Kanina pa palakad lakad si Dorothea sa labas ng kwarto ng boss niyang si Miguel. Kung siya lang siguro ang masusunod ay baka kanina pa siya umalis dahil mukhang wala naman balak gumising ng maaga ang amo niya.
Linggo ngayon at dapat sana ay day off niya kaya lang ay hindi naman niya pwedeng hayaan na mag isang umalis ng mansiyon ang binata dahil baka mag alala ang ina nito na si Donya Leticia. Kaya kahit paulanan pa siya ng sermon at singhalan ng bonggang bongga ay kailangan niyang samahan sa pagdya-jogging ang masungit na amo.
Inunat niya ang mga kamay at ginaya ang stunts ni Manny Pacquiao. Isinuntok niya sa ere ang mga kamao habang bahagya siyang tumatalon. Kanina pa siya nakahanda sa pagtakbo at suot na nga niya ang black jogging pants at maluwag na t-shirt na paborito niyang outfit kapag magdya-jogging siya. Tinernuhan niya iyon ng rubber shoes na medyo malaki sa paa niya.
Pinaglumaan iyon ng kuya Itong niya –ang pinakapanganay niyang kapatid—at nanghinayang naman siyang itapon kaya siya na ang gumamit.
Sa unang tingin ay iisipin siguro ng lahat na isa talaga siyang tunay na lalaki dahil sa porma niya. Hindi kasi kalakihan ang dibdib niya at nagagawa niya iyon maitago sa maluwag na t-shirt na madalas niyang porma. Kahit ang balingkinitan na kurba ng katawan niya ay hindi agad mahahalata dahil nakasanayan na niyang magsuot ng malalaking damit at pantalon.
Lahat ng mga pinaglumaang damit ng pitong kuya niya ay siya na ang sumasalo. Ang lampas hanggang balikat na buhok niya ay palaging natatakpan ng baseball cap na paborito niyang isuot.
Palaging sinasabi ng mga kapatid niya na mukha siyang binatilyo dahil sa porma niya. Pero wala naman problema iyon sa kaniya dahil kahit payat pa siya ay kaya niyang magpatumba ng kalaban.
Dating boksingero ang kaniyang ama at naipasa nito sa mga anak ang lahat ng nalalaman nito sa boxing. Hindi naman niya pinangarap maging boxer kaya mas pinili niyang gamitin ang mga natutunan niya para maipagtanggol ang sarili.
“Aw!” napaigik siya nang aksidenteng masuntok niya ang pader.
Mahinang napamura siya at nagpasiya na itigil na ang ginagawa. Alas singko y medya na ng umaga at hindi pa rin gumigising ang amo niya. Sayang naman ang maagang pagpunta niya sa mansiyon ng mga Mondemar kung hindi matutuloy ang pag alis nila. Kapag ganoon ay kailangan na niyang gisingin ng maaga si Miguel.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya nagawang kumatok sa pinto ng silid ni Miguel. Pero sa limang beses na pagkatok niya ay wala man lang siyang narinig na kahit mahinang kaluskos mula sa loob. Napangisi siya nang pihitin ang doorknob at biglang bumukas iyon. Sa sobrang kalasingan siguro ng binata ay hindi na nito nagawa pang ilock ang pinto kagabi.
“Hello! Yohoo! Tao po? Boss, gising ka na ba?” inilibot niya ang mga mata sa malaking silid bago natuon ang atensiyon niya sa malaking kama kung saan kontentong nakahiga si Miguel.
Nakadapa ito sa kama at nababalutan ng makapal na comforter ang kalahati ng katawan. Marahas na napabuntong hininga siya nang tumambad sa kaniya ang malapad na likod nito. Hindi niya alam kung bakit parang bigla ay mayroong kumiliti sa sikmura niya nang makita ang amo sa ganoong tagpo.
Sa sahig ay nagkalat pa ang polo shirt at black pants na hinubad ng lalaki. Natatandaan niya na kagabi ay iniwan niya si Miguel sa hotel kasama ang isang magandang babae. Umalis na rin siya agad dahil sigurado naman siya na magpapasundo ito sa family driver. Ganoon naman kasi palagi ang setup nilang mag amo. Assistant at bodyguard siya nito pero kapag may ‘monkey business’ ito ay hindi na siya nito pinapayagan pa na bumuntot dito. Natatakot siguro ito na isumbong niya sa mommy nito ang mga ginagawa nito.
Takot ko lang, ha!
Napaismid siya bigla. Kung tutuusin ay hindi naman siya talaga natatakot kay Miguel. Malakas ang loob niyang kontrahin ito madalas dahil nga ang ina naman nito ang kausap niya. Mahigit isang taon na rin siya sa trabaho at masasabi naman niya na kontento siya at madalas na napagtitiisan niya ang masungit na amo.
Kahit naman kasi may sumpong ito ay hindi ito kuripot sa mga tauhan nito. Karamihan pa nga sa mga pinaglumaan nitong damit ay siya ang sumasalo.
“Boss gising na po,” mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para gisingin si Miguel. Alam niyang hindi ito madaling magising kaya kailangan niya pang yugyugin ang balikat nito.
“Wa epek? Buhay pa ba 'to?” nakakunot noong pinagmasdan niya ang binata. Nakabaling sa bandang kaliwa ang mukha nito kaya hindi niya makita kung nakabukas na ba ang mga mata nito.
Nang marinig ang malakas na pagtilaok ng mga manok na alaga ni Don Federico ay nataranta na siya. Kailangan na niyang gisingin ang amo bago pa man tuluyang sumikat ang araw. Siguradong mapapagalitan na naman siya nito kapag nahuli ito sa morning routine nito.
Dahil nagmamadali na siya ay hindi na siya nakapag isip pa ng maayos. Basta na lang niya hinila ng malakas ang makapal na comforter para lang magising si Miguel.
“Good morning—syeeeeet!” nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakahuma ng biglang kumilos ito paharap at bumungad sa kaniya ang nagmamalaking p*********i nito na handa rin yatang bumati sa kaniya ng ‘good morning’.
Nasapo niya ang nag iinit na mga pisngi dahil sa labis na pagkabigla. Kulang na lang ay mawalan na siya ng malay habang hindi maalis alis ang pagtitig niya sa bagay na iyon.
Anak ng… syeeeeet! My virgin eyes! Nooooo! Kahit nga katawan ng ibang babae ay hindi pa ako nakakakita sa buong buhay ko. Bakit lord? Why?
“What the—”
“Ay kabayo!” napatalon siya sa pagkagulat ng biglang bumalikwas ng bangon si Miguel.
“Anong ginagawa mo dito?” gulat na gulat na tanong nito sa kaniya.
Nakita niya ang paglaki ng mga mata nito bago nito biglang inabot ang isang malaking unan at itinakip sa pribadong parte ng katawan nito. Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila ng bigla siya nitong pinaningkitan ng mga mata.
“Sinisilipan mo ba ako?”
“H-hala naman, hala hindi, grabe siya, hindi talaga. Nag good morning lang ako sa'yo, malay ko ba na 'yan ang sasagot.”
Patay! Natapik niya ang noo ng biglang madulas ang dila niya.
“So, nakita mo?” nakataas ang isang sulok ng mga labi na tanong ni Miguel sa kaniya.
Todo paypay ang mga palad niya sa mukha niya na para bang ikinulong siya sa impyerno at init na init siya. Baka nga pwede na siyang bumuga ng apoy dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya ngayon.
“Wala akong nakita!” mariing pagtanggi niya.
Huwag naman sana siyang tamaan ng kidlat dahil sa pagsisinungaling niya. Napalunok siya at dahan dahang umatras ang mga paa nang hilahin ni Miguel ang comforter na nasa may paanan nito saka iyon ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Tumingin siya sa kisame para lang mapagtakpan ang pagkailang at kaba niya. Medyo matagal na silang magkasama ng boss niya at sanay na siyang nakikita itong topless dahil madalas na kasama siya nito sa mga workouts nito. Pero kailanman ay hindi pa siya lumampas sa mas higit pa doon.
Nang tumayo ang binata ay hawak na nito ng mahigpit ang dulo ng comforter na para bang natatakot itong mahubaran sa mismong harapan niya. Bigla siyang natulala ng hindi sinasadya ay mapasulyap siya sa naka exposed na balikat at dibdib ni Miguel.
Pakshet!
Ang alam niya sa sarili niya ay lesbian siya. Iyon ang pinaniniwalaan niya dahil nga lumaki siya sa poder ng ama at mga kuya niya. Maaga siyang naulila sa ina kaya kahit kailan ay hindi niya naramdaman kung paano maging isang ganap na babae.
Pero bakit kahit palagi niyang sinasabi sa sarili niya na sanay na siyang makita ang katawan ni Miguel ay parang big deal pa rin iyon sa kaniya? Nararamdaman pa rin niya na parang may higanteng mga paruparo ang nagliliparan sa loob ng sikmura niya. Para pa rin siyang kinukuryente sa simpleng pagtatama lang ng mga mata nila.
“So, nakita mo nga?
“Ha?” mabagal na lumunok siya at nag angat ng ulo para salubungin ng tingin ang amo niya. Natigilan siya nang makita ang kakaibang ngisi sa manipis na mga labi nito.
“Siguro naman ngayon ay alam mo na na mas masarap pa rin talaga ang—” nagbaba ito ng tingin sa pagitan ng mga hita nito bago siya nito iniwang nakatulala.
Naikurap niya ang mga mata para lang maiproseso ang mga sinabi ni Miguel.
Masarap ang alin? Bakit?
Nang maintindihan ang gusto nitong sabihin ay tuluyan na siyang nawindang. Natutop niya ang kaliwang dibdib at halos bumuga na ng apoy ang ilong niya sa inis nang lingunin niya ang direksiyon kung nasaan ang binata. Sakto naman na nagawa na nitong maisara ang pinto ng banyo kaya hindi na niya nagawa pang magprotesta.
Nakakainis! Grrrrrr!