"Fern tama na, nakakarami ka na ng inom, oh," Rinig kong sambit ni Cassidy. Kaysa sa pakinggan siya ay tinungga ko pa ang bote ng alak. "Don't mind me okay, just enjoy the party!" sigaw ko sabay taas ng boteng hawak ko. "Prftt—sinabi ko naman sa inyo na huwag na huwag niyong paiinom ng alak 'yan. Tignan niyo ayaw nang magpapigil," sambit naman ni Casper. "Tumahimik ka nga! Sinabi ko bang magkomento ka, ha," angal ni Cassidy. "Kailangan ko bang ipagpaalam sa iyo kapag magsasalita ako?" panunumbat naman ni Casper. "Shut up you're mouth the both of you. Ako na ang maghahatid kay Fern sa kuwarto niya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Clark. Kahit na nahihilo na ako ay malinaw ko pa ring naririnig ang paligid ko habang ako ay nakapikit na. "Sigurado ka?" tanong naman ni Helley. Halata

