Halos wala nang gustong sumalubong sa akin habang naglalakad ako papasok ng hospital building. If my eyes could just kill, baka nagsipagtumbahan na lahat ng taong nadadapuan ng paningin ko. "Where's Rafa?" agad kong tanong sa mga naabutan kong tauhan sa hallway. Hindi pa rin nakababalik doon ang dalawang inutusan kong habulin si Julian. "She's inside, Sir. Kalalabas lang ng nurse na nag-check sa kanya." Kumuyom ang mga kamao ko. For two fúcking days, she faked her condition. Kunwari ay na-trigger ng pagkawala ni Julian ang panic niya pero ang totoo, magpapanggap lang siya para hindi siya paghinalaan. "Don't let anyone enter her room no matter the noise she makes," bilin ko sa mga tauhan ko na agad nagsipagtanguan sa akin. Walang katok na Basta na lang akong pumasok sa loob. Nadatna

