"Ano bang ginagawa mo?" "Shhh...huwag ka ngang maingay. Kukuha lang ako ng litrato nila." "Bahala ka. Basta ako dito lang ako. Baka masuntok pa ako diyan, eh." "Tumahimik ka. Kung hindi, sa akin ka makakakuha ng suntok." Nakakarinig ako ng ingay sa paligid. Nakaiglip pala ako. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Papikit-pikit pa ang aking mga mata at nang ako ay maka-adjust sa liwanag ay napatingin ako sa aking tabi. Nakapikit pa rin siya at mukhang tulog. Huminto na pala ang sasakyan. Binaling ko naman ang aking tingin sa aking likuran at nakita sila Cassidy at Casper na parang nag-iiwas ng tingin. Alam ko na sila ang narinig ko kanina. Nakatulog din sina Helley at Drake. "Psst" nagsitsit ako sa kanila pero iwas pa rin sila. Anong ginawa ng dalawang ito? Ang lapit ng boses na

