Nalilito ka na ngayon? Hindi ko maintindihan. O hindi mo gustong intindihin? Apat na taong hindi ko siya nagawang abutin. O ikaw ang lumayo? Hindi ko na alam kung alin sa dalawa. Bakit naguguluhan ka ngayon? Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko. Nararamdamang ano? Na ako ang bumitaw. Na hindi talaga siya nawala sa akin. LAMPAS hatinggabi na nang dumating si B. Naka-set na ang isip ko na tapusin ang huling trabaho ko bago mag-umaga. Pumasok si B gamit ang susi niya sa bahay ni late Lolo Jose. Tumingin lang ako sa pinto nang marinig ko ang warning knock. Hindi niya ako inabutang nakasalampak ng upo sa sahig sa sala kaya inaasahan ko nang tutuloy siya sa kuwarto ko. Bumukas ang pinto. "Hey." "Hey, B." tugon ko na hindi man lang tumingin sa pinto. "Busy?" "Lagi naman. Nag

