"Bakit nag-extend ang shoot?" Nasa loob siya ng abandoned building at nagpapahinga. Kababalik lamang ni Pat sa set ng mga oras na iyon. Inabutan na ito ng malakas na ulan nang makarating. Tumingin si Jaksawn sa kaniyang manager. Nagliligpit na ang lahat ng mga staff upang umalis sa set. "May pinabago sa scene, dinagdagan yung lines kay Cailine at sa akin. Where's Miracle?" tanong niya kay Pat. Inilibot niya ang mga mata sa buong set. Kaunti na lang rin ang mga tao na naroon at nagliligpit. Hindi na niya ito nakita simula kanina nang mapansin niya itong nagsusulat. Lumingon sa likod nito si Pat. "Hindi ko pa napapansin, baka nasa van?" Napahawak siya sa kaniyang noo. Baka nga nasa van ang dalaga dahil bigla na lang niya itong tinalikuran kanina. Nainis na naman siya. Sa tuwing maa

