Ibinigay ni Pat kay Mimi ang notebook kung saan nakasulat ang mga schedule ni Jaksawn, naroon rin iyong tungkol sa bagong movie ng lalake kanina. Pinicturan niya ang notebook at mamaya ay isusulat na lamang niya iyon. "For the things that you need to know about him. Hirap makatulog si Jaksawn dahil nga sa palaging naiiba ang oras ng mga tapings niya. Umiinom siya ng chamomile tea, pinagtitimpla ko siya niyan para makatulong sa pagtulog niya. Magkakaproblema kasi kapag napuyat siya, eh, maaga palagi siyang nagigising kahit na kulang ang tulog niya." Tumango si Mimi at itinype sa notes sa cellphone niya ang mga sinabi ni Pat. Wala kasi iyon sa napicturan niya kanina. "Saka pala, kailangan by 6:00 am nandoon ka na sa condo niya. Ipagluluto mo siya ng pagkain at igagayak mo na iyong mga kai

