Patingin-tingin si Mimi sa kaniyang katabi na tahimik na kumakain. Kanina nang subukan niyang lumayo kay Jaksawn dahil sa hiya na nararamdaman ay pinigilan siya ng lalake, sinabi nito na doon na lamang siya dahil anumang oras ay darating na si Pat upang makakain sila. Ilang sandali nga lang ay naroon na ang manager nito. Nakangiti at tinanong pa nito kung kamusta na ang pakiramdam niya. Doble ang hiya na nararamdaman niya ngayon dahil nagkasakit pa siya, imbis na trabaho at si Jaksawn ang tinitingnan niya ay siya pa ang inasikaso nito. Humingi rin siya ng tawad kay Pat ngunit sinabi lang nito na wala siyang dapat na intindihin at mas mabuti kung kumain na at uminom ng gamot pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagalaw ang pagkain na ibinigay sa kaniya ng manager. "Are you going t

