Napahinga ng malalim si Mimi. May paraan na sana siya para mawala sa kaniya ang inis ni Jaksawn kahit papaano tapos ngayon ay bawal pala itong kumain ng chocolates. "K-Kahit isa o dalawang beses lang po sa isang linggo ay bawal?" tanong niya. "Hmm, I am allowing him to eat if he's stress. Sa tuwing stress lang siya kapag may ka-trabaho siya na ilang take na ay hindi pa nagagawa ng maayos ang scene. Also, kapag nawawala siya sa pokus at hindi makabisado ang lines binibigyan ko rin siya ng chocolate pero hindi marami, ha? 45g of chocolate is enough." 45g. Isinulat rin iyon ni Mimi. Marami siyang dapat na tandaan na detalye para magawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho. Sinabi ni Pat na kailangan niyang ipagluto si Jaksawn ng alas sais ng umaga at igayak ang mga gagamitin nito. May isan

