16th BIRTHDAY. Dear Diary, Si Sir Pangit at mga Cute na Daga. ANG tinutukoy ni Meah na mga 'daga' sa diary ay maliliit na laruang daga, na ibinigay na regalo ni Sir Pangit na pangunahing tauhan sa diary ng babae. Binasa ba ni B ang Diary ni Meah bago ipinasa sa akin? Bakit pakiramdam ko ay sinadya niya ang lahat? Gustuhin ko man na pigilan ang pamumuo ng luha ay hindi ko nagawa. Tandang-tanda ko ang araw na iyon. Birthday ko... 16th BIRTHDAY, 2009 MGA katok sa pinto ang gumising sa naidlip na diwa ni Leia. Ang bagong alarm clock agad na nasa mesita ang hinanap ng mga mata niya. 8: 35 Pumasok siya sa silid na tapos na ang mga naiwan nilang gawain ng nanay niya. Lumabas kasi sila, nilibre niya sa isang fastfood restaurant ang ina na panay ang pagtutol dahil gastos lang daw ang naii

