"Julian!"
Kaagad akong nagmulat ng mga mata na bigla ko ring naipikit dahil sa pagkakasilaw.
"Hey, sorry kung nagising kita. It's already 4 o'clock in the afternoon at hindi ka pa nagla-lunch." Sa narinig kong yun ay tuluyan na akong bumangon. Naramdaman ko rin ang paghapdi ng tiyan ko. Nagtungo muna ako sa banyo para mag-toothbrush bago bumalik sa kuwarto. Nakita kong inaayos na ni Cymon ang mga pagkain sa maliit na mesa na naroon din sa kuwarto ko.
"Ansasarap naman ng mga pagkain dito," sabi pa niya at tama siya. Lalong kumalma ang sikmura ko nang maamoy ko ang mabangong amoy ng sweet and sour pork na siyang paborito ko.
Kaagad akong umupo sa harapan niya.
"Napakasosyal naman dito. I'll definitely recommend this hotel to my parents para kapag namasyal sila dito sa Baguio, dito sila tumira kesa sa apartment," excited na sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa sarili niyang plato.
"Ayaw mo lang silang asikasuhin, eh," pagbibiro ko sa kanya. Naglagay na rin ako ng pagkain sa plato. Pagkatapos ay kusa kong nilagyan ng orange juice ang mga baso namin.
"I'm quite sure, malaki-laki na ang babayaran ni Sir Tim na bill natin," saad ko pagkatapos.
"Sarap!" Cymon said with exaggeration habang nginunguya niya ang steak na isinubo niya. Napapailing na lang ako sa kanya habang nakikinig sa todong pamumuri niya sa mga pagkaing nasa harapan namin.
"Cymon, listen. Medyo nakakakonsensya naman kung yung teacher ninyo ang magbabayad sa lahat ng magagastos natin dito."
"What are you trying to say?"
"I'm sure aabot yung accommodations and food fees natin sa 30 thousand at kahit na discounted pa iyon, Hindi ba nakakahiya sa teacher mo na iso-shoulder niya ang lahat?"
"Siya naman ang nagsabi, di ba?"
"Kahit na," may halong panenermon kong sabi.
"So what are you suggesting?"
Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko habang pinag-iisipan ko kung ano ang pwede naming maitulong sa mga babayaran ng teacher niya.
"Why don't we ask kung magkano na Ang babayaran niya and then we chip in? Hayaan mo na yung mga kaibigan mong walang maisi-share. Kung meron, then good. Kung wala silang maibibigay, tayo na lang," I suggested.
"Half kaya?"
"Yeah. That's good enough."
Kaya naman pagkatapos naming kumain, bumaba kami sa lobby at nagtanong tungkol sa babayaran ni Sir Tim hanggang makaalis kami.
Nang harapin kami ng isa sa mga receptionist, hinayaan Kong si Cymon ang makipag-usap dito. Magsasalita lang ako kung kailangan.
"Hi, Miles," basa ni Cymon sa name plate nito. "Kami yung kaibigan ni Sir Tim Santiago. Medyo nag-aalala kasi kami na baka masyado nang malaki yung bill na babayaran niya para sa aming anim. Pwede bang malaman kung magkano ang aabutin ng bill kung hanggang bukas pa kami ng umaga rito?"
"Hi, Sir. Good afternoon po. For a while po at ichi-check ko. Kanino po ulit nakapangalan yung bill ninyo?" tanong nito habang may tila hinahanap sa computer sa harapan nito.
"Mr. Tim Santiago, Miss," sagot ni Cymon. Pagkatapos ng halos isang minutong paghahanap nito, nagulat kami sa sinabi ng receptionist.
"Sir, wala pong nakapangalan na kuwarto para kay Mr. Tim Santiago."
Nagkatinginan kami ni Cymon. Bumangon ang kaba sa dibdib ko.
"Can you check who registered for Room 1008?" Hindi nakapagpigil na tanong ko.
"Sige po. Sandali lang..."
Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba habang hinihintay ang pangalang sasambitin ng receptionist.
"Sir, under Mr. Ivan Petrov po."
