Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ni Pat. "What? where did she go? hindi ba nagsabi sa 'yo? wala siyang sinabi sa akin na aalis siya. Did you call her?" tanong niya. Hindi na siya mapakali. Kinuha niya ang cellphone niya. Kaagad niyang idinial ang numero ni Mimi pero nag-ri-ring lang iyon. "I called her pero narinig ko lang sa loob ng van ang tunog ng cellphone niya. Hindi niya dala, eh." Damnit. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. Umahon ang kaba sa dibdib niya dahil madilim na at malakas pa ang ulan. Hindi kaya dinamdam nito ang sinabi niya kanina? at dahil na rin sa biglang pagtalikod niya? "Let's look for her, Pat. Pakitanong na rin ang ibang mga staffs dito kung nakita nila," sabi niya at naglakad na palabas ng pinto. "Fck, where did she go?" Ngayon lang siya ulit ki

