Handa ka na ba? Hindi. Kaya mo bang balikan ang lahat? Hindi ko alam. Bakit takot na takot ka? Bubuhayin ng Diary ang lahat ng alaala. Kaya pilit mong isinasara ang puso mo? Kailangan kong gawin. Bakit? Lalaya ang katotohanan. Ano'ng katotohanan? ............ Tanggapin mo na, na sa mundo mong puno ng pagpapanggap, iisa lang ang totoo. Ang bulong ng puso mo, Leia! Wala na si Leia! Ako si Maria... Aminin mong iyon ang totoo! ........ Aminin mo! ....Oo! Siya pa rin. Siya lang... MARIIN akong pumikit kasabay nang paghigpit ng kamay ko sa pabalat ng Diary ni Meah. Halos isang oras na akong naroon sa desk ko, kaharap ang nakabukas na laptop, ang notebook at sign pen. Hawak ko ang Diary ni Meah na sa loob ng mga araw na nasa pag-iingat ko ay unang pahina pa lang ang kinaya kong

