"Baka naman kasi guni-guni mo lang iyong babae, Jaksawn? baka multo lang 'yon. Narinig ko sa cashier ng convenience store na iyon na may babaeng multo daw na gumagala doon. Sa tingin ko ay iyon ang nakita mo." Pabalik-balik ang tingin ni Mimi Kay Jaksawn at kay Pat. Inakbayan ni Pat ang lalake at pagkatapos ay ngumiti ito. Si Mimi naman ay natakot. Hindi siya nakakakita ng multo, pero nakakaramdam naman siya. At ayaw niyang makakita dahil matatakutin siya talaga. "I think ipapahanap rin niya sa iyo ang babaeng ipinapahanap niya sa akin," sabi sa kaniya ni Pat. "Ako naman ay maglalabing-isang buwan nang naghahanap sa lugar na sinabi niya pero wala akong nakikitang babae na katulad ng sinabi niya. Kaya sa tingin ko ay multo ang nakita ni Jaksawn." "My nephew can see ghosts, Mimi." Nat

