Napasalampak agad ako sa sofa namin pagdating na pagdating ko sa mansion. Hinilot-hilot ko ang aking noo at isinandal ang aking ulo sa sofa. Gulong-gulo pa rin ang aking isipan dahil sa ibinahaging balita ni Helley tungkol sa pagbubuntis nito. Ngayon na nangyari na ang kinatatakutan ko ay hindi ko alam kung ano ang maiibigay kong tulong sa kaniya. Hindi pa siya handang ipaalam ito sa kaniyang mga magulang at sa sitwasyon niya ngayon na patago lamang sila ng kaniyang boyfriend na nakikipagrelasyon sa isa't isa ay sigurado akong itatakwil siya ng mga magulang niya. Lalo na ngayon na may nabuo na sa pagsasama nilang dalawa. Ayaw ko naman payagan ang kaibigan ko na ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya because after all walang naging kasalan ang bata. Sa ngayon ay wala pa ang mga magulang ni

