Bakit hindi kana matahimik ngayon? Mas dumarami ang hindi ko maintindihan O ayaw mo lang buksan ang mata mo sa katotohanan? Ano nga ba ang totoo? Na hindi talaga siya ang nagbago. Ako ang nagbago? Hindi ba? Siya ang may gusto ng pagbabago. Na nagawa niya nang tama? Nang-iwan siya! Ikaw ang umalis. Hinayaan niya ako... Oo, hinayaan ka niyang mag-isa. Hindi ko gustong mag-isa nang mga panahong iyon. Ano'ng nagawa sa 'yo ng espasyong iniwan niya? Natuto akong talikuran ka. At ng kalayaang ibinigay niya nang hindi mo hiningi? Nakilala ko si Maria. CALL alert ng cellphone ang gumising sa akin. Inaantok pang nag-angat ako ng ulo, ang laptop at diary agad ang nakita ko sa side table—ang trabahong iniwan ko nang nagdaang gabi. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.

