig na dugtong ng lalaki. Sa mga ganoong pagkakataon na bad mood ang 'master' ay gusto ni Leia na mangilag pero dahil trabaho niyang maging alalay ni Ross—ang nanay niya ang talagang yaya ng lalaki, sa school naman ay siya at sa bahay ngayon, nagboluntaryo siyang maglinis sa silid ng lalaki para mabawasan ang trabaho ng nanay niya na nag-aasikaso ng lahat sa malaking bahay na iyon na bago nilang tahanan—kaya siya ang napasukan ni Ross sa halip na ang kanyang ina. "Tatapusin ko na lang 'to, Sir, m

