"Fern nasa labas na ang Kaibigan mo!" Sigaw ni Nanny mula sa labas ng pinto. "Yeah, coming!" Kinuha ko na agad ang shoulder bag ko at nagmamadaling binuksan ang pinto. Bumaba na ako ng stairs. "Fern naman ilang oras ka ba naliligo at ang bagal mo." Salubong sa akin ni Helley habang nakasalumbaba. Nalipat naman ang tingin ko nang mapansin ko ang isang lalake na may hawak ng libro. Napalunok naman ako ng sarili kong laway. Nandito rin pala si Clark. Bakit hindi ako na-inform? B'wisit talaga. "Ang lalim ng tingin natin, ah." Agad naman akong napaiwas ng tingin kay Clark nang magsalita si Jayden na ngayon ay nasa tabi ko na. Siniko ko siya sa tiyan dahilan nang pag-atras niya. "The f**k! You're so bad to your best friend," ani niya habang may ngisi sa kaniyang labi. "Tumahimik ka nga

