Chapter 20

1785 Words
The next morning, maagang lumipat si Cymon sa unit ko at niyaya akong mag-jogging at para maging pamilyar din daw ako sa lugar. We jogged for almost an hour, ate strawberry taho, and even had breakfast at a restaurant na napakarami ang servings na nagpalimot sa aming magpinsan ng salitang lunch. Pagkatapos ay nagpunta kami sa market para mamili ng fresh fruits and vegetables. Sobrang nag-enjoy ako sa mga ginawa namin at kahit maraming tao ang nagsisiksikan sa tabi ko, I didn't mind at all. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay Pilipinong-Pilipino ako. Halos tanghali na nang makabalik kami sa unit. But it wasn't time to rest yet dahil inayos pa namin sa unit namin ni Cymon ang mga pinamili namin. We decided to market for ourselves separately para kapag gustong magluto ng bawat isa sa amin, magagawa namin na hindi inaabala ang isa't isa. Then, I slept all afternoon. Napakasarap sa pakiramdam nang magising ako. I felt so refreshed and stress-free. Bakasyonistang-bakayonista ang dating ko. Naligo muna ako bago ako lumipat sa unit ni Cymon. He was busy cooking caldereta when I arrived there. "Upo ka muna. Malapit na ito." I smiled at him and watched as he moved like a pro in the kitchen. Habang hinihintay na maluto ang ulam, naupo siya sa tapat ko. "Have you opened my account yet?" tanong niya. Umiling ako sa kanya. Kumuha ako ng grapes at nagsimulang kumain. "Mommy called kanina. Pumunta raw si Uncle Jurace sa bahay. Probably checking kung talagang wala ka roon." Natigil ako sa pagnguya. "Don't worry, Mommy didn't spill any tea," he assured me. "Do you think I should send them a message saying they should not worry about me?" tanong ko sa kanya. "They can easily locate you kapag ginawa mo yun, Julian. You wouldn't want that, would you?" Umiling ako sa kanya. "So how will I tell them that I am safe?" Napabuntonghininga ako. Hindi ako makapaniwalang nanghihingi ako ng advice sa mas nakababatang pinsan ko. "Wala. Maiisip din naman nilang matanda ka na at kaya mo na ang sarili mo. You have your wallet at syempre, alam nilang may pera ka para sa accommodations at pagkain mo. As long as you won't use your cards, hindi ka nila malo-locate. But..." "But what?" "I have a feeling na iisa-isahin din nila kaming magkakapatid at ang ibang mga pinsan natin n naririto sa Pilipinas." Kumabog nang malakas ang puso ko. "Do you mean possible na puntahan ka rin nila rito?" nagpa-panic kong tanong. Tumango siya sa akin. "Huwag ka munang nag-panic. Uunahin nila sigurado yung mga nasa city bago sila pumunta rito. Kaya simula bukas, ako na ang pupunta sa'yo." "How about your aunt? Yung may-ari ng apartment?" "I gave the office a fake name. I even told them na schoolmate ko yung magre-rent kaya safe ka pa rin. Besides, hindi naman siguro nila iisa-isahing titignan ang mga units dito." "I'm scared, Cymon. They might drag me back," pag-amin ko sa kanya. "I'll contact Kuya Chandler kapag naging alanganin na ang pananatili mo rito which I doubt pero in case lang naman. Kapag nanggaling na sila roon sa Pampanga, I'll send you there. Once they're done here, saka kita kukunin pabalik or ipapahatid sa kanya." "Do they also know that you're helping me?" Ngumiti siya sa akin. "Of course. Wala kaming sikreto sa pamilya." I gave a sigh of relief. I am really thankful na sa kanila ako nagpatulong at hindi sa Auntie Emma ko or sa Uncle Mackenzie ko. "By the way, Julian, pinakialaman ko yung tablet mo kagabi. Inilagay ko yung app kung saan connected sa hidden cams dito sa unit ko at unit mo. Wala akong inilagay na password doon sa tab so anytime na gusto mo akong silipin dito, magagawa mo." "Really? That's nice." "For security purposes lang. Pati pala yung mga camera sa guardhouse at sa palibot ng building, connected sa app." "Marami ka sigurong pinagtataguang mga babae kaya bago ka pa nila mahuli dito sa unit mo, alam mo nang parating sila." Tumawa siya nang malakas dahil sa sinabi ko. "Iyon talaga ang purpose nun, Julian. Besides, kahit nasa school ako, mache-check ko itong unit kung may papasok na unwanted people." "That's a great app." "I am improving its usefulness," nagmamalaki niyang sabi sa akin. "Wow, Cymon. You're really a genius. Your course really suits you well." Sasagot pa sana siya pero napatingin kami sa phone niya nang biglang tumunog iyon. Mabilis niya itong inabot at binasa ang mensaheng naroon. Kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti niya bago siya ngumisi at tila may hinahanap sa phone niya. "Damn, they're fast. They're here, Julian. Go back to your unit habang chini-check sila ng mga guards." Ipinakita niya sa akin ang phone niya at kitang-kita ko ang ilang kalalakihan habang kausap ang mga guards sa entrance ng apartment. Kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa pintuan. Pakiramdam ko ay ilang milya ang tinakbo ko nang makapasok ako sa unit ko. Hingal na hingal ako habang inila-lock ang pinto. I was so scared na halos manginig ang buong katawan ko kaya napaupo Ako sa sahig habang yakap ang sarili ko. