Chapter 5

2022 Words
"Feeerrnnn!" Sigaw ng babaeng ngayon ay papalapit sa akin habang tumatakbo. Napangiti naman ako sa kan'ya. Sa wakas nakabalik na pala s'ya galing ng America. S'ya si Cassandra, ang pinakamabait at sweet sa aming magkakaibigan. Siya ang kapatid ni Jayden. Agad naman s'yang umupo sa tabi ko at nagulat na lang ako ng bigla n'ya akong yakapin. "Wahhh, Fern, na miss kita ng sobra." halos maiyak-iyak n'yang sabi. "Me too." sambit ko. "Akala mo naman isang taon kayo hindi nagkita. Ipaalala ko lang sa 'yo dalawang buwan ka lang nawala." wika naman ni Casper. "Gusto mong mamatay ng maaga?" pagbabanta ni Cassandra. Prfft, nasabi ko bang mabait ang babaeng ito, well mabait naman talaga sya maliban nga lang kay Casper. Para silang aso't pusa kung magbangayan. Ngayon na nakabalik na si Cassandra muling manunumbalik ang ingay nilang dalawa. "Hayy sa gwapong kong ito sa tingin mo gusto kung magpakamatay. Maraming iiyak kung nawala ang mukhang ito sa mundo." Casper replied. Nag pogi sign pa s'ya habang nakangiti. Nagsitilian naman ang mga estudyante sa paligid. "Argh, talagang papatayin na kita." Agad namang tumayo si Cassandra at lumapit kay Casper pero bago pa s'ya tuluyang makalapit ay nakatakbo na agad si Casper. Ngayon mukha na silang bata sa paghahabulan nila paikot sa lamesang kinaroroonan namin. "Ang sakit na naman sa tenga ang marinig kayo sa isa't isa." Jacob stated. Ginamit pa nito ang kan'yang hinliliit para ipasok sa kan'yang tainga at kunwari'y may tinatanggal doon. Napahinto naman agad silang dalawa at masamang tumingin kay Jacob. Magsasalita pa sana ang dalawa nang mapahinto sila nang magsalita si Jayden. "Can you stop arguing like a child? O baka gusto n'yong putulin ko na lang ang dila n'yong dalawa, huh?" Jayden said. "Bro naman eh, ito na tatahimik na." Casper replied. "Mabuti nga at tsaka bawas bawasan mo nga ang pagiging mahangin mo." Cassandra commented. Nagulat naman kami ng may kung anong bagay na bumagsak sa lamesa. "Nagugutom na ako! Kung gusto n'yong kumain kayo na ang kumuha." Sabi ni Helley at agad na umupo para kumain. Natuwa naman agad ako nang nasa harapan ko na ang pagkain. Pati ako nagugutom na kaya inumpisan ko nang kumain. "Oh bakit ka ganyan makatingin?" rinig kong tanong ni Casper. "Ikaw na bumili," utos ni Cassandra. "Hah—" "Hep huwag ka nang umangal." "Oo ito na nga pupunta na." Dali-dali namang umalis si Casper para bumili nang makakain. "Fern may problema ba? Pansin kong ang tahimik mo ngayon." Napahinto ako sa pagkain ng sandwich ko nang magsalita si Andy. "Huh?" "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. "Hindi." Napakunot-noo ako nang si Helley ang sumagot. Tumingin ako sa kan'ya at pinanlakihan siya ng mata. What did she say? "What are you talking about?" Andy asked. "Teka, may dapat ba kaming malaman?" Tanong naman ni Cassandra. "Wala—Ouch," daing ko nang paluin ako ni Helley sa braso. "Ang totoo niyan masama talaga ang pakiramdam niya." Helley said. What? Bakit niya kailangang sabihin 'yun. "Tsk. Kung gano'n bakit pinilit mo paring pumasok, huh?" Napalingon naman ako kay Jayden na ngayon titig na titig sa akin. Umiwas naman agad ako ng tingin sa kaniya. "Kaya ko ang sarili ko," wika ko. Sinakyan ko na lang rin ang naisip na pakulo ni Helley. Ang babaeng ito talaga pahamak, eh. Pagkatapos naming kumain ay naisipan kong maglalakad-lakad na muna habang nakikinig ng music. Kung alam ko lang talaga na walang gagawin ngayong araw sana nga hindi na lang ako pumasok. Hindi ko rin pala nakita si Clark. Wala rin ako sa mood para alamin kung nasaan siya. Kung kaya...tama pupunta na muna ako sa mall. Dali-dali akong pumunta ng parking lot. Nang buksan ko ang pinto ng aking kotse ay biglang may tumulak dito dahilan nang pagsara ulit nito. "What the hell are you—" "Sumabay ka na sa akin." "Jayden?" "Hindi siguro, hindi ako si Jayden." Namimilosopo pa talaga ang lalakeng ito. "Ano bang ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong. Bakit