I was already at the back of the door when Cymon knocked. Kaagad ko iyong binuksan at nang masilayan siya ng mga mata ko ay kaagad akong yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko na tumutulong para pakalmahin ang delubyong nasa puso ko.
"Takot na takot ka talaga sa mapapangasawa mo, huh?" bulong niya sa akin. Humiwalay na ako sa kanya.
"I am really scared of him. Noong tumingin siya sa CCTV, it was as if he was looking at me."
Natawa siya sa sinabi ko.
"Pakiramdam mo nakikita ka niya mula roon, ano?" Tumango ako sa kanya.
"We did all the necessary precautions, Julian. Kung malalaman niyang nandito ka nang dahil lang doon, then he's one hell of a guy. C'mon, lipat ka na sa unit ko. Luto na yung ulam natin."
Nagtungo na kami sa unit niya at kahit ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko, tumulong ako na ihanda ang mesa. Ngunit kahit anong sarap ng nilutong ulam ni Cymon, hindi ako makakain nang maayos. Tumulong na lang ako sa paghuhgas mg mga pinagkainan namin at mga pinaglutuan niya.
Alas diyes na nang makabalik ako sa unit ko. Tumawag pa kasi kami kay Auntie Coco at ipinaalam dito ang nangyari. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay kinuha ko ang tab. Gamit ang dummy account ni Cymon, in-stalk ko ang mga account ng pinsan at kapatid ko. Unang kong tinignan ang account ni Ate Jessica which is luckily, naka-set sa public. Puro naka-tag sa akin ang mga posts niya gaya ng:
Go home now, @JulianVladimier!
Don't joke around, @JulianVladimier, come back now! We're very worried!
Where are you @JulianVladimier?!
I almost pitied her but then I saw her old posts. Napapangiwi ako sa mga nababasa kong pagmumura niya sa akin.
Then I went to Ate Mikaella's account. Sadly, it was locked so I didn't see any posts. Hindi ko na sinubukan pang i-check ang account ko dahil gaya ni Ate Mikaella, naka-lock din ang account ko.
I heavily sighed after putting the tab on top of the bed side table.
"This is all Ivan's fault. Kung hindi niya ipinagpipilitan yung kasal na gusto niya, hindi mangyayari ito," bulong ko at saka nahiga sa kama.
Pero habang nakikipagtitigan sa kisame, I can't help but wonder if he's really worried about me or he's angry with me. Kung totoong dumating na ang mga kamag-anak niya, ang pagkawala ko ang nasaksihan nila at hindi ang kasal namin. Siguradong napahiya siya sa kanila. Well, kasalanan pa rin niya iyon. I just escaped dahil pinipilit niya ako sa bagay na hindi ko gusto o mas tamang sabihin na hindi pa ako handa. If he was just patient, baka walang mga ganitong kaganapan.
Halos magmamadaling-araw na nang makatulog ako at alas diyes na nang magising ako. Surely, wala na si Cymon sa kabila at pumasok na ito sa university. Bumangon na ako at naghanda ng almusal ko. Nagluto lang ako ng scrambled eggs, nagluto ng kanin, at naghiwa ng hinog na mangga at solve na ang breakfast ko. After cleaning the kitchen and washing the dishes, nanuod ako ng TV but when I got bored, I decided to roam around the nearby areas sa apartment.
Naligo ako at nagbihis ng baby pink na shirt, jeans, and white sneakers then wore a jacket, baseball cap, shades, and even a facial mask. Then, I went out.
Naglakad-lakad lang ako sa malapit na lugar, observing the people and the scenery. I also made sure na matatandaan ko ang lahat ng nadaraanan ko para sa pagbabalik ko kapag pagod na ako. May nadaanan akong shop ng mga phones and decided to buy one dahil masyadong malaki ang tab kung iyon ang palagi Kong dala sa pamamasyal ko. Mabuti na lang at iniwan sa akin ni Cymon yung card ni Auntie kaya iyon ang ginamit ko para mabili ang phone because the cash me gave me wasn't enough to pay the phone in cash.
After that, I continued roaming around and taking pictures. Nang mapagod ang mga paa ko, I sat on a bench and continued watching people passing by. Nakakatuwa. May mga foreigners din na humahalo sa mga local citizens. It was fun seeing their happy faces and them enjoying Baguio.
When lunch time came, I went to a nearby restaurant and orders home -cooked meals I've never eaten before. I took my time going back to the apartment and waited for Cymon.
