Kahit na halos madaling-araw na nang makatulog ako ay maaga pa rin akong nagising. Tulog pa si Julian kaya dahan-dahan lang akong humalik sa pisngi niya at saka buong ingat na umalis sa kama. Dumiretso ako sa banyo at nag-shower. Nang makapagbihis na ako ay walang ingay akong bumalik sa kuwarto upang muling tignan si Julian. Mula nang magising ako kanina, parang laging may bumubulong sa isipan ko na huwag ko siyang iwan. Na kahit naririto kaming pareho sa loob ng pamamahay ko ay maari pa ring may kumuha sa kanyang iba. What happened last night really put me on the edge. I easily panic now kung hindi ko siya nakikita. I will admit that his kidnapping really put a trauma in me. At habang pinagmamasdan ko siyang tahimik pa ring natutulog, muli akong nangako na hinding-hindi na mauulit ang bag

