"I'm excited to see you." Napangiti ako sa nabasa kong mensahe ni Julian. Ikalawang buwan ng kasal namin at ang balak ko sana ay sa labas na lang kami mag-dinner ngunit hindi ko matanggihan nang maglambing siyang ipagluluto niya na lang ako. Who would say no to that effort coming from the person you care for the most? I was really looking forward to it. Halos minadali ko nga ang sunod-sunod na meetings ko ng maghapon na iyon upang mapagkasya ko lahat at maaga akong makauwi. Kung hindi lang ako pinilit ni Julian na pumasok na, work from home pa sana ang set up ko. I am glad that he did dahil iba talaga ang magiging resulta ng meetings kapag naririto ang presensiya ko. Mapapabilis iyon gaya ng nangyari kanina. But then, something still caught up with me kaya hindi ako agad nakauwi at nanana