kung umakto ang lalakeng ito parang wala lang sa kaniya ang pagpayag sa kasal. Bwisit na bwisit kaya ako sa kaniya dahil parang normal lang sa kaniya ang lahat. "Sinabi ko nang masama ang pakiramdam ko," sambit ko dahilan nang pagtahimik niya ng liang sandali. "Hoy babae, huwag mo akong lokohin. Alam ko kung may sakit ka o wala. Sakay na, huwag nang maraming tanong." "Eh, sa ayaw ko nga." "Sasakay ka o bubuhatin pa kita para iloob sa kotse," pagbabanta niya. Akala niya masisindak niya ako sa pagbabanta niya p'wes hindi. Bahala ka sa buhay mo. Kesa sa sundin ang utos niya ay tumalikod ako sa kaniya at bubuksan ko na sana ang pinto ng aking kotse pero biglang binuhat ako ni Jayden. "What the hell Jayden! Ibaba mo nga ako!" nagpupumiglas kong sabi pero siya parang bingi lang na hindi pinakinggan ang sinabi ko. "Like what I said bubuhatin kita. Ang tigas kasi ng ulo." Dahan-dahan niya akong iniloob sa kaniyang kotse. Tangka ko pa sanang lumabas muli pero agad rin niyang ni-lock ang pinto. Wala na akong nagawa kung hindi ang pagbigyan siyang sumama ako. Nanatili lang akong nakatingin sa bintana habang siya ay naka-concentrate lang sa pagmamaneho. Hindi pa rin niya sinasabi kung saan kami pupunta. Nanatili pa rin siyang tahimik na mukhang walang balak na magsalita hanggang sa hindi na ako nakatiis at ako na ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. "So what is you're plan?" I asked to him but he remained silent. "Jayden please, seryosong usapan na ito. Gusto mo parin bang ituloy ang kasal kahit na alam mong masasaktan nito si Andy?" "I don't have any choice." "Huh? Jayden meron pa. Ahmm...itanan mo si Andy, magpakalayo-layo kayo basta huwag na kayong magpakita kila tito at tita para sa ganoon hindi na matuloy ang kasal," sabi ko sa kaniya. "Can't you realize? Wala akong kawala kay dad." Wika niya. Napabuga naman ako ng hangin nang mag sink in sa akin ang sinabi niya. Yeah mukhang malabo nga ang naisip kong idea. Kilala ko si tito, kung ano ang kaniyang ipinag-utos ay dapat itong masunod. Hindi naman sa takot si Jayden sa daddy niya pero maybe iniisip niya lang si Andy. Napatingin ulit ako sa bintana at nanatili na lamang tahimik. Hindi ko na rin tinanong pa si Jayden kung saan kami pupunta hanggang sa huminto kami sa...ano? Wait nabasa ba nito ang nasa isip ko na gusto kong pumunta ng mall? Nandito na kasi kami sa parking lot ng mall. Magtatanong palang sana ako sa kaniya nang lumabas na siya ng kotse. Dali-dali na rin akong lumabas at hinarap siya habang nakapamewang. "What?" iritadong tanong niya. Problema nitong lalakeng ito? "Anong ginagawa natin dito?" Papalit-palit talaga ng mood ang lalakeng ito. Kanina okay lang naman siya pero ngayon ay mukha na siyang badtrip sa itsura niya. Ako pa ang tinanong niya, siya kaya ang bigla-biglang nanghihila na lang at dinala dito sa mall. "Sasamahan mo ako." "At bakit kita sasamahan?" Nakataas kilay kong sambit. He sighed. "Engot. Tomorrow is Andy's birthday kaya sasamahan mo ako para bumili ng gift para sa kaniya." sabi niya. Engot? Ako engot? Kailangan talagang may kasamang pang-aasar pa. But wait a minute. Andy's Birthday? Shocks, oo nga pala bukas na ang birthday ni Andy. Nawala sa isip ko kaya pala hinila na lang ako nitong lalakeng ito para magpasama. Basta kapag malapit na ang birthday ni Andy, ako ang iniistorbo ni nito. "Lets go" "Hey! dahan-dahan naman ang paghila. Gusto mo bang putulin ang kamay ko," reklamo ko. Akala naman nito mauubusan na siya ng bibilhin kaya nagmamadali. "Daig mo pa ang pagong sa bagal mo," sambit niya. Aba't namumuro na ang lalakeng ito ah. "Damn it. Why did you do that?!" sigaw niyang tanong sa akin nang bigla ko siyang batukan. Hmph, he deserve it. Hindi na ako nagsalita at inunahan na siya sa paglalakad. "Crazy woman," wika niya bago sumunod sa akin. Hindi talaga ito titigil sa pang-aasar eh, noh. Gusto pa yata niyang batukan ko ulit siya? Tumapat siya sa akin sa paglalakad habang nakapamulsa siya. Napatingin-tingin