“Naku Dorothea, sinasabi ko sa`yo! lumaban ka at hindi iyong ganyan na hinahayaan mo lang ang sarili mo na mag isip ng kung anu-ano.” Nakangiwing inilayo ni Dorothea ang cellphone sa kaliwang tenga niya habang naririnig ang walang tigil na panenermun ni Selly. Hindi na siya nito tinigilan nang mabanggit niya na naamoy niya ang amoy ng pabangong pambabae sa damit ni Miguel. May hinala ang pinsan niya na baka may ibang babae daw ang binata. Nasaktan man ay hindi niya magawang magalit at pagdudahan ito ng tuluyan. Kailangan niyang alamin mula sa lalaki kung may iba pa ba ito maliban sa kaniya. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko `eh. Mahirap talaga kapag wala kayong label dahil hindi mo magagawang magalit kapag nalaman mong may iba siya. Baka ipamukha pa niya sa`yo na wala siyang karapatan.”

