Chapter 25

1734 Words
Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. It was Cymon. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong papalapit na sa akin ang pinsan ko. Naglakad ako papalapit sa kanya. "Hey," bati ko. "Buti at bumaba ka na. Tara na sa resto. Naroon pa ang iba." "Sorry. Have they finished eating already?" tanong ko sa pinsan ko habang naglalakad na kami. "Oo, nagmemeryenda na nga yata sila." Natawa ako sa sinabi niya. Then I frowned. Buti pa siya ay nakaligo at nakapagpalit na ng damit niya. "Bakit hindi ka pa naligo sa kuwarto mo? Wala ba silang inilagay na bihisan mo roon?" nagtatakang tanong niya. "There is. Pero I was thinking that your teacher might spend a lot if I'm going to use it," pagrarason ko sa kanya. "Nonsense. Pagkatapos kumain ng breakfast, bumalik ka sa room mo at maligo. Gamitin mo yung mga inilagay roon then pwede na tayong mag-check out. Minsan lang manlibre si Sir kaya samantalahin na natin." "Okay, sige." "Kamusta ang experience mo kay Mr. Emperador?" nakangising tanong niya. Kumunot ang noo ko. Who is Mr. Emperador? Was anyone with me last night? Siya ba yung naamoy ko sa katawan ko kanina? Before my mind could go any dirtier, Cymon already explained. "Iyong ininom natin kagabi?" "Ooh! Woke up with a hangover," natatawa kong sabi sa kanya. "My head still hurts a little." "Mawawala yan mamaya kapag natikman mo yung mga pagkain dito na pinahanda ni Sir para sa stin. I cannot believe na masasarap pala ang pagkain nila rito," nagbibidang sabi niya. "Really?" "Oo. Parang gusto ko pang mag-overnight dito, eh, tutal Sunday naman bukas. What do you think, Julian?" "Sige, kung gusto mo." "Nice. Oh, there they are." Itinuro niya ang isang malaking mesa kung saan nakapuwesto na Sina Lucas, Arvin, Danica, at Pauline. At gaya ng sinabi ni Cymon, they're now eating Banana Splits. And just like what the said, the food itself looks delectable. "Good morning, Kuya Julian!" malakas na sigaw ni Pauline kaya napalingon tuloy sa kanila iyong ibang kumakain sa restaurant. Inilagay ko Naman Ang daliri ko sa natatakpang mga labi ko indicating for her to be quiet. Natatawa namang tinakpan niya ang bibig niya. Nang makaupo na kami, sumenyas si Cymon sa isang waiter na nakakaintindi namang tumango. Ilang sandali pa ay inilalagay na sa harapan ko ang isang plato na puno ng masasarap na pagkain. "Woah! Bakit mas masasarap yung nasa plato ni Kuya Julian?" pagrereklamo ni Arvin. "Well, baka naman hindi pa luto iyong iba dyan kanina noong kumain tayo. Yung iba naman ay inihain din sa atin," sabi naman ni Lucas. "Kunsabagay. Baka nga," sagot ni Arvin. "Kumain ka na, Julian," bulong sa akin ni Cymon. I nodded at him, removed my mask, and started to eat. While they're busy chatting and I am busy eating, it felt like someone was looking at me. Kaya naman hindi mo mapigilang igala ang mga mata ko. May nakita akong mga babae na pasulyap-sulyap sa akin at pagkatapos ay magbubulungan sila. I just knew it that they were talking about me. I wonder why. Hindi naman malalaki ang pagsubo ko. Or probably I look pretty bad dahil Hindi pa nga pala Ako nakakaligo. Nang muli kong igala ang mga mata ko, nakita ko yung mga kasabayan ko sa elevator kanina. Hindi naman sila nakatingin sa akin. They're both busy with their food. Hindi naman siguro ako ang ipinunta nila rito, di ba? Baka talagang kakain din sila ng breakfast at coincidental lang na nagkasabay kami sa elevator kanina. "So, stay pa ba tayo rito or uuwi na pagkatapos kumain ni Julian?" tanong ni Cymon sa mga kaibigan. "Sabi ni Sir kagabi pwede pa tayong mag-stay dito ng isa pang gabi, di ba? Sabi niya, two days and two nights. So pwedeng bukas na tayo umuwi," Danica suggested. "Oo nga. Ngayon lang ako makakatulog ng dalawang gabi sa ganitong kasosyal na hotel so please? Isang gabi pa tayo," nakikiusap Namang sabi ni Pauline. "Oo, next weekend na lang tayo mag-Elyu. Dito muna tayo," Sabi rin ni Lucas. "Payag ako," sabi naman ni Arvin. "Couz?" baling sa akin ni Cymon. "Yeah, another night won't do us any harm anyway." Napangiti silang lahat sa pagpayag ko. "Disco ulit?" nangingislap ang mga matang tanong ni Lucas. "I'll pass," kaagad kong sagot. Ayoko nang makipagkita kay Mr. Emperador. For sure, kapag nalaman ng teacher nila na pupunta ulit kami doon mamaya, paiinumin na naman niya kami. Nagkatawanan sila nang marinig ang sinasabi ko. "Sige, tignan na lang natin mamaya," sagot ni Cymon sa kaibigan. “Anyway, where’s your teacher? I'd like to thank him for our free accommodations,” tanong ko sa pinsan ko. “Ahh, umalis siya, eh. Kailangan daw niyang pumasok kasi may afternoon class siya,” pagbabalita niya sa akin. “Papasok pa siya? Hindi ba at lasing na lasing din siya kagabi?” Natawa si Cymon sa tanong ko. “Sanay iyon sa alak, Julian. Actually , maraming students dito ang pumapasok pa rin kinabukasan kahit nag-bar sila the night before. No need to worry. Nag-thank you na kami para sa atng lahat