Nag-aayos all ng aking mga gamit nang pumasok si Jayden. Napatingin ako sa kaniya at may kinakain itong isang apple. Ibinalik ko sa ginagawa ko ang aking tingin. "Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?" tanong ko sa kaniya na umipo sa sofa dito sa kuwarto. Tumingin siya sa akin. "I'm not in the mood to pack my things now," sabi niya sabay kagat ng apple na hawak-hawak niya. "Tamad," bulong ko. "I hear you," sabi niya. Ang talas naman ng pandinig ng lalakeng ito. Ibinulong ko na nga lang narinig pa. Pansin ko naman na tumayo siya at pumunta sa walk in closet. Akala ko ba wala siya sa mood. Lumabas siya ng may dalang mga damit. "Oh akala ko ba wala ka sa mood mag-impake?" "Nagbago ang isip ko, eh." Kumuha ako ng isang unan at ibinato iyun sa kaniya. Tumawa naman siya. Bukas na ang alis n