Kulang na lang ay matumba ako sa sahig nang marinig ko ang pangalang iyon. A little part of me was expecting the name but I didn't expect it's strong impact on me.
"C--cymon..." natatakot kong tawag sa pangalan ng pinsan ko.
"Holy s**t," sambit naman niya na kaagad na umalalay sa akin.
"Sirs, is something wrong?" nag-aalalang tanong ng receptionist habang nakatingin sa aming magpinsan.
"Nothing! Thank you, Miles!" pagpapasalamat ni Cymon bago niya ako hinila paalis sa lobby. Kaagad niya akong isinakay sa elevator.
"s**t! s**t! s**t!" pagmumura niya habang nanghihina naman akong nakasandal sa pader ng elevator.
"A-anong gagawin natin?" natatakot kong tanong kay Cymon.
"Julian, kahit umuwi tayo, alam na nilang magkasama tayo. Susundan at susundan ka pa rin niya."
"Papano? Papano niya nalaman? We were very careful!"
"Well, we weren't that careful kaya nga nakita ka niya, di ba? s**t! Sasakalin ako ni Mommy. I'm sure na may pinaiwan yung Ivan rito sa Baguio para mag-imbestiga sa atin. He found out dahil sumasama ka sa akin sa school. Think about it. Wala akong kasamang umuuwi pero may kasama akong umaalis. Nakakapagtaka naman, di ba?"
"Let's go to your room, Cymon. Doon tayo mag-usap. My room could be bugged."
"I think so, too," sagot ni Cymon bago pumindot sa elevator button. Ilang sandali pa ay bumukas na iyon ay hinila niya ako papunta sa kuwarto niya. Hindi na rin ako nasorpresa nang makitang mas simple nga ang kuwartong ginagamit niya kumpara sa kuwartong ginagamit ko.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa pinsan ko na naglalakad nang pabalik-balik sa harapan ko.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Hindi mo pa siya nakikita mula nang tumakas ka, di ba?" Umiling ako sa kanya bilang sagot.
"But..."
"But ano?"
"Iyong lalaking nagpipilit na isayaw ako kagabi, biglang nawala. Nakapagtataka na Hindi ko na siya Makita sa dance floor noong gabing iyon. Tapos yung mga taong nagdala sa atin sa mga kuwarto natin, they were very formal though they were locals I think. Then yung gamit kong kuwarto... yung food..." Nakita ko sa mga mata ni Cymon na unti-unti na rin niyang naunawaan ang lahat.
"And I smelled him."
"What?!"
"Noong magising ako, there's a familiar scent on my body. Hindi ko lang ma-pinpoint kung kanino ko naamoy Ang amoy na Yun but now that he entered the picture, I'm sure siya yun."
"May ginawa ba siya sa'yo?"
"If you mean if he f****d me while I was drunk, then no, Cymon. He didn't."
"Baka niyakap ka lang niya noong tulog na tulog ka sa kalasingan."
"I could agree to that."
Natahimik si Cymon ng ilang sandali bago siya nagsalita ulit.
"I'm just curious kung bakit niya ginamit ang totoong pangalan niya dito sa hotel, Julian. Hindi ba niya naisip na pwede kang ma-curious kung bakit VIP treatment ka?"
Ako naman ang natahimik habang ina-analyze ang sitwasyon.
"Julian?" tawag sa akin ni Cymon dahil matagal bago ako muling tumingin sa kanya.
"It's either he thinks I'm stupid and wouldn't be curious or he is deliberately telling me that he found me and I cannot runaway from him for a long time, Cymon."
"Pero bakit hindi siya nagpapakita sa'yo?"
"He's got bodyguards surrounding me... us... Hindi lang sila nagpapakita pero nakaabang sila sa bawat galaw natin. I saw the two of them this morning. Sila iyong mga nakasabay ko sa elevator."
Nagbuga nang malalim na hininga si Cymon.
"He's probably thinking na kapag siya mismo ang Nakita mo, you'll literally jump from your room's balcony."
Sa kanila ng takot at tensiyon ay napatawa ako ni Cymon dahil sa sinabi niyang iyon.
"Probably..."
"So, anong plano? Should we stay or go?"