Halos isang oras na ako sa unit ko nang kumatok siya at pinapalipat ako sa kabila. He said gagawa raw kami ng fruit salad. While we were preparing it, nagkukuwentuhan kami. Nagkuwento siya tungkol sa mga subjects niya, instructors niya, and even his classmates. Enjoy na enjoy siya sa pag-aaral niya that I almost got envious.
"Julian, if you want, I can ask my instructors to allow you to sit in with us everyday." Nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
"Will they allow it?" excited kong tanong sa kanya.
"Well, malakas ako sa kanila so kahit ang hindi pwede, magiging pwede. Ano? Game ka?"
"Sure? Bukas na ba?"
"Sa Wednesday na. Magpapaalam muna ako sa kanila."
Tumango at ngumiti ako sa kanya.
"So, anong pinagkaabalahan mo maghapon?" curious niyang tanong.
"Well, after breakfast na-bore ako sa panunuod so I decided na mamasyal. By the way, I bought a phone. Mas convenient siyang dalhin kapag namamasyal ako, eh. Once I go back home, I'll transfer back all you've spent on me."
"Ano ka ba, Julian? Mommy told you, di ba? Money is not a problem. Bumili ka lang ng kailangan at gusto mo. There's no need to worry about it."
"Thank you, Cymon. Thank you talaga sa mga tulong ninyo sa akin."
"Maniningil ako kapag nagbakasyon ako sa Russia, akala mo, ha?" Natawa ako sa pagbibiro niyang iyon.
Bago bumalik sa unit ko ay ibinigay niya sa akin ang cellphone number niya na isinave ko naman sa phone na binili ko. At dahil napagod ang mga binti ko sa pamamasyal, maaga akong nakatulog noon gabing iyon.
Kinabukasan nang makabalik si Cymon mula sa university, masaya niyang ibinalita na pumayag ang mga instructors niya na maki-sit in ako sa mga klase nila. I got so excited that I barely slept that night. Maagang umaalis si Cymon kaya maaga rin akong naghanda. He told me yesterday na sa university na lang daw kami kakain ng breakfast kaya hindi na ako nag-abala pang maghanda ng pagkain ko.
Going at Cymon's university brought back a feeling of nostalgia to me. Bigla kong naalala ang university days ko habang nakikinig sa lectures ng mga instructors. Kapag may activity silang ginagawa, I was just beside my cousin, watching and observing. He also introduced me to some of his friends and they invited us to a bar on Friday night. Dahil nahihiyang humindi, pumayag ako.
After having dinner at a restaurant, umuwi na kami ni Cymon. Hindi na ako sumama pa sa unit niya at hinayaan siyang gawin ang mga assignment niya. Kinalikot ko naman ang tablet ko. I was really tempted to open my social media account but then decided to open my sss account instead. Bubuksan ko lang naman ang mga ito to check the messages I have received. Hindi naman siguro nila ako mati-trace kung wala akong rereplyan, di ba? I wanted to ask Cymon pero ayoko siyang maabala pa.
When I accessed my account, napakarami kong unread emails. My siblings sent me messages there as well pati na rin si Kuya Damon. I didn't dare open their emails.
I also received an email from Jayjay and Kuya Azyra. Iyong kay Kuya Azyra ang binuksan ko.
What the fúcking hell, Julian! What have you done?!
Tumaas ang kilay ko sa greetings niya.
Mr. Petrov started threatening me, Julian. He said he would withdraw his investments. Do you know how much that is? It's almost 20 million dollars. But that's not I'm worried about, cousin. He's also threatening to file a case against us!
At ano namang kaso ang ipa-file niya? Breach of contract? Wala naman akong pinirmahang kontrata. Kung si Kuya ang pumirma on behalf of the Vladimier Group of Companies, well, kasalanan niya iyon. Isa pa siyang pumayag sa kasal na inaalok ni Ivan porke hindi siya iyong ikakasal kundi ako.
I smirked at the tab as if it were Kuya Azyra.
If you weren't too greedy, Kuya, that wouldn't have happened. Wala sanang ipapanakot si Ivan sa'yo.
Nag-log out na ako pagkatapos kong paulit-ulit na basahin ang email niya. I am not interested in reading the rest anyway.
Gusto ko siyang sagutin para iparating ang saloobin ko but decided against it. Mahirap na at baka sa gagawin kong pagsagot, ma-trace pa nila ako.