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay sasabog na ang puso ko sa kaba. Damn you for scaring me so much, Ivan Petrov! pagmumura ko sa isipan ko. Bigla kong naalala ang sinabi niyang app na inilagay niya sa tab ko. Nagpilit akong tumayo kahit na nanginginig ang mga tuhod ko at hinanap ang tab. Dahil sa pagpa-panic ng isipan ko, hindi ko iyon makita-kita. Mabuti na lang at napalingon ako sa dining table. Nakapatong pala iyon doon. Kinuha ko ito at saka ako nagpunta sa kuwartong gamit ko at pasalampak na umupo sa kama. Dahil nasa panic mode pa rin ang utak ko, I even locked the door once I was inside. Sa nanginginig na kamay ay pinindot ko ang power button nito at saka hinanap iyong app na sinasabi ni Cymon kanina. At gaya kanina, halos hindi ko rin iyon mahanap. "Relax, Julian. They won't find you. They won't find you," paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Nang huminahon na nang konti ang pakiramdam ko ay inisa-isa ko nang tinignan ang mga app sa tablet hanggang makita ko ang isang video icon. I tapped it and gave a big sigh when it finally opened. I click the icon with the name Cymon 1. Ilan sandali pa ay lumitaw na ang ilang box na may iba't ibang pangalan gaya ng front, living room, kitchen, bedroom, at terrace. Pinili ko ang living room. Halos mabitawan ko ang nang lumitaw sa screen ang living room ng unit ni Cymon. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong sumigaw nang makita kong kaharap na ni Cymon sina Papa at Ivan habang nakatayo sa likuran nila ang mga bodyguards ni Ivan. I clicked the mute button, mabilis na ibinaba ang volume, at ilang saglit pa ay narinig ko na ang pinag-uusapan nila. "Not once, did he not contact you?" Tumango si Cymon sa tanong ni Papa. "Mom didn't tell me that he's even here, Tito. Kanina lang niya sinabi. Galing nga raw kayo sa bahay at hinahanap siya. You can check my phone if you want." Halos tumalon na palabas sa dibdib ko nang akmang ibibigay na ni Cymon kay Papa ang phone niya. "Please, Papa. Don't touch it," bulong ko. God heard my prayer at ang tanging ginawa lang ni Papa ay sulyapan ang phone ni Cymon. "There's no need for me to check. I will trust your words." Para akong nakawala sa kulungan sa sinabing iyon ni Papa. "Let me check." Fúck. Napatingin si Cymon kay Ivan and smirked. "I'm not your uncle. I don't trust you," sabi pa nito bilang sagot sa naghahamon tingin ni Cymon sa kanya. "You definitely look like one," Cymon replied and then gave him his phone. Ivan, you fúcking SOB! pagmumura ko habang ini-scroll ni Ivan ang phone ni Cymon. "So, Tito, bakit nga ba tinakasan ni Julian si Mr. Petrov? Did he realize how far their age gap is?" painosenteng tanong ni Cymon pero kitang-kita sa mukha niya na ayaw niya kay Ivan para sa akin. Nagdilim namang lalo ang mukha ni Papa. "I don't know. He was okay with him when we dined out. Lahat kami inakalang okay lang ang lahat sa kanilang dalawa," sagot ni Papa sa kanya. "What is this icon for?" Nanlamig ako sa narinig kong tanong ni Ivan. Ihinarap niya kay Cymon ang phone na ito at mula sa anggulo na nakikita ko, saglit na natigilan si Cymon bago ngumiti kay Ivan. "Oh, that's one of the apps I've been improving. I'm a programmer." "What is it used for?" muling tanong ni Ivan. Oh my fúcking...! Why is Ivan so curious as hell?! "Oh, just a simple device to check my unit. Do you want me to open it for you so you can see yourself on camera? It has a password so only I can open it. I don't want others to open it without my permission." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam kong double meaning ang sinabing iyon ni Cymon indicating na ayaw niya talaga kay Ivan dahil pakialamero rin ito. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay mawawalan na ako ng ulirat lalo na nang nag-angat ng tingin si Ivan at makita ang maliit na CCTV kung saan ko mismo sila pinapanuod. He's as of looking at me directly. "Ivan, don't waste your time. My nephew is a geek. Let's go. Julian is not here. I have to go back to my husband. He's very worried right now." Tumayo na si Dad. Ibinalik naman ni Ivan ang phone ni Cymon. "Cymon, if your cousin shows up here, call me right away. I don't care if it is midnight or dawn, I'll come over to pick him up." "Yes, Tito. Don't worry too much. Kung nasaan man si Julian ngayon, he knows how to keep himself safe. For sure, once he's ready, he will go back to you," sagot naman ni Cymon. Bumuntonghininga si Papa. "We are hoping so, Cymon." Tinapik ni Papa ang balikat ni Cymon bilang pagpapapalam bago siya tumango may Ivan indicating that they're leaving. Magkakasunod silang lumabas sa unit. Sumama pa si Cymon hanggang sa baba at kumaway pa sa mga sasakyan nina Papa at Ivan nang umalis na ang mga ito. Bago umakyat ay dumaan muna ito sa guardhouse at nagbigay ng pera sa mga ito. Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang pumasok na sa elevator si Cymon. Nanghihinang nabitawan ko ang tab. Muntik na. Muntik na nilang malaman na nagtatago ako dito sa Baguio sa tulong ng pinsan kong si Cymon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD