"Kamusta...kamusta ang pag uusap ninyo nina Tito at Tita?" tanong ni Helley pagkaupo ko sa sofa. Si Jayden ay pumunta na sa itaas at siguro nakahiga na 'yun ngayon kaya dito na muna ako sa sala. "Another punishment to both of us," sambit ko na lang. Isinandal ko ang aking ulo sa sofa at napapikit. "Sinabi ko na kasi sayo na hindi maganda ang desisyon nilang makipagbalikan habang kayo ay kasal ni Jayden. " Nanatili lamang akong nakapikit habang nakikinig sa kanya. "Helley...tama ba itong nararamdaman kong maging masaya kahit konti man lang?" "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?" tanong niya. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin na muna sa paligid kung merong nakikinig sa aming iba. Tumingin naman na ako sa kanya nang masigurong kaming dalawa lamang. "Hindi ko na itatanggi na gu

