"Close na pala kayo ng lalakeng 'yun. Talagang ipinangalan pa sayo ang pusang niyan. Tsk, katawa," sabi ni Jayden at napailing pa. Nakasimangot akong napatingin sa kanya habng buhat-buhat ko ang pusa ni Lucas. Na ngayon ay pagmamay-ari ko na pero kahit na ganoon ay sa kanya pa rin naman ito kahit na ba sinabi na niyang akin na 'to. Hindi na ako umangal pa sa sinabi ni Lucas na ibinibigay na niya sa akin si Fern. Sino ba ako para tumanggi kung ganito din naman kaganda ang pusang 'to. Nakaalis na pala si Lucas pero nakalukot pa rin ang mukha nitong si Jayden. Mukha siyang naasar sa itsura niya ngayon. Ano bang nagawa ko sa kanya? Wala naman ah. "Kung iniiisip mong ipinangalan niya sa akin ang pusang 'to dahil sa nakilala niya ako, nagkakamali ka. Nakakatuwa nga dahil kapangalan ko siya at s