naman ako sa paligid at gano'n rin si Jayden. Hmmm, ano kaya ang magandang gift para kay Andy? Noong nakaraang taon isang Imported bag ang gift ko sa kaniya. Hindi naman siya maarteng babae kahit na anong ibigay mo sa kaniya ay bukal sa puso nitong tatanggapin. Kung ikukumpara ang buhay namin sa kalagayan ng buhay niya ngayon ay masasabi kong hindi siya tulad namin na nakukuha at nabibili agad ang anumang gugustuhin namin dahil siya ay hindi. Napahinto naman ako sa paglalakad nang lumiko si Jayden papunta sa isang jewelry store. Agad naman akong sumunod sa kaniya. "Good afternoon, Ma'am, Sir. Ano pong hanap niyo?" tanong sa amin ng sales lady pagkapasok namin sa loob. "Necklace," maikli niyang sabi. Ipinakita naman lahat nung sales lady ang mga mahal na necklace na nagkakahalaga ng mahigit five hundred thousand. Tumingin naman sa akin si Jayden na dahilan nang pagtaas ng aking kilay. "What?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw na ang pumili," sabi niya. Ano? Siya itong mamimili ng regalo tapos ako ang pagpipiliin niya. "Para ba sa girlfriend niyo sir? Ito sir nababagay ito sa kaniya," Napalingon agad ako sa sales lady dahil sa sinabi niya. Halata namang nagpapacute pa siya kay Jayden. Kung inisip niyang ako ang girlfriend ni Jayden nagawa pa niyang magpa-cute sa best friend ko. Ang landi nga naman. "Hindi ko siya boyfriend," I said to her habang siya ay nanatili paring nakangiti. "Ito na lang ang bibilhin niya." Tukoy ko sa isang silver necklace. "Okey na po ba sir?" tanong pa niya kay Jayden. Tumungo lang naman siya at ibinigay na ang kaniyang credit card. "Here's your item sir," "Thank you," sabi ni Jayden. Ang laki-laki naman ng ngiti ng sales lady nang nginitian rin siya ni Jayden. Pagkatapos kunin ni Jayden ang paper bag na may lamang necklace na binili niya ay lumabas na kami ng store. "Tsk. Anong problema mo at parang pinagsakluban ng langit ang mukha mong 'yan." tanong niya sa akin. Napasimangot ako. "Nagugutom na ako," sambit ko. "Tara." Hinila naman niya ako. Hindi naman nakaligtas sa akin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. May narinig pa ako na ang sweet daw namin sa isa't isa. Paano ba naman ay nakaakbay ngayon sa akin si Jayden. Wala naman na sa akin kung gawin niya ito sa akin pero dahil nasa mall kami ay naiilang ako sa bawat tingin ng mga tao dito kaya puwersahan kong tinanggal ang pagkakaakbay ni Jayden sa akin. "Tumigil ka nga sa pag-aakbay mo tandaan mo nasa public tayo ngayon," sabi ko sa kaniya. "Fine. Masyadong kang OA." He said. Matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na naming pumunta sa parking lot para umuwi na. Nakabili na rin ako ng regalo para kay Andy. So tomorrow we are going to the resort owned by Casper to celebrate Andy's birthday. Gustuhin ko mang sa beach resort na lang namin pero mukhang hindi maganda idea ang naisip ko kaya tinext ko na lang si Casper para pakiusapan na doon na lang magaganap ang party para kay Andy. Sumulyap ako kay Jayden na ngayon ay seryoso lang sa pagmamaneho hanggang sa napansin niya akong nakatingin sa kaniya. "What? Why are staring me like that? May dumi ba sa mukha ko, huh?" tanong niya habang nakatingin sa harapan. Napa-iling ako. "Wala naman. Masama na bang tignan ka ngayon?" pabalik kong tanong sa kaniya. "Nah, you can stare at me as long as you want," he said cooly. I stared at him in dibelief. Geez, pinagsasabi nito. Nakita ko pa sa kaniya na natatawa siya. "Tatawa tawa ka d'yan," inis kong sambit sa kaniya pero siya ay patuloy parin sa pagtawa. Araw-araw talagang gusto nitong maasar ako sa kaniya eh. But...I'm thankful na naging bahagi siya ng buhay ko. I'm thankful na nagkaroon ako ng kaibigang tulad niya na masasandalan ko sa panahong mahina ako. Parati siyang nasa tabi ko para patawanin, alagaan at protektahan ako kahit na sa bawat salita niya ay may halong pang-aasar. He is part of my family na ayaw kong mawala sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD