(The deal) KITANG-KITA NI GARETE ang paghihirap ni Alejandro habang kini-kwento nito ang tungkol sa kanyang ina at kung paano siya nito hinanap sa kabila ng pagiging abala sa trabaho. Tumalikod siya upang pahirin ang luhang tumakip sa kanyang mga mata. Wala kasing preno ang pagbuhos niyon habang nakikinig siya sa pinagdaanan ni Alejandro. Masakit din pa lang masaksihan na umiiyak ang sariling magulang dahil sa sinapit ng isang pamilyang hindi nito ginusto. “Garette, hindi ko gustong makita na ganito ako pero ano ang magagawa ko? Hindi ko makalimutan ang ina mo dahil wala akong nagawa na kahit anuman para sa kanya bago siya mawala sa mundo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngunit inisip kita araw-araw. Ikaw ang naging dahilan ko upang ipagpatuloy