"Paano ang mga kaibigan mo? Paano natin sasabihin iyong mga nalaman natin sa kanila? They will surely panic and I will spoil their fun."
"What if let's act as if wala tayong nalaman? Let's still act normal in front of them. Hayaan natin silang mag-enjoy at ipagpatuloy mo lang ang pananatili rito as long as hindi pa siya nagpapakita sa'yo? Maybe, hinahayaan ka pa niyang i-enjoy ang pagiging single mo. Coz once he does show up in front of you, surely, tapos na ang maliligayang araw mo, Julian. Bibitbitin ka na niya pabalik sa Russia and ikukulong sa mansyon niya."
Napabuntonghininga ako. May punto si Cymon.
"Sige, ganon na lang. Hanggang hindi siya nagpapakita, that means malaya pa akong gawin ang gusto ko at puntahan ang lugar na gusto ko."
Umupo si Cymon sa tabi ko.
"You know what, Julian, sa ginagawa niyang ito na binabantayan ka kahit na binibigyan ka niya ng sandaling kalayaan, parang gusto ko nang isipin na gustong-gusto ka talaga niya. How he tolerates you tells me that he really cares about you."
Natahimik ako sa sinabing iyon ng pinsan ko. Tama naman Kasi siya. I also didn't think na ganito ang mangyayari once na nalaman na ni Ivan kung saan ako nagtatago. Ang inaasahan ko kasi ay ibabalik niya ako sa Manila agad at hinding-hindi na palalabasin sa bahay niya. But it's the opposite. I never expected this since pinag-alala ko rin sila ng ilang araw, pinagod, at siguradong napahiya siya sa mga kamag-anak niyang nagpunta pa naman dito sa Pilipinas para mag-witness sa kasal naming dalawa dito sa bansa.
Ganon ba talaga siya kabait at di terror gaya ng mga nabalitaan ko dati at mga narinig na kuwento? Or was he just forgiving because it was me?
Does he care for me a lot to protect me while he was setting me free for a period of time?
Does he... love me?
No.
I don't believe it was love.
Maybe, it was just obsession gaya ng nangyari sa akin noon...
Muli akong napabuntonghininga.
"Julian, siguradong nagtataka na yung mga nagbabantay sa atin kung bakit nandito pa tayo sa kuwarto ko. Why don't you go back to your room tapos babalikan ko yung receptionist? I'll talk to her na huwag ipagsabi na nagtanong tayo in case may magtanong doon. I'm quite certain na kapag nalaman ni Ivan na alam na natin ang lahat, he will just show up right in front of you and all wouldn't end well for you."
Tumayo na ako pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.
"Let's go then. Balik na muna ako sa kuwarto ko."
"Okay, let's go. And remember, act normal," bilin pa niya sa akin.
"Okay."
Lumabas na kami sa kuwarto niya at magkasamang naglakad patungo sa elevator. Nagulat na lang ako nang malakas siyang magsalita.
"Going back to your room now, Julian? Ayaw mo talagang sumama sa baba para maghanap ng pwede mong utusang bumili ng pizza?! Ano na nga yung gusto mong flavor?!"
Naglakad ako papalapit sa kanya at gigil na palihim siyang kinurot.
"Cymon!"
"Pupunta ako mamaya sa room mo para makikain ng pizza, ha?" natatawang sabi niya nang mahina bago sinabi ng malakas...
"Titignan ko kung makaka-order ako, ha? Pupuntahan ko lang sandali si Lucas!",
Naiinis na binilisan ko ang paglalakad ko at nagmamadaling pumasok na sa elevator. Natatawa pa ring sumunod si Cymon sa akin.
"I'll bet you 10k, wala pang 1 hour ay may kakstok na sa pintuan ng room mo at may pizza delivery ka na. Samantalahin nating nariyan si Sugar Daddy," natatawa pa ring hirit niya.
Nang sumara na ang mga pinto ng elevator ay binatukan ko siya.
"You're a d**k!"
"Buti nga di ko sinabing lumpiang gulay ang gusto mong kainin. Siguradong babaliktarin niya ang buong Baguio mabilhan ka lang nun."
Napailing na lang ako sa kalokohan ng pinsan ko.