"Hindi namin inaasahan na magpapakasal pa si Ivan. Halos Hindi nga iyan nakikipag-date," pagbibiro ng isang kaibigan ni Ivan na ipinakilala niya bilang si Roman, isa sa mga malapit niyang kaibigan. "You're lucky to have each other, Ivan. Julian is gorgeous and I'm sure quite smart. Aba, hindi agad nagpakasal kay Ivan, eh. Pinahirapan talaga siya." Nagtawanan sila sa sinabi ng isa pang kaibigan nito na nagngangalang Damien. "And Julian, you're lucky because this friend of ours is a very loyal man." "They are my closest friends. College pa lang kami, nagkakakilala na kami," pagkukuwento ni Ivan kaninang naglalakad kami papunta sa table ng mga kaibigan niya. Sila actually ang unang naming pinuntahan para personal na pasalamat. Ang tatlo pa sa ipinakilala niya na pangiti-ngiti lang ay sina

