Walang kibo si Mimi habang nakasakay sila ni Jaksawn sa elevator. Patingin-tingin siya sa lalake na nakahalukipkip. Nararamdaman niya ang itim na awra na pinapakawalan nito. Natatakot siyang magsalita. Simula nang pumasok sila sa building ay hindi na nagsalita pa si Jaksawn. Bakit ba kasi sumunod pa siya? hindi naman niya ako kailangan na ipagtanggol pa kay Marcus at kay Lindsay kanina. Hay... sana lang ay hindi siya nakilala nong dalawa dahil tiyak na problema iyon kapag nagkataon. Ilang beses na siyang nagbuntong hininga dahil sa nangyari kanina sa harapan ng Tiezza. Hindi naman niya akalain na lalala ng ganoon. Sana lang ay walang lumabas na balita tungkol sa kanila. Ang inaalala niya ay si Jaksawn, kahit na hindi kita ang mukha nito ay baka mamaya ay makilala ito ng dalwang artista

