Chapter 48

1253 Words

Nagbago na ang mood ni Jaksawn simula nang lisanin nila ang apartment niya hanggang sa makarating sila sa Tiezza, sa condominium nito. Magkatinginan sila ngayon ni Pat, nasa tapat niya ang manager samantalang si Jaksawn naman ay nasa kaniyang tabi. Nakahalukipkip ito, nakapikit ang mga mata at salubong ang makakapal na kilay. Halos nasa sampung minuto na rin ang nakalilipas simula nang dumating silang tatlo pero kahit isa ay walang nagsasalita. Ilang beses man silang magkatinginan ni Pat ay nagsesenyasan lamang sila. Inginunguso pa nito ang katabi niya. Nang hindi na nakapagpigil si Mimi ay lumipat siya ng upuan at tinungo ang tabi ni Pat. Siyang pagdilat naman ni Jaksawn at tumingin ito sa kaniya. "What?" masungit na tanong ng lalake. Ito na naman! nagsusuplado na! "Ano ba kasi a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD