Galit kong ibinato ang mga larawan sa mahabang conference table sa harapan ko. Nakaupo sa paligid niyon ang pamilyang Vladimier. Naroon sina Azyra, Jayson, Mikaela, Jessica, pati na rin ang mga magulang nila. Kumuha ang bawat isa sa kanila ng larawan at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nila bukod kina Azyra, Jurace, at Miguel Vladimier. "This can't be true!" nanggagalaiting hayag ni Mikaela. "Kakakasal pa lang ninyo, Ivan. At imposibleng makakilala agad siya ng ibang lalaki at sasamahan pa niya ito dahil sa ospital at bahay nyo lang naman siya nananatili, hindi ba?" "Wait, is this Jared?" tanong ni Jessica. "What?!" gulat na tanong ni Mikaela. "It is Jared! That damn gago!" pagmumura naman ni Jay-jay. "Are you saying na sumama si Julian sa ex niyang hindi niya maaala?"