kanina.” “Okay,” saad ko at ipinagpatuloy na ang pagkain ko. Gaya ng napag-usapan, pagkatapos ng almusal ay bumalik ako sa suite ko. At dahil hindi na masyadong masakit ang ulo ko at nakakain na ako, mas aktibo ngayon ang senses ko. Malinis na ang kuwarto nang makabalik ako. Napalitan na ang bedsheet pati na ang punda ng mga unan. Napakunot-noo ako nang may nasulyapan ako sa bedside table. Lumapit ako roon at kinuha ang bagay na iyon. They were tablets for headaches. Napakunot-noo ako. This hotel is way too accommodating. How did they know that I have a hangover? Something is telling me that there's really something wrong as events unfold one after the other. Iyong nakikipagsayaw sa akin na biglang nawala, iyong mga hotel staff kagabi na umalalay sa amin ni Cymon papunta sa mga kuwarto namin, itong suite ko, the new clothes, the food, at ngayon, itong gamot. All of them point to a name my mind was screaming at me. Pero imposible. Sana nakita ko na siya o ang mga foreign bodyguards niya. Pero wala naman ni anino nila dito sa hotel, hindi ba? The smell. Oh, yes. Iyong pamilyar na amoy noong magising ako. Kaagad kong inabot ang isa sa mga unan at inamoy iyon. Ngunit dahil napalitan na nga iyon, wala na ang amoy na galing dito kagabi. Naupo ako sa gilid na kama. Does Ivan really know that I'm here kaya mas special ang ibinibigay sa akin kumpara sa mga kasama ko? Pero bakit ganito ang ginawa niya? Bakit hindi siya nagpapakita? Is this his way of telling me na mag-enjoy lang ako sa ginagawa ko? Is he not mad at me? I sighed before tossing the pillow back on the bed and walked towards the bathroom. Since may damit namang bago roon, why not wear it? I don't want to spend the day smelling drunk and still wearing my clothes from yesterday. And if Ivan was behind all the special treatment I am getting today, then thank you, Ivan. ... Katatapos ko lang maligo nang may kumatok sa pintuan ng suite ko. Mabuti na lang at nakapagbihis na ako at nakalabas sa banyo kaya nagmamadali kong pinadaan and kamay ko sa buhok ko at kaagad akong naglakad papunta sa pinto. Ang nakangiting mukha ni Cymon ang nabungaran ko. "Hey," bati niya sa akin. Binuksan ko nang mas maluwang pa ang pinto para makapasok siya. At gaya ng inaasahan ko, narinig ko sa kanya ang malakas na, "Woah!" Halatang impressed na impressed ang pinsan ko habang pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kuwarto ko. "Couz, I think crush ka ni Sir Tim. Pang-VIP itong kuwarto na binigay sa'yo, eh. Tapos tignan mo yang damit mo kumpara sa suot ko. Di ba mamahalin yan?" natatawang saad niya bago nagpunta sa personal ref na puno ng ibat ibang klase ng inumin. Nagbukas pa siya sa mga cabinet na naroroon na puno rin ng iba't ibang klase ng pagkain. Kumuha siya ng ilan at pagkatapos ay naupo sa mahabang couch na naroon na nasa paanan ng kama at nakaharap sa malaking smart tv. Inabot niya ang remote control at binuksan ito bago siya napunta sa channel na madalas niyang puntahan. "Cymon," seryosong tawag ko sa kanya nang maupo ako malapit sa kanya. "What?" tanong niya habang abala sa pagbubukas ng canned drinks na kinuha niya. Pinag-isipan ko muna kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang hinala ko at ano ang magiging epekto nito sa amin. Hindi kaya matakot din si Cymon tulad ko? Baka pagtawanan niya lang ako kasi wala maman talaga akong solid evidence na pinanghahawakan na galing talaga kay Ivan ang mga favors na ine-enjoy namin ngayon. "What? Gusto mo rin ba? Kuhanan kita?" tanong niya at sumulyap sa akin. "Hindi, hindi. Busog pa ako," tanggi ko. Kumunot-noo siya sa akin. "May sasabihin ka? Bakit mo ako tinawag?" tanong niya. "Umm, anong balita kay Auntie Coco? Nagsabi ba siya kung nagpupunta pa sina Papa doon?" Halos ilang araw ko na kasing Hindi binunuksan ang account na pinahiram sa akin ni Cymon. Ayokong mabasa ang mga posts or emails ng mga kapatid ko. Kahit gaano ako kadesididong lumayo muna, hindi ko naman kontrolado ang damdamin ko. May kurot kasi ng guilt akong nararamdaman sa tuwing may nababasa ako galing sa kanila. "Ahh, wala pa namang ibinabalita si Mommy ulit. Why? Nami-miss mo na ba sila?" tanong niya. Apat kaming magkakapatid at oo, nami-miss ko sila sa tuwina dahil hindi na kami magkakasama ngayon sa family house. May pamilya na si Kuya Damon. Si Ate Mikaella ay abala sa trabaho at fiance niya. Si Ate Jessica, nakadestino naman dito sa Pilipinas. Kahit bunso ako, hindi ako gaanong malapit sa mga magulang ko dahil sa mga mapapait na karanasan na pinagdaanan ko noon. "Not that much," prangka kong sagot sa tanong ni Cymon na ngunit naman sa akin. "I'm just curious." "Baka naghahanap pa ang mga yun Hanggang ngayon. Don't worry, kapag may balita mula kay Mommy, sasabihan agad kita." "Okay." Hinayaan ko nang manuod si Cymon at Hindi na inabala pa. Nang matuyo na ang buhok ko, tumayo na ako mula sa couch at nagtungo sa kama at nahiga roon. Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD